Pasakit

16 1 1
                                    

Bitaw na!,
Oo,bibitaw na,
Bibitawanan na kita,
Bibitawan ko na ang pag-ibig nating dalawa.

Ako'y pagod na,
Pagod na sating pagsasama,
Pagsasama na hindi kailan man nagkaroon ng saya,
At hindi kailan man magkakaroon ng ligaya.

Ako'y nagtiis,
Sa pag-ibig mong kay nipis,
Sa pag-ibig mong kay higpit,
Kaya't ang hirap kumawala kahit ipilit.

Noong una sinasabi mo na ito ay isang proteksiyon,
Upang hindi ako masaktan sa lahat ng sitwasyon,
Ngunit isa lang pala itong imahinasyon,
Na sinama mo sa iyong koleksiyon.

Ako ay naniwala,
At humiling na rin sa isang tala,
Na balang araw sana ikaw ay magbago,
At mamahalin ulit ako ng buo.

Lumipas ang araw,
At nag-iba ang iyong pananaw,
Akala ko ito na ang simula nang iyong pagbalik sa akin,
At umaasa na naman na ako ay iyong mamahalin.

Isa na namang pagkakamali,
Ang nais mong isali,
Ngunit agad kong isinauli,
Upang di na masaktan muli.

Natuto na ako,
Na magpakalayo sa iyo,
At hindi ka na pagkatiwalaan,
Upang malimot ka ng tuluyan.

Nakakatakot pala ang magmahal,
Sa panahong hindi naman pala magtatagal,
At sasaktan ka lang ng pabagal-bagal,
Na siguradong madadama ang pag-ibig na iyong isinugal.

Halos lumuha ng dugo sa bawat alaala na bumabalik,
Halos masuka sa bawat pag-alala ng iyong mga halik,
Di alam kung ano ang mararamdaman,
Na nauuwi sa pagbalik ng kalungkutan.

Puputulin ko na ba ang tulang ito?,
Dahi sakit lang naman ang dulot nito,
Nananariwa ulit ang sakit na naging pasakit,
Sa bawat minuto at segundo ay may hinanakit.

Bakit nga ba ang laki ng epekto mo sa akin?,
Ganun ba ako kahangal upang mahalin ka ng sobra,
Na nagdudulot ng mahirap na paglimot sa tuwina,
At gusto ko ng mauwi sa sa pagpapahinga ng walang katapusan.

Masyado akong nasaktan,
Kaya't ako na ay mamamaalam,
Sana wag ka ng manakit ng iba,
Sana sapat na ang isa,
Mahal pa rin kita kahit ano anuman ang iyong ginawa.Paalam na.











Mga TULA ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon