Crush

17 1 1
                                    

Una kitang nakita sa paaralan,
Wala akong paki sayo nung una pero ng malaan,
Aking napagtanto na attractive ka pala,
Isang matalino at simple na estudyante pa.

Idagdag pa ang pagiging tahimik at napaka seryosong mukha,
Na nagpapawala ng aking kasiyahan,
At napapalitan ng kalungkutan,
Ayokong makita mo ako,dahil masyado kang nakakahalata.

Lumapit ako sayo at kinausap ka,
Para kang bingi na hindi kumibo,
Nagmukha tuloy akong baliw na kumakausap ng hangin,kahit meron naman talaga,
Kinalbit kita pero wala pa din epekto sayo.

Di ako nakapagpigil kaya't sinabihan kang bading,
Ngiti na lang ang nakita sa aking labi at bibig,
Nang ikaw ay lumingon sakin,
At sinamaan ako ng tingin.

Pagtapos nun ay bumalik ka sa iyong ginagawa,
Tinapos agad ito at iniwan ako,
Di ako nagalit sayo sa halip ay natawa na lang sayo,
Pikon ka pala at ito ay nakita kong nakakatuwa.

Hindi ako tumigil kaya't chinat kita ng paulit-ulit,
Pero di ka na naman sumasagot,
Na akin na namang ikinalungkot,
Ngunit di ako tumigil at patuloy kang kinulit.

Hanggang sa nalaman ko ang number mo sa aking kaibigan,
Di ako nagisip pa at ika'y tinawagan,
Narinig ko ang isang boses sa kabilang linya,
Na naging dahilan upang ako ay sumaya.

Napakaseryoso mo at wala pa ding pagbabago,
Sinungitan mo ako ng hindi ako kumibo,
Nagulat ako ng binabaan mo ko,
Kaya't inulit ko ulit ito.

Di ko inaasahan na nakilala mo ako,
Kaya't di na naman ako nakaimik,
Pero ikaw na mismo ang bumasag sa tahimik,
At tinanong kung kamusta ako.

Nakakalito kung ano ang aking mararamdaman,
Saya ba? Dahil kinamusta mo ako,
O Tampo? Dahil pinahirapan mo pa ako,
Pero mas pinili ko ang saya dahil ako ay may nalaman.

Gusto mo daw ako pero ika'y natatakot,
Natatakot na baka mapuno ng lungkot,
Kung ikaw ay hindi pansinin,
Gaya ng ginawa mo sa akin.

Lumipas ang taon at naging tayo,
Pero pinili kong lumayo,
Dahil pag-aaral ang inuuna mo,
Na naging dahilan upang ako ay magtampo.

Akala ko susuyuin mo ako,
Pero nakita kita may kausap ng iba,
At nang ako'y makita mo,
Agad kang lumingon sa kanya,

Poot ang nabuo sa puso at isip ko,
Napakawalang kwenta mo,
O sadyang ako na naman ang nagpaloko,
Naging tanga na naman ako para lang sayo.

Minahal mo ba talaga ako?,
O ako lang ang nagmamahal sa pagitan nating dalawa na ito,
Alam mo ba kung gaano kasakit,
Sobrang sakit na gusto ko ng mapunta sa langit.

Pinagkatiwalaan kita pero sinayang mo lang pala,
Ginusto kita kasi akala ko tayong dalawa na,
Minahal kita kasi akala ko tama na,
Mali at kalokohan lang na naman pala.

Nakakapagod ang magmahal,
Lalo na sa taong di ka naman mahal,
Sinasayang mo ang oras para lang sa taong di karapat-dapat sa pagmamahal mo,
Dahil patuloy lang ni sasamantalahin ang kabaitang taglay mo.

Tama na! Sobra na ang sakit,
Lagi na lang ba ganito ang mararamdaman?,
Dahil sa maling pagmamahal na ilang ulit,
Ilang ulit na hindi kailanman magiging sulit.


Mga TULA ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon