Two

700 18 0
                                    


"We're here."


Sambit ni Lux. Nakababa na kami sa kotse at kaharap namin ang napakalawaaaaaaak na espasyo na binabalot ng mga damo.


"A perfect place for camping." Tanging mga salita na lumabas sa mga bibig ko.


"Itatayo ko na ang tent. Text Tita and Tito na andito na tayo."


"Aye aye, Captain!" Sabi ko pa at nagsalute.



Kinuha ko yung phone ko at tinext si Mama.








5:47 PM



Nakaupo kami sa labas ng tent na itinayo ni Lux at nakaharap sa direksyon ng papalubog na araw. Sunset is indeed a proof that some endings can be really beautiful.



"I want to stay like this forever." Mahinang usal ni Lux. Nakasandal ako sa kanyang balikat habang hinihimas-himas nya ang aking buhok.



"Me too. But we can't. People are supposed to live their lives. And so does time, it must continue. Unless, God will freeze it."


He chuckled.



"Wait. I have to get something." Napatayo at pumasok sa tent. Matapos makuha ang aking nais, binalikan ko si Lux.



"Promise #1, CHECK!" Ani ko at minarkahan ang mga nakasulat sa notebook.



"Let me see. Mmmmm. May lima pa."



"We will sleep under the stars tonight. Kaya apat nalang." Ngumiti pa ako.



"Nice idea. Pero.... baka lamigin ka? Oww, I can hug by the way. Forget cold."




"Yieeeeee. Ang bait-bait naman ng bestfriend ko!" I said then pinched his nose.









Nakahiga na kami ngayon sa nakalatag na mat. Nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Lux at parehong kaming nakatingin sa kalangitan.


"Syd?"


"Mmmm?"


"Pwede ko bang dagdagan ang mga pangakong isinulat ko?"



Mahina akong natawa.



"Dadagdagan mo pa talaga ah? Pwede naman..... ano yun?"



Ipinatong nya ang isa nyang kamay sa noo ko.



"Kapag tuluyan kanang gumaling, magpapakasal tayo."




Sa gulat e nasuntok ko sya sa mukha.



Pero tinawanan nya kang ako ng malakas.



"Grabe ka ansakit nun ah!" Ani nya at hinawakan pa ang pisngi.



"Baliw ka kasi! HAHAHAHAHAHA kasal mukha mo."




"Nagbibiro lang naman ako e. Eto kasi yon...."



May dinukot sya sa kanyang bulsa.




"TARAAAAAAAAAAN!"



Sh*t.



"Lux?! Seryoso kaba?" Gulat na gulat parin ako.





"Yes, I'm serious Syd." Nakangiti lang sya at nakatingin ng derecho saking mga mata.





"Oh my gosh Luxem....."





Halos maiyak na ako. Lux is holding our passports.





"Where do you want to go first? London? Korea? France?"




"Anywhere. As long as I'm with you." I answered with a smile.




"Kaya dapat magpagaling ka. Okay?"




Tumango ako.




Then niyakap nya ako.






"You will be okay. Everything will go back to the way they used to be. I'll help you survive, Syd. And always remember.... you will always be someone SPECIAL." He whispered and then kiss my forehead.

His Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon