Six

342 12 0
                                    

Sydney's POV

Feel ko ang pula-pula na ng mukha ko. Kanina pa to nag-iinit eh. Lecheng Lux yon, what have he doooone?



Hindi tuloy ako nakapaghilamos! Tsk. Sa baba na nga lang.



Pagdating ko sa sala, wow naman.


Ang tahimik.


As usual, si Lux lang naman talaga ang nagpapaingay ng bahay na'to.


Feeling nya bahay nya.


Pero okay na yun, atleast nabuhayan ako.



Dali-dali akong pumasok sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.



"...... brush brush brush three times a day! Brush with colgate.!"




Tekna napakanta pa talaga ako. Pero natigil yon nang napatingin ako sa lalagyan ng toothpaste.



Saka humagalpak ako sa tawa.


HAHAHAHAHA GAGO NAKA-SENSODYNE PALA AKO!



Naibuga ko ang minumugmog kong tubig sa kakatawa.



"Hay nako Sydney. Epekto rin ba 'to ng cancer mo?" Kinakausap ko pa ang aking sarili sa salamin.



"Oyyy ang haba mo na ah." Sinusuklay ko naman ang aking buhok gamit ng aking mga daliri.


Ilang saglit pa, napako ang aking tingin sa aking palad.



Sh*t. Bakit nalalagas ang buhok kooooo?



Muntik na'kong magpanic.



Buti nalang naalala ko na may cancer pala ako.



Ginulo ko nalang ang buhok ko para hindi halatang numinipis yon.




At nilinis ko ang lahat ng nalagas sa sahig.



Oh my God, hindi nila to dapat malaman.


*tok-tok-tok-tok......*



Anak ng! Mas lalo akong natense dahil katok na yon sa pintuan.



"Syd! Okay ka lang ba dyan?" Si Lux.



"Oo naman teka lang natatae pa ako!" Palusot ko pa.


Binulsa ko ang mga nalagas kong buhok at kunwaring nagflush ng toilet bowl.



"Woooh success!" Sigaw ko nang makalabas na ako.





His Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon