Sixteen

803 18 4
                                    

Sydney's POV





........ 2 years later......



Nakahiga ako sa hospital bed at nakatingin sa mga aparatus na nakakabit sa akin.



Halos hindi ko na kilala ang sarili ko dahil sa sobrang payat at putla.



Bakit kasi hindi nalang nya ako kinuha para makita ko na ulit si Lux?



Si Lux na mas nauna nya kinuha na dapat ay ako.



"Sweetheart. Eto na ang nirequest mo."




Lumapit si mama at iniabot nya ang isang paperbag.


Kinuha ko ang laman non.


Ang notebook.


Kung saan isinulat noon ni Lux ang kanyang mga ipinangako.



Inisa-isa ko ang bawat pahina habang dumadaloy na naman ang luha sa aking pisngi.




"Promise #9.... ✘. Lagi mo akong pinapaiyak simula nang umalis ka Lux. You never kept your promise. Ang daya mo."




Basa na ng luha ang kwadernong yon.



"Ma. Keep it." Ani ko matapos ibalik sa loob ng paperbag ang notebook.




Nakaramdam narin ako ng pagod.



Parang tatakip na ang talukap ng aking mga mata.



"Ma. I want to sleep. Can you play my favorite song on the phone?"



Kahit umiiyak ay nakita kong nakangiti si Mama.



"Sleep tight, our princess." She whispered and then kissed my forehead.



......And if you need me,
You'd kiss me
Then tell me how you feel
And if you want me,
You'd show me
That your love is for real
And if you love me
You'd hold me in your arms
Where I belong
So while I'm feeling strong
I sing you one last song

I sing you one last song....




I closed my eyes. Unti-unti kong nararamdaman na nawawala ang lahat ng sakit. Parang lumulutang ang katawan ko sa hangin.


















"Sydney Marsielle Castro, Time of Death July 27, 2020. 5:39 PM."













~The End.

His Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon