Thirteen

301 9 0
                                    

Luxem's POV





"Lux.. Iho..."


Napabalikwas ako nang naramdaman kong may gumigising sa akin.



Sina Tito at Tita, mga magulang ni Sydney.



"Pasensya na po... nakatulog ako."



"Wala yon Lux. Alam naming pagod ka. Saka... ilang linggo ka na ring nandito sa tabi ni Syd. Hindi ka ba nagugutom? Baka ikaw naman ang nagkasakit, ayaw non ng prinsesa namin."



"Hihitayin ko pong magising sya."



"Talagang pinanindigan mo ang iyong mga pangako, Lux. Napakaswerte ni Syd at nakilala ka nya. Bihira na ang taong kagaya mo."



"At alam namin na kahit saan man mapunta si Syd.... hinding-hindi ka nya pababayaan."



Bumuhos na naman ang luha ko.



Hindi ko alam kung may patutunguhan ang paghihintay ko sa taong wala namang kasiguraduhan na magising.




Mag-aanim na bwan na akong nakaabang sa muling pagdilat ng mga mata nya.



Sabi nila, mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko.



Mas lalo pang naging malubha ang kalagayan ni Syd dahil may dugo pa na bumara sa kanyang utak.


At paminsan-minsan, nawawalan na sya ng heartbeat.



Pero naniniwala ako na kakayanin nya.


Kulang pa ang mga ipinangako ko sa kanya.


Gusto ko pa syang makasama ng mas matagal.


Pang HABANGBUHAY.



Kaya hindi ako magsasawang maghintay sa muling pagbukas ng kanyang mga mata.





4 months later.....




"Good morning Lux."



Bati ng doctor na syang naka-aasign na mag monitor kay Syd.



"Good morning Doc. Jeff."



"I salute this young lady. She's different. She's always fighting."



"Any changes to her condition, Doc?"







"A seventy-nine percent possibility that she'll woke up, two days from now."







His Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon