Fifteen

448 9 2
                                    

Sydney's POV



Dahan-dahan akong nagmulat saka nilibot ang paningin sa paligid.

Maraming aparatus.

At may babaeng nakaputi na nakatayo at napako ang mata sa akin.

*taps a button*

"Doc, doc! Gising na sya!"

At narinig ko ang sunud-sunod na pagbukas ng pinto.

"Sydney darling!" Agad akong niyakap ni Mama.

"Thanks God you're awake!"

"M-ma.. P-pa... Si L-lux?"

"H-he's outside. At may ipinabibigay sya sayo."

Pagkatapos ay may inabot sakin si Mama na bouquet ng rosas.

"C-can I see him?"


"Later, Sweety. You need to relax."


Nakasandal lang ako sa headboard ng hospital bed sa loob ilang oras.


Kung wala sa tabi ko si Lux,walang kabuhay-buhay ang mundo ko.


Napako ang tingin ko sa kumpol ng rosas na nasa gilid lang ng kama. Kinuha ko iyon.


Hindi ko pala kanina napansin na may card na nakakabit.


...You finally opened your eyes, my love. Te amo...


Nalipat rin ang atensyon ko sa bagay na nakasabit sa tali ng mga bulaklak.

SINGSING.

Ngunit..... ang kulay puti na ribbon na syang nakatali sa kumpol ng mga bulaklak....

May bahid ng dugo...

At tila nanuyo na.

Lux....

Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Sh*t Lux. Nasan ka...

"Maaaaaaaaa! Paaaaaaaaa!" Pagsisisigaw ko.

Agad naman silang pumasok.

"Ma, Pa. Ano to? Bakit may dugo itong pantali sa bulaklak? At nasaan na si Lux?"

Tahimik na nagkatinginan sina Mama at Papa. At mas lalo akong kinakabahan sa sitwasyon na iyon.

"M-maaaaaa. Nasaan si Lux. I need to see him. Tell him to get inside. P-please." And my tears started to pour.

Huminga ng malalim si Mama bago nagsalita.

"He's supposed to be here pero.... naaksidente sya habang pabalik dito Syd. Bago sya kanina ipinasok sa emergency room, pinabigay nya to sayo."


"Ma. Ma please. Gusto kong makita si Lux. Please.. Take me to him."

Nagparequest sina Mama ng wheelchair. Pagkatapos ay agad naming pinuntahan ang emergency room.


Pagbukas namin ng pintuan, bumungad sa aking paningin ang katawan ni Lux at may ilang mga hose na nakakabit doon. Meron ding mga doctor at nurse na nakapalibot sa kanya.

Halos nabalot na ng mga sugat ang kanyang mukha.

And that broke my heart.

"Vitals and blood pressure are starting to fall!"

Sigaw ng isang nurse.

May tumunog na rin na aparatus at mula doon, nakikita ko ang unti-unting paghina ng heartbeat nya.


Shit. Lux lumaban ka. Hindi pwede.

"Charge 50 joules!"

"Clear."

"Again. Charge 70."

"Clear!"


"Sh*t. CPR, CPR!"

Sinubukan nilang irevive ang heartbeat ni Lux.

Pero napatingin ako sa aparatus.

Panay parin ang tunog nun pero straight horizontal line na.

Inilayo narin ng mga doctor ang kanilang distansya sa katawan ni Lux.

"Why did you stop?" Sigaw ko sa kanila habang umiiyak.

"You didn't get his heartbeat back. You should continue!" Dagdag ko pa.

"LUXEM PEREZ. TIME OF DEATH. July 27, 2018. 9:24 AM."


At isa isa silang lumabas sa silid.


"No! Noooooo! It's not yet over! He's not dead!" Patuloy ako sa pagsigaw at pinilit ko pang makatayo.

Hindi pa ako gaanong malakas kaya bumagsak ako sa sahig.


Kahit bumubuhos ang luha ko ay pinilit kong gumapang papunta sa kama kung saan naroon ang katawan ni Lux.

Wala naring nagawa sina mama at papa kundi ang humagulgol habang pinapanood ako.

And finally. Narating ko nga sya.

"You... stupid bastard. Open your eyes Lux! It's not funny." I said while crying.

Hinawakan ko pa ang pisngi nya at doon pumapatak ang luha ko.

"Lux. P*tangina naman. Ako ang nasa giit ng kamatayan pero bakit ikaw ang nandiyan? G*go gumising ka! Lux gumising ka! Diba sabi mo iikutin pa natin ang mundo kapag gumaling na ako? And here.... I'm finally good. Kaya gumising ka Luxem. Please. Please." Hindi ata nauubos ang luha sa mata ko.

"Syd. Syd tama na. Wala na si Lux."

Hinihila na ako palayo nina Mama at Papa.

"Hindi! He's not dead! He promised to stay with me no matter what!"

May pumasok na doctor at tinakpan ng puting kumot ang katawan ni Lux.

F*ck.

That should be me.

His Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon