PROLOGUE...
Ito ay isang fantasy na nilikha ng malawak kong kaisipan..
Pasensya kung ibang kwento na ang aking isasalaysay haha. . Pero sure ako na magugustuhan ninyo ang istorya ko ngayon.
----------
JULIET CASSANDRA POV
Kasalukuyan akong nag aayos ng aking sarili sa harap ng salamin para sa pagpasok sa trabaho ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
Bumungad ang naka busangot na mukha ng kapatid ko na si Lester.
Mukhang mang aasar na naman ito." ate! Basag na ang salamin."
Sinamaan ko naman ito ng tingin sa sinabi.
" loko ka, gusto mo ng sapak? "
Sabay aro ko ng kamao ko dito.
" ayaw ko, sino ba naman ang may gusto ng sapak.? Ikaw talaga ate.. Tinatawag kana ni Nanay. Kakain na daw kanina kapa diyan paganda ng paganda, wala ka ng igaganda "
Sambit ng kapatid ko.
Ganyan ang kapatid kong yan palagi nalang akong inaasar kaya ako naman palaging nasisira ang mood dahil sa kanya." Pogi ako totoy! Pogi hindi maganda.. Lumabas kana nga, sinisira mo na naman ang araw ko.! "
Sambit ko dito sabay taboy palabas ng kwarto ko.
At ang loko kong kapatid tinawanan lang ako..
" ate? May pogi ba na malaki ang dibdib? Haha "
Pang aasar ng kapatid ko na lalo kong ikinapikon..lalo na ng ituro nya pa ang dibdib ko.
Agad ko naman itong sinamaan ng tingin at binatukan.
" Aray! Isusumbong kita kay nanay, nananapok ka ate"
" haha sige magsumbong ka,, bakla ka naman eh! "
Asar ko bilang pambawe.. Sinamaan nmn nya ako ng tingin at binelatan pa.
" Bleeh! Tomboy ka naman! "
Sambit nito sabay takbo palabas ng kwarto.
Napabuntung hininga nalang ako sa sinabi ng kapatid ko.
Oo lesbian ako.
Lalakeng lalake ang puso ko pero ewan ko ba kung bakit dito pa ako inilagay sa katawan ng isang babae.Humarap ako sa salamin at tiningnan ang kabuuan ko.
Ang mahaba kong buhok, matangos na ilong.. Ang malantik kong mga pilik.
"tsk, kung di lang kita katawan, liligawan kita eh.. Ganda mo! "
Sambit ko sa sarili ko sa harap ng salamin..
Tapos kinuha ko ang Pamuyod ko na nasa ibabaw ng lamesa at ipinusod na ang aking mahabang buhok., gusto kona sana to pagupitan ng gupit lalake kaso namumura ako ng inay.
Kaya no choice. Pinupuyod kona lang. Dahil naiirita ako.Gusto ko rin magdamit ng damit pang lalake kaso namumura naman ako ng itay, pero wala sila magawa na sa akin doon dahil pasaway ako, ang mga binibili kong damit ay yung mga damit na gusto ko,
Pinagbigyan naman nila ako dahil ako naman daw ang bumibili. Basta wag lang daw ako papaputol ng buhok..
- natapos akong mag intindi ng sarili kaya bumaba na ako ng sala para mag agahan.
" Cassandra, kay tagal mo namang mag ayos.. "
Sita sa akin ng inay
" nagpapa pogi Pa kasi nanay si ate hehe "
BINABASA MO ANG
THE MISPLACE (ROMANCE COMEDY) COMPLETED
FantasyMinsan ang buhay parang fantasy.. may mga pangyayari na di mo inaasahan.. di mo akalain..at mas lalong di kapani-paniwala.. pero paano kung mangyari sayo na parang maging isang fantasy ang buhay mo.. maniniwala kaba oh iisipin na lang na isa itong...