PART 3

68 2 0
                                    

JULIET CASSANDRA POV

Bago ako mawalan ng malay, nagulat pa ako ng makita kong sinaksak din ng ice pik nung holdaper si Sir Adrian sa sikmura..

AND everything went black..

-------
ADRIAN FORD POV

Hellow mga Sis, kaloka may pov din pala ako, Charot.

Alam nyo. Inggit na inggit ako sa empleyado kong si Juliet Cassandra...

Kasi yung katawan at kagandahang gusto ko nasa kanya, ewan nagkapalit ata kami, kasi sya lalake ang puso pero nasa katawan ng isang babae. Ako naman babae ang puso pero kalerkey nandito ako sa katawan ng isang hot Papa..

Nasa loob ako ng kotse ko pauwi na sana ng mapansin ko sa di kalayuan ang kotse ni Ivan. Nakita kong kinukulit ni bebeloves si Cass na sumakay sa kanyang kotse.

" tss ayan na naman sila , palagi nalang magkasama hay kaloka"

Sambit ko sa sarili ko,

Nakita kong di pumayag si Cass kaya medyo natuwa ako.

" yan ganyan nga, wag ka pumayag.."

Pinaandar na ni bebeloves Ivan ang kotse nya at umalis na.

Hindi muna ako umalis at tinitigan lang ang nakatayong si Cass na nag aabang ata ng masasakyan.

Maya maya'y may nakita akong lalakeng manyakis na lumapit sa kanya at kinausap sya.pero tinarayan lang ito ni Cass..

Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari,

Madilim pa naman ang lugar at wala ng gasinong tao na dumadaan..

Nakita kong may matalas na bagay na itinutok ang mamang manyakis sa tagiliran ni Cassy.

Nakaramdam ako ng kaba...
Holdaper pa ata ang Bruho.

Bababa na sana ako ng kotse pero pinigilan ko ang sarili ko.

Dahil baka madamay ako, pero ng makita kong talagang isinaksak na nung Holdaper si Cassy nagmadali na akong bumaba at Sinugod ang holdaper, kaso sa kasamaang palad,
Tinamaan din ako ng sibat este panaksak nya,

Nakaramdam ako ng pang hihina habang Hawak ang parte ng nasaksak sa akin, agad namang tumakas ang holdaper at tumakbo na kung saan.

Napatingin ako sa naka handusay na si Cassandra habang unti unti nadin nagdidilim ang paningin ko

At ang mga sumundo na pangyayari ay hindi kona alam dahil nawalan narin ako ng malay.

---------
JULIET CASSANDRA POV

Nagising akong masakit ang tagiliran ko, minulat ko ang mata ko kaso nagtaka ako sa nakita..

Nasaan ako??

Biglang may nagsalita sa gilid ko. Di ko sya kilala

" Aryana, gising kana .. Kamusta na ang pakiramdam mo? Kaloka, akala ko di kana magigising! Isang linggo kang walang malay, oh my ghad, bakit ka nag ala Darna dun kay Cassandra, ayan tuloy napaha------"

Di ko sya pinatapos dahil naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ng baklang ito.

" sino ka? At nasaan ak-----"

Teka bakit naging lalake ata ang boses ko.. Napatakip ako sa bibig at agad na napatayo sa higaan kaso sumakit bigla ang tagiliran ko.

Agad naman napatakip din sa bibig ang baklang nagsasalita sa harap ko. Halata sa kanya ang pagka gulat.

" Wait a Minute ? Don't tell me my amnesia ka Girl? "

Sambit nito, tiningnan ko lang sya at dahan dahan akong tumayo sa higaan at humanap ng salamin.

THE MISPLACE (ROMANCE COMEDY) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon