CASSEY POV
Nagulat ako ng magising ako sa labas ng opisina sa tapat ng 7/11..
nakakapagtaka naman ang alam ko sa loob ng opisina ako nakatulog kanina..
pero anong ginagawa ko dito ngayon?
napatingin ako sa paligid at isang matanda ang seryosong nakatingin sa akin.
" ano pong nangya--"
agad akong nagulat sa boses na narinig ko sa sarili at tiningnan ko ang aking dibdib, nakita kong muli ang naka umbok kong hinaharap..
napatakip ako sa bibig at dali daling tumayo pero bago pa ako makatayo ay nakaramdam ako ng sakit ng puson.
" shet, bakit ang sakit ng puson ko"
bigkas ko sa sarili.
naalala ko bigla ang matanda at muli itong sinulyapan kaso wala na akong nakitang matanda sa aking harapan.bigla akong nagtaka
" nasan na yung matanda na yon?"
nilingon ko ang paligid pero wala na talaga ito, sa halip ay mga estudyanteng tambay na lalake ang mga nakikita ko. Nakatingin sila sa akin at tila ay parang natatawa,
kaya naman minabuti kong umalis nalang doon at bumalik sa opisina..
* pagpasok ko sa opisina *
ay agad bumungad sakin ang sekretarya ni Adrian
" Cassey, pinapatawag ka ni Sir Adrian,"
bigla akong nakaramdam ng Kaba ng marinig ko ang pangalan nya..
at isa pa, hindi kaya?
yung sumpa ay nawala na..
hindi ko na sinagot yung sekretarya at agad na akong tumakbo patungo sa opisina ni Adrian kahit na pakiramdam ko ay sobrang sakit na ng puson ko.
narinig ko pang tinawag ako nung sekretarya pero di ko na ito nilingon.
kumatok ako ng tatlong beses at di pa man nya binubuksan eh agad na akong pumasok, no manners naman kasi kung hindi ako kakatok diba?
pagpasok ko sa silid nya ay laking gulat nya ng tawagin ko sya ng malakas.
" Adrian" tawag ko sa kanya
" Waahhh Cassey!! huhuhu"
maluha luha syang ngumangawa habang papalapit sa akin..
ang pagka bakla na naman nya ay umiiral pero laking gulat ko ng
bigla nya akong niyakap ng mahigpit..
oh my yung heart ko..
*Dug *Dug *Dug
napatigil ako sa kinakatayuan ko at di malaman ang gagawin.
habang sya
" Waah Cassey... ibalik mo sa akin yang katawan mo... ayaw ko na nito sayo nalang to... huhuhu hindi na ako magugustuhan ni Ivan kasi lalake na naman ako..
Cassey!! anong gagawin natin huhuhu"natauhan lang ako ng bigkasin nya ang salitang hindi na sya magugustuhan ni Ivan
nasaktan ako, pero hindi ko alam kung bakit..
" Ahm" tanging nasambit ko at bumitaw naman na sya sa pagkakayakap sakin ng mapansin nyang wala akong masabi
" ano Cassey? tutunganga kana lang ba dyan? magsalita ka? anong gagawin natin?"
bakas sa mukha nya ang sobrang pagkalungkot..
ganun ba talaga nya kagustong maging babae para kay Ivan?
" ahm,"
shet bakit wala ako masabi....
____
ADRIAN POV
"cassey!!"
tawag ko ulit sa kanya pero para padin syang ewan nakatulala lang at naka titig sa akin..
oh my hindi kaya may nakikita syang multo sa likod ko.. kagaya ng sa mga pelikula??
Kinakabahan ako habang dahan dahang lumilingon sa likod ko
pero *BOOOOM*
_
_
_
_
_.
_
_. _
.
wala naman akong nakita..humarap ulit ako kay Cassey pero pag harap ko..
" Cassey??"
wala na sya..
______
CASSEY POVng makita ko syang lumingon sa likudan nya ay ginawa ko ng pagkakataon iyon para maka alis sa lugar na yon.
hindi ko na kasi kaya ang mga nararamdaman ko at ang mga iniisip ko..
unang una eh hilong hilo na ako sa mga pangyayari
kung paanong nakabalik na kami sa mga sarili naming katawan..kung paanong nagkapalit kami ng katauhan,
kung sinong may kagagawan..at kung bakit May gusto sya kay Ivan
.ng makalabas na ako ng opisina ay agad akong pumara ng Taxi at umuwi na muna ng bahay..
*Ring ring *
pagtingin ko sa cellphone ko ay tumatawag si Adrian..
hindi ko ito sinagot at sinilent kona lang ang phone ko..
hindi ko alam kung bakit pero..
wala ako sa mood ngayon,
pagka baba ko ng taxi ay andaming nagtinginan sa akin habang papasok ako ng bahay namin..
hindi ko na lang sila pinansin..
*pagpasok ko ng bahay*
nakita ko si mama na nag luluto sa kusina..
bigla ko syang namiss kaya naman dali dali akong lumapit sa kanya at niyakap sya mula sa likuran..
halos ilang araw ko ding hindi sya nayakap ng ganito..
naramdaman kong nagulat sya.
pero niyakap nalang din nya ako pabalik.." anak, bakit maaga ka ata umuwi ngayon?" tanong nya
" masama po kasi ang pakiramdam ko ma" sambit ko..
ng biglang may magsalita sa likudan
" ate bakit ka may dugo sa puwitan mo?" ang bunso kong kapatid
nagulat ako at kinabahan,
dali dali ko itong tiningnan sa salamin at totoo nga may dugo.." Naku Cassey, kaya naman pala masama ang pakiramdam mo.. teka bakit hindi mo man lang napansin na may tagos kana pala? " sambit ni mama..
halos umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ng maisip kung bakit kanina pa ako pinag titinginan ng mga tao..
naisip ko bigla si Adrian..
" tsk humanda ka sa akin bukas, hindi ka man lang nag palit ng Napkin, awas awas na pala"
bulong ko sa sarili at agad na nagtungo sa banyo para magpalit..
______
ITUTULOYsorry sa short update...
bawe nextime...
BINABASA MO ANG
THE MISPLACE (ROMANCE COMEDY) COMPLETED
FantasíaMinsan ang buhay parang fantasy.. may mga pangyayari na di mo inaasahan.. di mo akalain..at mas lalong di kapani-paniwala.. pero paano kung mangyari sayo na parang maging isang fantasy ang buhay mo.. maniniwala kaba oh iisipin na lang na isa itong...