PART 9

30 1 0
                                    

ADRIAN POV

" naku pasensya na mga sissy hindi na ako naka punta sa event.. pasensya na talaga nagkaroon lang kasi ng problema dito sa opisina eh"

( naku naman sister, wag ka masyado magpaka subsob sa trabaho.. alalahanin mo ikaw ang boss, bakit ba ilang araw ka ng di nagpaparamdam sa amin ha?) sa kabilang linya

" kasi naman mga sis, basta ang hirap ipaliwanag.. basta pasen--" di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang may kumatok sa pinto

( sis andiyan kapa ba?)

" sister, tawagan nalang kita mamaya ha... chao"

*hang up*

" Tuloy " wika ko sa kumakatok

*Door open*

" Sir, may bisita po kayo"

sambit ng aking sekretarya

" sino? at anong kailangan?" tanong ko sa kanya

" sya daw po si Keizer at - - -"

di ko na sya pinatapos ng sasabihin, dahil bigla akong natuwa ng marinig ko ang pangalan nya,

" papasukin mo" wika ko dito

*smile*

" sir, tuloy na po kayo" ani sekretarya kay Keizer at pinatuloy ito

" Keizer my Ghad!"

tatakbo akong lumapit dito at pinupog sya ng yakap

" Ahhhh hi-hindi a-ako maka hi-hinga"

nagulat ako sa sinabi nya kaya naman kumalas na ako ng yakap

" Hehe sorry Kei, Namiss lang kasi talaga kita ng sobra"

sabay yakap ulit ng mahigpit

________

CASSANDRA POV

" Inay! si ate bumalik na sa dati"

nagulantang ako ng biglang sumigaw ang kapatid kong bunso, nakita kasi nito akong nakaharap sa salamin at kinakausap ang sarili.

ganito kasi talaga ang tunay na ako, palaging naka harap sa salamin at pinagmamasdan ang sarili habang kinakausap at sinasabing " Ang Pogi ko talaga"

-_-

" ano ba yan bunso! agang aga ang ingay ingay mo.." suway ko dito

"ate, bakit ang weird mo nitong mga nakaraang araw?" tanong nito

" anong weird? bakit ano ba ako nung mga nakaraang araw?"

" kasi ate, minsan para kang babaeng babae kung kumilos, at madalas kapang mag make up na at mag lipstick, pero bakit ngayon hindi ka na naglalagay nun? "

patay ano kayang ipapaliwanag ko sa kapatid ko.

yumuko ako ng kaunti para magkapantay kami hinawakan ko ang ulo nya at ginulo gulo ang buhok

sabay

" AHHHHHhhhhh acheee achaaaay!! "

" Hahaha ang cute cute mo "

pinisil ko lang naman kasi ang pisngi nya, namiss ko kasi to eh.

" awwts huhuhu sumbong kita sa inay" sambit nito at lumabas na ng silid ko.

" haha.. hay nako maka alis nanga"

----

" Inay, alis na ako"

THE MISPLACE (ROMANCE COMEDY) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon