PART 11

45 1 0
                                    

"ADRIAN POV"

"cassey? hindi naman ata tama na hinahatak mona lang ako basta basta ng ganyan? ano nalang sasabihin ng mga employees ko?" reklamo ko dito

" Hayst wag mo ng isipin yon okey? kumain na tayo dahil pagkatapos nito ay mayroon tayong pupuntahan.." sagot naman nya

" At saan naman aber? " ako

" Basta! kumain ka na! " siya

" okey "

*
makalipas ang ilang oras ay narating na din namin sa wakas ang lugar na sinasabi ni Cassey

" Andito na tayo " sabi nya

" Teka Cassey? nakaka takot naman ang lugar na ito? nasaan ba tayo? "

nakakatakot! kasi ba naman sobrang liblib na lugar at halos wala pa masyadong mga bahay, tanging ang nag iisang kubo lang sa may bandang gitna ang nag iisang bahay na natatanaw ko.

" Basta! Matutuwa ka kapag nalaman mo na ang kasagutan sa lahat ng mga tanong mo " sambit nya na ikinapagtaka ko

" huh? anong ibig mong sabihin? " ako

" halika " sya

bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko..
lumakas na naman tuloy ang tibok ng puso ko..

hinila nya ako patungo sa isang kubo

" Magandang Hapon po Manang! Andito na po kami.. " bati nya sa matandang nakatalikod at nakaharap sa isang altar na di ko mawari kung altar nga ba, ang weird lang kasi, nagdarasal sya sa isang bagay na hindi naman related sa ating poong Maykapal

" Andyan na pala kayo., maupo muna kayo saglit, may kukunin lang ako sa kusina. "  tumalikod na ito at tinungo ang sinasabing kusina

" Cassey? ano ba kasi talagang ginagawa natin dito?" bulong ko sa katabi ko na panay naman ang tingin sa mga bagay sa paligid.. umupo naman na ako sa tinurong upuan ng matanda.

" hmm malalaman mo na lang mamaya ang sagot.. " tanging sambit nya at pinagpatuloy ang pagmumuni muni

napa irap nalang ako sa inis.

Agad din namang bumalik ang matanda mula sa kusina, umupo sya sa harap namin at ngumiti.. umupo na din si cassey at tinigil ang ginagawa ng makita ang matanda

" Naparito kayo upang malaman ang sagot sa mga nangyayari sa buhay ninyo tama ba?" sambit nito

" opo manang at marahil siguro po ay alam nyo na ang aming problema.."
sagot naman ni Cassey

" ang pagpapalit ng katauhan, kaluluwa ay kadalasan nangyayari sa mga taong pinagtagpo at sa di sinasadyang pangyayari ay nagkaroon ng isang aksidente" sabi naman ng matanda

" Tama po kayo! naaksidente nga po kami ng araw na iyon" sabat ko naman, bigla akong nagkaroon ng interes sa sinasabi ng matanda. so ito pala ang tinutukoy ni Cassey..

" nung araw na iyon, dahil sa sabay at parehas na oras kayong nawalan ng malay ang mga kaluluwa nyo'y naglakbay at maling daan ang napatunguhan." sabi naman ng matanda

" ganun po ba? wala na po bang ibang ibig sabihin pa yun tanda?" iritadong saad ko

kasi ba naman yun lang pala ang dahilan..

agad namang tumawa ang matanda

" Hahahaha.. oo iho, yun lang kaya maari na kayong umalis.. " sabi nito at tumalikod na sa amin

langya? yun lang talaga? kaloka.. nagsayang lang kami ng almost 2 hours na byahe makarating lang dito tapos yun lang??

" Hmmm.. so normal lang pala ang lahat " sambit naman ni Cassey

THE MISPLACE (ROMANCE COMEDY) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon