PART 10

23 0 0
                                    

ADRIAN POV

" Kyaaaahhhhh"

napasigaw ako ng maglapat ang labi namin ni Casey, Pero sya, makikita sa mukha nya at mata nya ang panunukso..

*Dug *Dug*Dug

" Ca ---" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng may magsalita mula sa may pintuan..

" Sir,??" tawag ng sekretarya ko

bigla akong kinabahan ng mapansin ko ang itsura namin ni Cassey, ako kasi ay naka higa tas sya ay nasa ibabaw ko, mabuti na lamang at natatabunan kami ng lamesa,
yung upuan ko naman ay tumalsik na sa di kalayuan dahil sa lakas ng impact ni cassey

sinensyasan ko si Cassey na manahimik, dahil tiyak makikita nya kami sa ganitong itsura, nakakahiya..!!

" Cassey! wag kang maingay, ayokong makita nya tayo sa ganitong sitwasyon... lalabas din yan" bulong ko sa kanya

tumango lang naman sya sa akin at nanatiling nasa ibabaw ko habang naka titig sa mukha ko.

lumakas naman lalo ang kabog ng dibdib ko..

bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon sa kanya?

para akong maiiihi na matatae..

ngumiti sya sa akin na lalong nakapag pabilis ng kaba sa dibdib ko..

ngayon ko lang napansin ang kabuuan ng kanyang mukha..

*Napaka amo*

*napaka ganda*

*Napaka kinis*

*napaka Puti*


at dahil sa mga naisip ko ay nakaramdam ako ng inggit..

" Sana sa akin nalang ang katawang yan, juskolord!! bakit ba kasi naging lalake pa ako"  bulong ko sa isip ko..

habang nag iisip di ko namalayan na unti unti na palang nilalapit ni cassey ang mukha nya sa akin..

" Cassey?? anong ginagawa mo?" takang tanong ko dito

pero hindi sya sumagot.. bagkos ay mas inilapit nya pa ang mukha nya sa akin at napa pikit na lang ako sa di ko malamang dahilan..

at doon ay naramdaman ko ang kanyang malalambot na mga labi..

Oh Emm Gii!! hinahalikan nya ba ako?

**
CASSEY POV

ngayon ko lang napansin, gwapo pala talaga tong si Adrian.. kaso babakla bakla.. hmm gawin ko kayang lalake to at kalimutan nalang ang pagiging ako..

dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya..
nakita ko namang mukha syang nagtataka sa ginagawa ko..

" Cassey? anong ginagawa mo?" tanong nya

sa halip na sagutin ay inilapat ko na lang ang labi ko sa labi nya..

at doon ay may kakaiba akong naramdaman sa puso ko na parang ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko..

kakaiba...
para akong lumulutang..

nalulunod ako sa mga labi nya,

mas lalaliman ko pa sana ang paghalik ko sa kanya ng bigla nya akong itinulak at

SINAMPAL!!

" aray!!" sigaw ko sabay hawak sa may pisngi ko at sa may ulo ko na tumama sa lamesa

" Cassey! isa kang Manyak!"

naluluhang saad nito habang sapo ang kanyang labi, sabay tayo at dirediretsong nagtungo sa banyo ng kanyang opisina at nag lock..

" Hmmm" napangiti naman ako sa di malamang dahilan..

tumayo na ako at inayos ang aking sarili..

napansin ko din na wala na pala ang sekretarya ni Adrian sa loob,
di ko na napansin ang paglabas nito..

lumabas na ako ng opisina nya at may ngiti sa labi na tinungo ang canteen..
bigla kasi akong nakaramdam ng gutom..

**
ADRIAN POV

pagkapasok ko sa banyo ay agad akong humarap sa salamin..

napatingin ako sa labi ko at naalala ang mga dampi ng labi ni cassey.

" Huhuhuhu... isa kang manyak Cassey! wahhhh... pero bakit parang gusto ko din?"

kinakausap ko ang sarili ko sa harap ng salamin..

" Waahh adrian! wag mo sabihing nagiging tomboy kana? diba pa girl ka? bakit ganito?? bakit ganito tong lintik na puso to! bakit tumitibok ng sobrang bilis dahil kay Cassey? "

napahilamos naman ako sa mukha at napa sabunot sa buhok..

" Ahhh nababaliw na ata ako..! "

inayos ko na lang ang aking sarili at lumabas na ng banyo..

bumalik ako sa may lamesa at muling tinuon ang oras sa trabaho..

pero kapag napapatingin ako sa may unahan ng lamesa ay nakikita ko si Cassey na nakatayo doon..

muli ko namang nasasabunutan ang aking sarili..

" what the fuck! pagpahingahin mo na naman ang isip ko Cassey!"

sa sobrang inis ay lumabas nalang muna ako ng opisina at nagtungo sa canteen..

pagdating ko doon ay nakita ko si Cassey.... mag isang kumakain sa may bandang dulong lamesa

muli na naman akong napa titig sa kanya..

" Sir Adrian "

" Ay palaka! " naisigaw ko sa gulat sa babaeng tumawag sa akin, kaya naman napatingin ang lahat sa akin sa canteen, maging si Cassey ay napansin na din ang presensya ko..

*Dug *Dug *Dug

" Ay sorry po Sir! may papa pirmahan lang po sana ako sa inyo" sambit naman ng bruhang ito..

" Ah sige akin na"

dali dali kong kinuha mula dito ang mga papeles at pinirmahan at muling ibinalik sa kanya..

ng maka alis na ito ay tatalikod na sana ako para tumungo sa Parking lot ng bigla akong tawagin ni Cassey

" Adrian!" si Cassey

bigla naman umingay ang paligid..

" Hala bakit ganun nya lang kung tawagin si Sir? close naba sila?" chismosa 1

" Siguro, Madalas ko kasi silang makitang magkasama nila Sir" Chismosa 2

" Ako din! at madalas ko pa ding mapansin na lumalabas si Cassey Mula sa Room ni Sir! hindi kaya may something na sa kanilang dalawa?" Chismosa 3

natigil naman ang chismisan ng tumikhim ako..

" Ahemmm"

" Ano Yun ms. Cassandra?" tanong ko kay Cassey

lumapit naman ito sa akin at bigla akong hinawakan sa Kamay..

*Dug *Dug *Dug

"An--anong gina-ginagawa mo?" nauutal kong sambit dito..

" Let's eat!"

matapos nyang sabihin yun ay hinatak nya ako papunta sa table na kinakainan nya kanina..

--—---------

sorry sa late update...
medyo tinatamad na kasi akong ituloy kasi mukhang panget ang story eh at kokonti ang nagbabasa.. hehehe... comment naman po kayo kung itutuloy ko pa oh hindi na... kasi kung panget ito.. gagawa nalang ako ng panibagong story...

THE MISPLACE (ROMANCE COMEDY) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon