PART 6

61 3 1
                                    

ADRIAN POV (CASSY)

.. 5pm na, oras na para umuwi ng muling mag ring ang phone ko..

Calling marlon again.

Di ko na lang sinagot dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Palabas na sana ako ng opisina ng Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Cassey.

" Adrian, Pauwi kana ba?  "

Tanong nito sa akin na parang may gustong sabihin..

" ah Oo, ay oo nga pala Cassey may tumatawag sa phone mo, marlon ang pangalan.., magkikita daw kayo --- "

Di na nya ako pinatapos dahil bigla syang nagulat.

" Oh My Ghad!! Ngayon ang birthday ng ka sis ko Adrian..., kailangan nandun ako. Este ikaw pala , kung hindi , magtatampo yun!! "

Sambit ni Cassey

" pero anong gagawin ko doon? Hindi ko sila kilala at. Baka mapahiya lang ako... Baka pati magtaka sila sa mga ikikilos ko  ,hindi ko naman kayang magpanggap na beki kagaya ng ikinikilos mo.. "

Napa pukpok naman ang palad nya sa noo Nya sa sinabi ko.

" malaking problema to Adrian, inaasahan nya ako dun na pupunta.. Kailangang humarap ka sa kanila.. "

" paano ako makaka harap sa kanila, wala naman sila sa likod ko "

Pabirong saad ko.

" tsk.pasaway ka... Tsk halika na nga sumama ka sa akin! "

At hinatak na nya ako palabas ng opisina ng magka hawak ang kamay.

Napatingin naman sa amin ang mga empleyadong di pa nakakauwi..

Lahat sila ay nagtataka at di makapaniwala..

Pagkarating namin sa parking lot. Ibinigay nya sa akin ang susi ng kotse nya.

" ayan yung Car ko. Paandarin mo "

Sambit nya.

" pero, Cassandra, hindi naman ako marunong magmaneho eh.. "

Napakamot nalang sya sa ulo at padabog na binawi sa kamay ko ang susi. At sumakay na sa kotse. Sa driver seat.

" sakay na. "

Sigaw nya sa akin dahil di ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya.

" ah Okey, "

Dali dali akong sumakay at pinaandar na nya ang sasakyan..

Habang nagmamaneho, napasulyap ulit ako sa kanya..

" Sir. Este Ma'am bakit ang sungit nyo? "

Di ko mapigilang maitanong..
Pansin ko kasi,  parang kanina pa sya mainit ang Ulo.

" tsk,  pwede ba wag mo muna ako kausapin ngayon "

Naiiritang sagot nya sa akin kaya tumahimik nalang muna ako..

Di ko alam kung saan nya ako dinala basta pumunta kami sa isang Department store.

" ah, ano gagawin natin dito? "

Nagtatakang tanong ko.
May ini abot naman sya sa aking 500 at sinabing

" bumili ka ng Ginagamit mo "

Nagtaka naman ako,

Teka anong ginagamit ko?

Shabu ba? Di nmn ako gumagamit nun, tsaka wala nun dito sa department store..

THE MISPLACE (ROMANCE COMEDY) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon