CHAPTER V - RESCUED

26 0 0
                                    


CHAPTER V - RESCUED

RAEGAR'S POV

Hindi ko alam kung nanadya ba 'tong si Sim, pero masisisi ko ba siya kung lapitin siya ng mga 'karibal' ko. Sino ba naman kasi ang hindi maaakit sa ganda ng kanyang mga ngiti na halos wala ng mata kapag tumatawa. Stand out ang tangkad, may well toned na katawan. At kahit malapit na sa uling ang pagkaitim niya ay glowing parin siya.

She's perfect. And I thank the heavens na nalinawan na rin siya na magpaka straight, dahil kung nagkataon masasayang ang assets niya.

Pinapanood ko siya habang kumakain ng agahan. Masaya siya at napaka-light ng aura niya. Walang bakas ng pighati na dinanas niya kahapon.

Kahit sinabi niyang independent na siya, minsan parang bata parin siya kumilos. I find it cute though.

Sim: Hindi ka yata busy ngayon?

Napansin niyang tinititigan ko siya. As she sips her favorite freshly brewed coffee; a specialty here in our resort.

Rae: Well Andrea is already taking over. Kaya na niya yun. Wala naman nang hinihintay na guests eh.

Sim: Ang sarap talaga ng kape niyo dito, it tastes like home.

Rae: Well, dito naman talaga kilala ang Villa Escudero eh. Sa home feels dahil sa accommodation at sa menu.

Sim: That's why I love it here.

Rae: Hey, as part of the Swell Fest, may surfing competition later, gusto mo sumali? There are surfers from Siargao, La Union and even Baler that would compete.

Even with a little experience, alam kong may laban si Sim. I always see her raw talent in surfing aside from playing volleyball of course.

Sim: No Rae. I don't see surfing as a competition, more on hobby lang talaga siya para sa akin.

Rae: Okay. What about volleyball? There's also this Beach Volleyball Tournament tomorrow? Sasali tayo, pwede naman ang mixed eh.

Sim: Makakahindi ba ako? Feeling ko nga eh, nakalista na ang pangalan natin kahit hindi mo pa sakin sinasabi 'yan?

Rae: Haha! You got it right. Para saan pa kasi ang pag attend mo ng Swell Fest kung wala kang sasalihan na activity. Sayang Registration fee mo. Haha!

Sim: Libre mo naman eh, kaya okay lang. Haha!

Tumayo na siya sa pagkakaupo. At nagpaalam na babalik siya sa tent niya para mag handa, dahil mag susurf daw siya.

Sim: Hindi mo ba ako sasamahan?

Rae: Mamaya, susunod ako, may ibibilin lang ako kay Andrea.

She waves good bye.

*

SIMONE'S POV

Dumiretso ako sa tent ko para makapagbihis. Miraculously, walang ibang tao sa kabilang tent . Nagsuot ako ng two-piece swimwear at nag rashguard. Tinali ko ang aking buhok for convenience.

Bigla kong naisipang gamitin ang bagong bigay sakin ni Rae na surf board Reede.

Kinuha ko 'to at nilagyan ng wax.

Tumayo ako para kunin si Cali sa surf board rack para ilipat ang leash kay Reede.

Pero wala si Cali sa kinalalagyan niya. Hinanap ko sa paligid pero hindi ko makita. So, I assume may gumamit kay Cali.

I hurriedly went to the shore to find Cali.

Nakita ko nga ang surf board ko, may nakasakay na iba.

Road To Redemption (Book 1)Where stories live. Discover now