CHAPTER IV

1.3K 90 8
                                    

Tulad ng mga nagdaan, binalot na naman ako ng kadiliman. Nakasiksik sa isang sulok nitong aking kwarto habang iniisip ang aking naging kapalaran.


Hindi na rin ako nag-abala pang pumasok sa aking trabaho kahit pa patuloy nila akong tinatawagan. Wala na akong balak pang bumalik. Wala nang dahilan para manatili ako roon kahit pa isa ako sa kanilang asset.


"The f*ck, pare! Paano ka nagkaro'n niyan?! Put*ngina mo! Baka nahawa na ako sa 'yo?!"


"U-uhmmm... S-so, get well na lang, Rex. I'll just see you kapag may time."


"This can't be! Nakakadiri ka, Rex! 'Wag ka nang magpapakita! Nagkakaintindihan ba tayo?!"


Hindi ko makakalimutan ang eksaktong mga salita ng itinuturing kong mga kaibigan noong sinabi ko sa kanila ang aking kondisyon. Kulang na lang ay isumpa nila ako. Kulang na lang ay sila mismo ang tumapos ng buhay ko. Hindi na nila ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag dahil nahusgahan na nila ako.


Hindi ko naiwasang matawa habang lumuluha. Ako ang sinisisi ngayon ng lahat, pero hindi ba nila naisip na baka sa kanila ko rin ito nakuha? Magkakasama kaming nagsasaya at nagpaparaos sa katawan ng isa't isa. Pero ngayong ako ang unang nakadiskubre sa sakit na ito, ako na ang naging sentro.


Muli akong lumagok sa bote ng alak na nasa harap ko. Patuloy ang pagdaloy ng mga luha dahil sa pagiging miserable ko.


"Tao po?! Rex?! Nandiyan ka ba?! Si Alexis 'to! May dala akong fruit salad! Pinagawa ko kay Mommy!"


Hindi ko maikakailang nagulat ako sa naging presensiya nito. Naroon na naman siya sa aking pintuan at kumakatok. Pero sa halip na abalahin ang aking sarili na sagutin siya o pagbuksan, nanatili ako sa aking kinauupuan.


"Bukas ang pintuan! Papasok na ako, ha?!" sigaw pa nito mula sa labas.


Wala na akong pakialam sa kung ano man ang abutan niya. Sa dami ng aking problema ay wala na akong oras para pagkaabalahan pa siya.


Naririnig ko ang kanyang mga pagyapak sa sahig nitong aking bahay. Alam kong nagpunta siya sa kusina at ngayon ay tinutumbok naman ang daan patungo sa aking pinagkukulungan.


"Rex, kamusta?!" tanong niya sa masiglang tono habang nasa pintuan nitong kwarto.


Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy ako sa pag-inom ng alak habang patuloy pa ring umiiyak.


"Kumain ka na ba? Masama ang uminom ng alak kung wala pang laman ang tiyan mo." muli nitong pagtatanong.


Malabo ang aking mga mata dahil sa aking mga luha, ngunit nakikita ko ang kanyang imaheng nakatingin sa akin habang suot ang ngiti niya.


Hindi siya bulag kaya alam kong nakikita niya kung gaano ako kamiserable sa mga oras na ito. Hindi rin siya bingi para hindi marinig ang mga paghikbi ko. Pero lahat ng iyon ay iniignora niya at ipinapakitang normal lang ang lahat dito.

DUYANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon