Kabanata 6: Ang Muling Pagtatagpo

1.4K 72 1
                                    

Hindi na pinahintulotan ng gobyerno na magtayong muli ng mga bahay sa coastal area ng aming barangay dahil sa peligrong hatid nito kapag may bagyo. May ibinagay na relocation site sa mga nasalanta ngunit hindi kami nag-avail ni Inay dahil sa napakalayo nito sa kabihasnan at lubak-lubak pa ang daan. Dahil sa may kunti naman kaming ipon at may ibinigay na ayuda ang gobyerno, napagpasyahan naming magrerenta na lang ng bahay sa siyudad at doon magtayo muli ng tindahan. At habang nagtitinda si Inay, mag-aaply din ako ng trabaho para pandagdag sa mga gastusin.

Bitbit ang aking resume, sinuyod ko ang lahat ng department store at mga groceries ngunit walang tumanggap sa akin. Marahil sa aking itsura kaya ako hindi natatanggap. Nawalan na ako ng pag-asa noon at pauwi na sana nang mahagip ng aking tingin ang karatulang nakapaskil sa poste ng ilaw. WANTED HOUSEBOY. Agad kong tinunton iyong address na nakasaad sa karatula hanggang sa natagpuan ko ang sarili sa harapan ng napakalaki at magarang bahay. Nagdoorbell ako. Dalawang bakla ang nagbukas sa akin. Nakauniporme sila ng pang-houseboy. Nakataas ang isang kilay nila habang hinahagod ako ng mapanuring tingin.

"Anong kailangan mo?" Mataray na tanong nong isang baklang maton.

"Mag-aapply sana ako e kung may bakante pa"

"With pleasing personality ang kailangan dito e. Nanalamin ka ba?" Sabad naman no'ng isa. May itsura sana pero mukhang may ilang linggo ng hindi naliligo dahil sa putok nito.

"Houseboy naman ang aapplayan ko, hindi pagmomodelo" Ang palaban kong sagot.

"Nag-iinsist ka pa? Tsura mong iyan, doon ka nababagay sa perya... sa horror house!"

"Kung ganoong bawal pala ang pangit rito, ibig sabihin bulag ang mga amo ninyo!"

Nagkatinginan sila at nakapameywang na bumaling sa akin. Inis na inis ang mga itsura. Nagsalita iyong may putok at tinuro-turo pa ako.

"Hoy, hindi man kami gano'n kaganda pero di hamak naman na may maayos kaming itsura, antipatika. Bakla ka na nga sobrang pangit pa"

Biglang nag-"Tinggg" ang aking pandinig sa kanyang sinabi kaya naman, "Wow, hiya naman ako sa pagiging straight mo. Aanhin mo ang kagandahan kung may 'power' naman!"

Inamoy niya ang magkabila niyang kili-kili.

Kung noon, yuyuko lang ako kapag may namintas sa akin, pwes, hindi na ngayon. Lalo pa't isang baklang nagmamaganda na hindi naman kagandahan ang manglait sa akin.

Sobrang naimbiyerna sila sa aking pagiging palaban kaya tinangka nilang sugorin ako subalit agad din silang natigalan ng biglang,

"Sinon, Donato, anong kagulohan iyan? Kanina pa ako bumubusina ah, hindi nyo ba narinig?" Ma-awtoridad na boses iyon ng lalaki sa aking likuran. Lumingon din ako at laking gulat kong si Dennis iyon sakay ng isang mamahaling kotse. Ewan pero bigla na lamang lumakas ang kabog ng aking dibdib at nanginig ang aking mga tuhod. Gumaling na ang mga mata niya at pumogi pa ng sobra.

"Kuwan kasi, Sir. Itong ahente ng sabon, pinipilit kaming bentahan" Sagot ni baklang maton.

"H-hindi po ako ahente ng sabon, Sir. Nandito po ako para mag-apply sana ng trabaho" Sambit ko. Saglit niya akong sinulyapan at bumaling kaagad sa dalawa.

"Sinon, paki-bukas iyong gate. At ikaw, Donato, igiya mo siya sa mini library, doon ko siya iinterbyuhin"

"Hoy, chaka. Sunod ka raw sa akin!" Wika ni Donato at nagpatiuna na ito sa paglakad. Sumunod naman ako. Naroon sa puso ko ang sobrang tuwa na hayan, nakita ko ng muli si Dennis at nanumbalik na ang kanyang paningin.

"Maupo ka!" Sabi niya nang nasa may pinto na ako ng kanyang mini library. Maaliwalas ang kanyang mukha.

"Salamat po"

BekirellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon