Kabanata 3: Ang Lalaki Sa Parola

1.7K 71 2
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Limang taon ang lumipas mula ng hagupitin ako ng magkasunod na delubyo. Ang biglaang pagpanaw ni Itay. Nang laruin ni Digno ang damdamin ko. At ang pagkasunog ng aking mukha gawa ng pagliyab ng binebenta naming gasolina. Iyong huling nangyari sa sa akin ang nag-udyok na tuluyan ko ng burahin sa bokabularyo ko ang salitang pag-ibig. Sino ba naman kasi ang siraulong magkakagusto sa isang pangit na katulad ko? Nakakapanghinayang lang kapag nakikita ko ang mga larawan ko noon kung saan may maayos pa akong itsura. Siguro kung hindi nangyari ang insidenteng iyon, napakagwapo ko na sanang binata. Ganunpaman, tanggap ko na ang naging kapalaran ko. Nariyan naman si Inay na nagmamahal sa akin at kuntento na ako doon. At tungkol naman kay Digno, isang linggo matapos ang aming hiwalayan, ipinadala siya ng kanyang ama sa kanilang kamag-anak sa Cagayan. Tutol kasi ito sa pagpasok niya sa fraternity. Simula noon ay wala na akong balita pa sa kanya.

Dahil sa hirap ng buhay, highschool lang ang tinapos ko. Sa ngayon, tuloy parin ang sari-sari store business namin ni Inay. Pero itinigil na namin ang pagbibenta ng gasolina at baka maulit na naman iyong nangyari sa akin. Mayroon narin kaming maliit na bigasan at celphone load. Kahit paano, gumaan narin ng kaunti ang aming pamumuhay.

Ngunit may mga panahon ring inaatake ako ng kalungkutan lalo na kapag naiisip kong darating ang panahon na iiwan din ako ng Inay. Tatanda akong mag-isa. Walang magmamahal at walang mag-aalaga. Kahit pa napagdesisyonan ko ng ayoko ng magmahal pero akin ring naisip na iba parin iyong may partner ka sa iyong pagtanda. Kung hindi lang sana nasira ang aking mukha, marahil binuksan ko na ang puso ko sa iba. Nabigo man ako noon kay Digno ngunit hindi naman iyon ang katapusan ng lahat. Siguro matatagpuan ko rin ang lalaking tunay na magmamahal sa akin. Pero sa kalagayan ko ngayon, may magkakagusto pa kaya sa akin? Sa panahon ngayon, sa usaping relasyon ng lalaki sa lalaki, kadalasan, malaking factor na ang itsura. Kung gwapo ka, bentang-benta ka. E ako? nganga! Ganoon ang laging tumatakbo sa aking isip kapag nagagawi ako sa parola. May mga panahon kasi na gusto kong mag-isa at magmumuni-muni at ang parola ang pinakamainam na lugar para sa akin. Bukod sa napakatihimik rito, napakaganda pa ng tanawin at presko ang hangin. Kitang-kita mula rito ang paglubog ng araw sa dulo ng karagatan.

Ngunit nang minsang nagawi ako roon, may nakita akong lalaking nakatayo malapit sa pampang. Hindi ko siya napagsino gawa ng nakaharap siya sa dagat at ako nama'y nasa bandang likuran niya. May katangkaran siya. Isang simpleng tshirt at walking short ang kanyang suot kung kaya't litaw ang makinis at maputi niyang balat. Palihim kong inoobserbahan ang kanyang mga galaw habang nasa likod ako ng isang puno. Maya-maya lang, yumogyog ang kanyang balikat. Mukhang umiiyak. Naglakad pa ulit siya. Nang isang hakbang na lang ay mahuhulog na siya sa pampang ay doon na ako nahintakutan. Nahinuha kong magpaptiwakal ang lalaking iyon sa pamamagitan ng pagtalon sa dagat. Malalim pa naman sa bahaging iyon at malalakas ang hampas ng mga alon kaya nasisiguro kong mapapahamak siya.

Nang akmang tatalon na siya ay doon na ako sumigaw ng, "Huwag!" subalit huli na. Tumilapon na ang katawan niya sa dagat. Kaya ang ginawa ko'y tumalon na rin para siya ay sagipin. Hindi kaya ng aking konsensiya na panoorin na lang siyang mamatay. Sumisid ako paroo't parito. Tumagal iyon ng mga sampung minuto bago ko siya natagpuang walang malay sa ilalim ng tubig. Hinawakan ko ang kanyang damit saka hinatak siya paitaas. Dinala ko siya sa mabatong dalampasigan at doo'y inihiga. Itinapat ko ang aking tainga sa kanyang dibdib. Pumipintig pa iyon. Agad kong pinump ang kanyang dibdib at binigyan ng mouth-to-mouth resuscitation. Apat na beses kong ginawa iyon hanggang sa mapaubo siya at naibuga iyong tubig na nainom. Bumangon siya at humarap sa akin. Mabilis din naman akong tumalikod at baka magulat siya sa aking itsura. Subalit ako iyong nagulat nang sumigaw siya ng, "Hey, may tao ba rito?" Iyong tipong galit. Mukhang hindi niya nagustohan na may sumagip sa kanya. Agad din naman akong lumingon sa kanya at,

"Bakit, hindi mo ba ako nakikita? Bulag ka ba?"

"Magtatanong ba ako kung nakikita kita? Sarakastiko naman niyang tugon. Itinaas ko ang isang kamay at iwinawagayway iyon sa bandang mata niya subalit wala siyang reaksiyon. Tumagos lang ang tingin niya sa akin.

"Weeh, paano ka nakarating sa parola kung bulag ka?"

"Nagpahatid ako sa driver namin, may problema ka?"

"Wala! Ikaw ang may problema. At hindi solusyon sa problema ang magpakamatay, tanga. Alam mo bang kamuntikan narin akong malunod sa pagsagip sa'yo?"

"Sinabi ko bang iligtas mo ako?"

"At anong gusto mo, uusigin ako ng konsensiya ko dahil hinayaan na lang kitang magpakalunod diyan?"

"Hinayaan mo na lang sana akong mamatay. Wala ng silbi pa ang buhay ko!" Biglang bumaba ang kanyang boses. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Sandali ko siyang pinagmasdan. Doon ko napansin ang angkin niyan kapogian. Nakakapanghinayang kung natuluyan siya.

"Maaring wala akong alam sa bigat ng pinagdadaanan mo, pero hindi naman solusyon ang pagpapakamatay sa paglutas ng mga problema. Tulad mo, dumaan din ako sa matinding pagsubok ngunit heto parin ako, nakangiti at pilit na lumalaban. Maari mo bang ikwento ang mga nangyari?

"One year ago, nahuli sa akto ni Mommy ang Daddy ko na may kinahuhumalingang ibang babae. Hindi niya nakayanan ang depression. Natagpuan ko siyang wala ng malay sa kanyang silid. Nakakalat ang maraming sleeping tablet sa kanyang kama. Agad ko siyang isinugod sa ospital. Mabilis ang aking pagpapamaneho. Hindi ko namalayan na nasa intersection na kami. Sumalpok ang kotse ko sa nagko-cross na truck. Wasak ang harapang bahagi ng aking sasakyan. Tumilapon ang maliliit na bubog sa aking mukha. Iyon ang dahilan ng aking pagkabulag. Hindi narin umabot ng ospital si Mommy. Dahil sa nangyari,iniwan ako ng girlfriend ko. Magiging pabigat lang daw ako sa kanya sakali mang mag-asawa na kami. Sinadya kong hindi mag-undergo ng cornea transplant sa pag-aakalang makokonsensiya si Daddy sa kanyang mga nagawa kapag ganyang nakikita niya akong nangangapa sa dilim. Ngunit nagkamali ako. Nalaman ko na lang na binalak na niyang pakasalan ang babae niya. Ako ang labis na nasasaktan para kay Mommy. Hanggang sa naisipan kong sumunod na lang sa kanya sa kabilang buhay"

"Masakit nga ang pinagdaanan mo, Brad. Pero kung buhay lang ang Mommy mo, nasisiguro kong hindi niya mapapayagan ang gagawin mo. Kung natuloy ka sa masamang balak mo, talo kayo ng Mommy mo. At iyong kabet ng Daddy mo ang panalo. Hahayaan mo na lang ba na sa kanya ang huling halakhak at mawawalan ng saysay ang pagkamatay ng Inay mo? Tungkol naman sa girlfriend mo, hindi ka talaga mahal noon. Dahil ang tunay na nagmamahal ay hindi tumitingin sa kapintasan ng isang tao. Ang dapat mong gawin ay magpagaling. Ipakita mong hindi siya kawalan. Diyos ko, ang gwapo mo, maraming maghahabol sa'yo. Kung ako ang nasa kalagayan mo, iyon ang gagawin ko. Igigiit ko ang aking karapatan. Tatayo ako at aayusin muli ang aking buhay. Iinggitin ko iyong mga nang-iwan sa akin"

"Sana gano'n lang kadali"

"At bakit naman hindi?"

Tumayo ako. Hinila ko ang isang kamay niya.

"Saan tayo pupunta?"

"A journey to a thousand miles begin in a single steps, kaya tara na sa parola at baka sinusundo kana ng driver mo. Pag-isipan mo iyong mga payo ko"

"Ayaw ko munang umuwi sa amin" Pagmamatigas niya

"At saan mo naman balak na pumunta?"

"Kahit saan"

"Sa lagay mo na 'yan, tingin mo makakapunta ka kahit saan? Kayo talagang anak-mayaman, tatanda na immature parin kung mag-isip"

"22 lang ako uy... kung maka-tanda naman 'to"

"E, saan mo nga balak pumunta?

"Pwede bang sa inyo muna ako? Kung ayaw mo, dito na lang ako. Hihintayin ang hightide at magpakalunod ulit"

Napakamot ako sa kanyang sinabi. Hindi ako pabor sa pakiusap niyang iyon. Bukod sa hindi ko pa siya kilala, napakaliit lang ng bahay namin. Ngunit natatakot din naman ako na baka totoohanin niyang lunurin muli ang sarili. Kaya naman, "Sige na nga. Hindi kami mayaman ha. Kaya magtiis ka!"

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Feeling panalo ba.

"Don't worry mag-aadjust ako. Dennis, nga pala, Pre" Pakilala niya sabay lahad sa kanyang palad. Tinanggap ko naman iyon at, "Dondon"

BekirellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon