Andito na ako sa kwarto ko, nagbabasa ng mga facts about Croatiania creatures. Masyado na akong passionate sa mga nangyayari sa buhay ko at gusto ko pang matuto. Hindi naglaon ay may kumatok sa kwarto ko.
"Sino iyan?" sigaw ko. "It's me." Sagot ni Skyme kaya pinapasok ko siya. "Hello." Bati ko pero ningitian niya lang ako. Problema ng isang ito? "Problema mo at naligaw ka sa kwarto ko?" tanong ko habang nakatitig pa rin sa libro na aking binabasa.
Pero imbes na sagutin ako ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit, yung parang yung arms niya nasa may leeg ko nakapalibot then yung ulo niya nasa balikat ko. "Yung totoo Skyme. Hindi ako unan para yakapin mo. Sabihin mo sa akin ang totoo. Bat ka ganito?" tanong ko sa kanya.
Hay, clingy Skyme has turned on. Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang siya at bumalik sa pagbabasa. After mga ilang minutes, bigla siya nagsalita. "Huwag mo akong iwan huh?" seryoso niyang sabi. "Anong pinagsasabi mo diyan? May nakain ka bang panis at ganyan na ang kinikilos mo?" may biro kong sabi. "I'm not joking." Seryoso niyang sabi pero natatawa ako at natouch din ako sa mga sinasabi niya. "I won't, okay. I promise you." Sabi ko sa kanya habang kiniss ko yung cheeks niya.
"Promise?" ulit niyang sabi. "Promise po. Paulit-ulit eh?" sagot ko. Pinat ko ang ulo niya kaya umalis na siya sa kanyang posisyon at hinarap ako. "Sigurado ka bang kaya mong pumunta sa Croatiania? Paano kaya kapag pakiusapan ko sila na kasali ako para may proprotekta sayo kung sakali man na may kalaban? Pwede naman ata siguro iyon?" sabi niya. "Hay, I will be okay. Hindi mo na kailangang sumali okay? Kaya na namin iyon." Sagot ko while giving him an encouraging smile pero mukhang hindi gumana.
"Eh kasi naman eh. Ayokong mapahamak ka. Ikaw lang kaya ang nag-iisang kapatid ko, kambal ko pa. Hindi ko kayang mawala ka okay?" sambit niya pa. "Hindi ako mawawala okay? Promise ko iyan sayo. Gaya nga ng sinabi mo, ikaw lang din ang nag-iisa kong kapatid kaya hindi ko hahayaang may mawala sa ating dalawa. Kahit ganyan ka mahal kita." Sambit ko sabay pahid ng luha niya. Ang iyakin ng kambal ko, mas iyakin pa sa akin. "Salamat, Consonant." Sabi niya sabay yakap sa akin. "No problem." sagot sabay yakap pabalik sa kanya.
Nagkwentuhan muna kami sandali at nung nakaramdam na siya ng antok ay nagpaalam na siya sa akin na matulog.
Matutulog na sana ako ngunit may nahagilap akong isang libro na nasa aking paanan. Book Of Powers, kung saan nakasaad dito ang mga impormasyon tungkol sa mga kapangyarihan.
I flip its pages as I read each powers' information. And lastly, open book. Sa totoo lang talaga, kung may isa man akong kapangyarihan na ayaw matutunan, ito ay ang open book, ang kapangyarihan ng kapatid ko at ang dating kapangyarihan ni Demen Anne. Ayaw ko kasing pangunahan ang lahat at gusto ko na mangyayari ang lahat hindi dahil alam mo na ang kasunod na pangyayari, gusto ko na ang tadhana na mismo ang magdadala sa iyo sa kung ano man ang naghihintay sa iyo kinabukasan.
Pero hindi ko naman maiwasan na hindi isipin na mahirap para sa aking kapatid ang nakatadhanang kapangyarihan sa kanya. Hindi madaling pangunahan ang lahat kaya ayoko munang matutunan iyon.
Naalala ko naman ang nangyari sa akin noong nahimatay ako. Ano kaya ang ibig sabihin noon? Sino si Aeiou? Ano ang magiging parte niya sa buhay namin? At sino yung babae? Bakit ganoon?
Parang totoo talaga ang nakita ko. Parang 3D lang na pinapanood ko sila, na pinapanood ko kung paano magmakaawa ang babae sa lalaki at kung paano umiyak ang lalaki habang palapit ng palapit siya sa babae habang may hawak na kutsilyo, kung gaanong karaming dugo ang nakita ko sa paligid.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero agad na nandilim ang paningin ko pagkatapos kong makita kung paano sinaksak sa dibdib ang babae, kung saan naroroon ang puso at may naramdaman akong kirot sa dibdib bago ako nawalan ng malay. At yung panaginip kong hindi ko maipaliwanang kung ano.
Iyon ang nakita ko at hindi ako sigurado kung alam ni Skyme kung ano ang nakita ko. Pero sigurado akong alam niya na may nakita ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito sa kanila at baka banta ito sa amin o dapat ko bang sarilihin dahil baka isa itong kathang isip lang. Hindi ko alam dahil wala akong kaalam-alam sa nakita ko.
Hindi na ako nakatulog sa lalim ng iniisip ko. Alas tres ng umaga ay agad na akong bumangon sa aking higaan kahit hindi naman ako natulog dahil sa katok ni Mama sa labas.
Agad na akong nagligo at nagbihis ng isang hindi gaano kabigat na armored suit din na kakabigay lang ni Demen Universe sa akin kahapon. Dinala ko na din ang aking mga libro at inilagay ito sa aking bag saka ako nagsimulang iblower ang buhok ko at binun.
Lumabas na ako ng kwarto dala-dala ang aking bag at dumeretso sa kusina para kumain. Andoon na rin sina Mama at Papa habang halos kasabay ko lang din pababa si Skyme. Agad ko naman silang binati at ganoon din sila.
"Hali na't kumain na tayo." Pag-imbita ni Mama sa amin sa hapag kainan. Agad na din kaming nagdasal sa Panginoong Syzygy sa lahat ng aming mga biyayang natanggap at sana ay protektahan kami sa mga masasamang mangyayari. Sana ay protektahan at gabayan niya kami.
BINABASA MO ANG
Dear You, A Billet-doux - Dear Series #1
Fantasy~formerly Dear John from the Other Side~ Achievements: •Wattpad Story Awards 2018 Champion in Fantasy Three dimensions, one city, a lot of mysteries. How will they unfold them? FIC009050 Fiction : Fantasy/ Paranormal From August 15, 2016 To O...