Chapter 11

9 0 0
                                    

Sa Resto.

Marami ng tao ng pumunta na ako doon, sinalubong ako ng isa sa mga waitress.

"Goodmorning maam, andito na po yung mga mag sasagawa ng commercial"

Pumunta ako sa isa private seat sa resto, nakipag kamay ako sa mga nag alok ng icocomercial ang aming resto.

"Mam, goodmorning"

"Goodmorning, have a seat"

"Mam may naisip na po ba kayo na pwede nating maging artista?"

"May kaibigan ako na nagprisinta na he can be our model in this commercial"

"Lalaki po? sino po?"

"Si Jk, you know Jungkook?" Kinuha ko ang kapeng inabot saakin ng waitress.

"Jk? You mean golden maknae ng BTS?" Nanlaki ang mga mata nila, tumango lang ako.

"Oh my goodness" natawa ako sa inaasta nila, kahit naman sino pag nalaman mo na isang golden maknae ng BTS ang kukuning model sa isang commercial tas babae ka pa, naku heaven is in your hand

Binabasa ko ang pinaka concept ng commercial ng biglang may tumawag, UKNOWN ang nakalagay.

Sinagot ko yun.

"Hello? Who's this?"

"Ahh Ms. Lee, ako to" nabosesan ko agad ang nagsalita, si Manager to.

"Ayy sorry po, unknown po kase ang nakalagay, napatawag po kayo?"

"Nabanggit saakin ni Jk na kukunin nyo daw syang model para commercial ng resto nyo is that true?"
Medyo kinabahan ako, what if nagalit si Manager?

"Uhmm if its ok lang naman po, if its not i understand" napapapikit pa ako habang nagpapaliwanag.

"No, no i mean kong totoo, sinabi nya nga saakin actually i agree, sabi ko ok lang naman tas sabi ko pa e wag na syang magpabayad kase sya lang naman at it take minute lang, sabi pa nya sabihin ko sayo kase baka daw di ka maniwala at mag pilit pang magbayad"

Napanganga ako sa narinig? Jinja? Di na magpapabayad si Jk? Naku malaki laki ang makikita ng mag iindorse ng commercial.

"Talaga po? Naku maraming maraming salamat po"

"Wag ka sakin magpasalamat kay Jk kase naman nag desisyon na wag nang mag pabayad. So i have to go Hija may aasikasuhin pa kase ako"

Nagpaalam na din ako kay Manager at muling bumalik sa Private room,

"Guys goodnews, di na nagpapabayad si Jk para sa commercial. So ibig sabihin mas malaki makikita nyo"

Napanganga naman sila sa narinig.

"Talaga po? Naku maraming salamat po. Malaki po talaga matutulong nyo para sa lola namin"

Tumango tango lang ako habang may ngiti sa labi.

May kumatok bigla sa pinto. Isa sa mga waitress.

"Mam, Jk is looking for you"

"Let him come in"

Tumango lang ang waitress at umalis na.

Natanaw ko na ang padating na si Jk, ang gwapo nya sa suot na plain shirt at pants, with leather jacket.

Nginitian ko sya ng makapasok sya.

May dala syang flowers, inabot nya saakin yun ng may ngiti sa mga labi.

"Para saan to? May okasyon? Di ko naman birthday" tumawa ako sa kanya habang inaamoy ang roses.

Ano papabebe muna ba ako? Medyo kinikilig na ako ah HAHAHA. Bumaling ako sa mga taong nandoon din, lahat sila ay malalapad ang ngiting nakatingin saakin, tinawanan ko lang sila.

"Nasabi na ba sayo ni Manager?" Bigla syang nagsalita.

Tumango tango ako.

"Thank you so much Jk, napakalaking tulong nun sa kanila, kelangang kelangan kase nila talaga ng pera para sa operasyon ng lola nila"

"Operasyon?" Kumunot ang noo nila.

"Oo, ang lola daw nila ay may sakit at kailangan na ng agarang operasyon, kung hindi baka lalong lumala ang sakit"
"Kaya ba nila ginagawa to?"

Tumango ako.

"Have a sit, im sorry" humingi ako ng paumanhin kay Jk dahil di ko agad sya napaupo.

Inabutan kami ng waitress ng cake at coffee.

"Kaya ba ninyo to ginagawa dahil ng lola nyo?"

Tumango sila.

"Pero naisip ko Jk. Wag na lang kaya nating gawin ang commercial, tulungan na lang natin sila, i mean maghati tayo para sa operasyon, kase parang hassle naman ata, tas di pa sure komg kikita ang commercial kase di naman sobrang kilala ang restaurant namin" bumaling ako kay Jk.

"Naisip ko din yan, kase di naman sa wala akong tiwala sa resto nyo kase masarap talaga pagkain dito, pero what if di pumatok ang commercial? Mahahasle talaga"

Di naman umimik ang mag pipinsan.

"Pero kaya mo ba Pam? I mean diba kakabukas pa lang naman nito, ok lang kong ako na lang" Jk smile at me. Bat ganyan ka saakin Jk? Bat moko ginanito.

Naku Pam! Stop that shit! Mabait lang talaga sya, wala yung meaning o anuman.

"Naku wag na po, nakakahiya naman ata yun"

"No,its okay! Atsaka may naipon na naman ako, yakang yaka ko na Jk, basta tulong tayo" ngumiti ako sa kanya. Ngumiti lang din sya.

"Mabuti pa give me your address. Tas bukas na bukas pupunta kami sa inyo. Pero Pam maganda yung naisip na commercial, di lang tayo sa kanila makakatulong pati na rin sa negosyo mo" tama ang naisip nya pero ayoko, mabenta na naman ang restaurant, atsaka nahihiya akong humarap sa camera, kase base sa theme ako at si Jk ang aarte sa commercial.

"Hindi na Jk, ayos na yun" ngumiti ako sa kanya. Tumango lang sya.

"So can i get your address"

Sinulat nila ang address at inabot kay Jk, tumayo na sila at nagpaalam. Kelangan pa daw nila asikasuhin ang lola nila, sila na lang pala ang natitirang pamilya ng lola nya, ang mga anak daw nito ay iniwan na sya matapos makapagtapos ng pag aaral.

Anong klaseng anak sila? Matapos silang bihisan at palakihin, aabandunahin nila ng ganun na ganun na lang.

Pinadalhan ko sila ng cake para sa lola nila, halos di maubos ang pasasalamat nila. Ang sarap pala sa pakiramdam ng tumutulong.

Bumaling ako kay Jk matapos silang ihatid sa labas.

"May gagawin kaba?" Bigla nyang tanong.

"Wala naman, bakit?"

"Pwede bang yayain kang kumain sa labas?"

Ano bang pakulo to Jk? Ganyan kaba talaga? O mabait ka lang talaga?

Tumango lang ako.

"So text kita mamaya? Nasa bahay kana ba around 7:00? Sunduin kita sa inyo"

"Jk, can i ask a question?"

"Go on"

"Ganito ka ba sa lahat?"

"No! Tanging sayo lang. Sige aalis na ako"

Di na ako nakaimik dahil umalis na agad sya, totoo ba ang narinig ko? Na saakin lang sya ganun? Ohmygod!

My heart beat fast. Hinawakan ko yun at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok.

Napangiti ako, ngayon lang tumibok ng ganito ang puso ko. I remember, last time na nagkaganito ako ng ligawan ako ng crush kong crush din ng lahat. Intrams yun, bigla na lang nya ako nilapitan at binigyan ng flowers, that time diko mapaliwanag ang nararamdaman ko.

Pero dahil nga sa famous, hearthrob sya sa school, ni di sya nakatagal sa panliligaw saakin. Tumigil sya at di na ako pinansin, ang bagal ko daw kase. Mabilis ko syang nakalimutan dahil na rin siguro diko talaga sya minahal ng sobra dahil sa alam kong ganun sya.

Tas isang araw nakita kong may kasama na syang iba. Nakakatawa ng maisip kong nag kagusto ako sa kanya.

Pumasok ako sa loob ng may ngiti sa labi. Sana dina maulit yung dati, at sana totoo lahat to!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

P.A (Personal Assistant) to LoverWhere stories live. Discover now