Ayah's POV
Pagkatapos ng magandang evolution ko at nakaka kilig— este, nakakadiring hiyawan ng mga tao sa shop dahil kay Monster, binayaran na ni Nathan yung cashier tapos hinila na ako palabas, papunta sa kotse niya.
Nakatingin ako sa kamay naming mag kahawak. Geez!
Unang hawak palang niya sakin, bago ako hilahin at kaladkarin palabas, parang may kakaibang kuryenteng dumaloy sa aking kamay.
Kakaiba talaga, grabe. Hayst!!! Ang weird nga eh!
Pumasok na ako sa kotse, syempre sa passenger seat, kapag sa backseat kase, pinagmukha ko na siyang driver non.
Dala ng mga shinopping namin, ay pinaharurot na niya ang kanyang kotse. Hanggang sa nakauwi na kami sa Mansion. Di ko siya pinansin, baka mang asar nanaman yan eh.
Parang gusto kong uminom ng alak or wine, para sa celebration lang naman.
Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng wine. Wooohooo! Celebration of Congratulations haha.
Isang tungga lang. Okie?
Kumuha ako ng baso, tapos nilangyan ito ng wine.
Naalala ko pa yung huling inom ko nito, napaka tamis niya at hindi nakalalasing. Ito yung time na nag birthday yung dating boss ni tita, inuwian kami ng wine tapos binigyan kami. Lasang grape juice nga eh!
Kinuha ko ito at tinungga.
" *gulp* *gulp* Ah. Ganito ba talaga lasa nito?" reklamo ko sa sarili ko.
Ang init... Sa... Lalamunan.
Naramdaman ko na lang na medyo bumigat ang aking ulo.
Nevermind! Isa pa!!
*gulp* *gulp* *gulp*
Ahhh! Naka ilan na... Na ba... Ako...?
Teka... Nakailan na ako...?
Dibale na! Isa pa nga!
Hahawakan ko na sana ang basong may laman na wine nung may kamay na naka hawak sa aking kamay, tila pinipigilan ako.
"Anong ginagawa mo? It's already 2:00 am for heaven's sake!"
Tinignan ko yung taong nag sasalita, kaso blurry na vision... ko...
Tinignan ko ito muli.
Third Person's POV
"Teka... Magnanakaw... Ka no?" tanong ng dalaga na walang bakas na bahala sa mukha nito.
Nagtataka at napanganga si Nathan dahil sa gulat. Oo, si Nathan ang pumigil sakanya.
Nagtaka kase si Nathan kung bakit bukas pa ang kwarto ni Ayah, hindi pa kase siya natutulog dahil sa iniisip niyang.... SEKRETONG MALUPIT.... ( Bakit ko sasabihin sa inyo? Spoiler na si Author niyan! )
Biglang hinawakan ni Ayah ang mukha ni Nathan at hinaplos haplos ito.
"Napaka gwapong magnanakaw naman nito. Sayang..." sabi ni Ayah sa tapat niya.
Nanigas si Nathan sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi ni Ayah. Tumibok ng mabilis ang puso niya, at may kung ano sa puso niya ang nakikiliti. At eto pa! Nung hinawakan siya ni Ayah, may naramdaman siyang kuryenteng galing kay Ayah at lumipat sakanya, gaya ng nangyari kaninang kinaladkad niya ito palabas.
"A-Ayah..." nauutal nitong banggit sabay tanggal ng kamay nito sa kanyang mukha.
Nilapitan niya ang pwesto nito at tinanggal lahat ng inuming nakakalasing na nainom ni Ayah.
"Ano bang problema mo at naglalasing ka?!?!" Sermon nito sa dalaga habang niyuyugyog ito.
Napansin ni Nathan na namutla si Ayah at unti unti na pumikit. Biglang bumagsak at nahulog, buti nalang nasalo ito ng binata.
"A-Ayah? A-Aso? Hey, Ayos ka lang?" tanong nito habang tinatapik ang mukha nito.
Naramdaman niyang mainit ito kaya't dinala niya ito sa kwarto niya.
"Masyado sigurong napagod kanina kaya knock-out ngayon..." bulong ng binata habang karga karga niya si Ayah na oara bang bagong kasal lamang sila.
Dinala niya ito sa kanyang kwarto bago ihiniga sa kanyang kama. Di naman siya mabaho at amoy alak,
"Baguhan palang yata 'to sa pag inom eh." Natatawang sabi ni Nathan, dahil wala pa sa 10 ay bagsak agad ito.
Humiga nalang si Nathan sa kanyang kama na katabi si Ayah, napatitig siya sa inosenteng mukha nito at pinagmasdan.
"I miss you... Ayatut," nalulungkot na wika nito.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
Ficção Adolescente' Ayah Jimenez ' Isang cute na dalaga. She was just a normal student, na tahimik ang buhay. Behind all of her bad and miserable memories, she was a jolly, sweet, kind, na minsan ay mataray, Girl. Ulila siya sa Ina, samantalang nawawala ang kanyang...
