AyumiSenpai's POV
Ayah's POV
"Hoy anong ginagawa mo?! Tumayo ka nga!" sigaw ko sakanya.
Nanigas ang buong katawan ko dahil sa gulat. Nakayakap lg siya sakin. Nag pass out ang loko. Nuginagawgawmue?
"Ambigat mo Nathan!" Sigaw ko pa.
"Bakit ganito ako sa'yo? Bakit ganito impact mo sakin?" Bulong niya.
"Ano sinasabi mo? Lasing ka lg dun ka nga sa kwarto mo!" Taboy ko. Ang bigat niya. Ang bigat bigat niya. Sobrang biga— Oo na gurl gets na namin!
"No! Listen to me!" Sigaw niya. Umupo siya sa sahig na parang batang mag mamaktol. Mag sabi ko, hindi nag.
Umupo din ako sa sahig at tinignan siya. Namumula siya.
"Sige nakikinig na ako." Mahinahon kong sambit. Alam kong nakakainis siya minsan, este kadalasan. Alam ko ding arogante siya. Pero diba lahat naman tayo may downfall? Mabait naman siguro itong halimaw na ito. Lalo na pag tulog— I mean, Oo, basta ayun.
"I don't know what's going on with me, Ayah. You're making me crazy! No, wait, I think I'm going crazy! Who are you? Why are you doing this to me?" sabi niya sakin.
Ha? Ano daw? English teh, mahina-hina tayo diyan.
"Ah, Oh, Yeah. Ohm. I don't know." Naguguluhan kong sagot. Mapupukpok ko na sarili ko. Anong sagot yan?! Nako!
"Why? W-Why are you like t-this to me? W-Why am I hurting so b-bad? Is this my karma? Why d-does it hit me s-so badly?! Why?!" Iyak niya.
Niyakap ko na lg siya. Sabihin nating naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Like, ano ibig sabihin niya? San siya nasasaktan? Ano nanaman ginawa ko? Panong ako may dahilan ng pagka baliw niya eh bago ko pa siya makilala baliw na siya? Joke, pero, di ko talaga gets.
May good side din pala itong Monster/Master ko eh. Ang cute den niya pag naiyak siya.
Ay? Cute ba sinabi ko? Ndi ah! Oy wala kayong narinig! Oyyy wag niya sabihin sakanyaaaa!
Naramdaman kong bumabagal na yung hikbi ni Nathan hanggang sa tumahimik na siya. Bumibigat na din balikat ko, kung saan nakadantay yung ulo niya. Nakatulog ata. Pass out na ba talaga? All out? Black screen? As in tulog na talaga siya?
Hay nako, ano bayan! Makakatabi ko pa tong mokong na to sa kama ko. Or pwede namang sa sahig ako. Mas deserve niya yung kama, amo ko naman siya. Katulong lg niya ako, wala nang iba. Hayst.
Sinimulan ko nang buhatin unti unti si Nathan. Grabe, ang bigat niya tsaka ang hot niya. Ndi seryoso hot talaga siya! Hindiii as in hot talaga! Ndi yon! Mainit katawan niya, ang init niya!
Pinagmasdan ko ang natutulog kong amo. Mukha siyang anghel pag tulog. Nakakaapreciate yung kagwapuhan niya. Kung di lg talaga siya lantaran ng yabang at sungit! Anghel pag tulog demonyo pag gising, ganun lang diba? Diba?
pagkatapos ko siyang mahiga pumunta ako sa drawer ko at binuksan yon. Asan na yung lintik na thermometer na yon? binuksan ko naman yung nasa babang drawer, unang napansin ng aking mata ay yung bracelet na silver. Never ko tong binenta dahil alam kong kung sino mang may bigay sakin nito ay talagang mahalaga para sakin. Di ko maalala kung sino ang nag bigay nito, basta ang sabi sakin ng tita ursula-- este tita ko, nahulog daw ako sa hagdan nung maliit pa ako kaya di ko na daw maalala yung mga nangyare sakin noon, 8 years old ata ako nung kwinento sakin 'to ni tita.ay piste! kanina pa yang drama drama na yan asan na ba kase yung nalilintik kong thermometer jusko!
ayun pala eh, nandon lang pala sa tabi ng diary ko. kinuha ko na itonmg thermometer na 'to at saka lumapit kay Nathan. Ang gwapo naman talaga ni Nathan, di na ako tatanggi, pagbigya na muna natin. Gwapo naman talaga siya kung 'di lang talaga lantaran ng yabang at hangin itong halimaw na 'to ghad.
*teeeet teeeet*
tinignan ko temperature ni Natha--- ANAK KA NANG!
"Nathan??? NATHAN??? Ano ba ginawa mo? huy!"
tinatapik tapik ko si Nathan, sobrang pinagpapawisan siya. hala siya!
40°C
"Nathan ayos ka lang ba?"
itutuloy...
AyumiSenpai:
hawie readers, sorry kung natagalan ako sa pag update. wait niyo lg next update ko. sorry and love u all guysss! mwaaahhh!
![](https://img.wattpad.com/cover/152000692-288-k75540.jpg)
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
Teen Fiction' Ayah Jimenez ' Isang cute na dalaga. She was just a normal student, na tahimik ang buhay. Behind all of her bad and miserable memories, she was a jolly, sweet, kind, na minsan ay mataray, Girl. Ulila siya sa Ina, samantalang nawawala ang kanyang...