24) Dream [14]

4.1K 73 7
                                        

Ayah's POV

*Screeeeekkk!*

(A/N: Tunog yan ng swing na gumagalaw ngunit walang tao. Yung kinakalawang na swing. Gets?)

Nagising ako dahil sa mahinang ingay na galing sa isang swing.

Bumangon ako at pinuntahan yung pinanggalingan ng ingay na nagpagising sa masarap kong tulog.

Madilim.

Yun ang aking nakikita.

May nakita akong hagdang pababa, walang anong pinuntahan ko iyon.

Ay ipis!

Bumaba ako sa hagdan, medyo sira na pala yung hagdan na ito.

Pagka apak ko sa pangatlong hagdan pababa...

*CRAAACKKKK*

"AHHHHH!" Tili ko.

Nahulog ako!

*BOGSH!*

Bumagsak ako sa isang lugar. Kakaiba. Parang nasa bahay lang ako tapos ngayon nasa ibang lugar na ako? Wow magic!

Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Parang... Parang alam ko ang lugar na ito ngunit di ko maalala.

May nakita akong isang liwanag kasabay ng tunog ng isang batang umiiyak.

Parang ayokong pumunta dun pero may sariling pagiisip yung mga paa ko. Di ko alam kung anong nagtulak sakin para pumunta sa pinanggalingan ng ingay na yun.

Mula dito, may nakita akong dalawang batang masayang nag lalaro.

Isang babae at isang lalaki.

P-Parang sila yung n-nasa p-panaginip ko sa hospital...

Maliwanag ang paligid, nasa isang park kame na maganda, luntian ang mga damo at dahon ng mga puno, makukulay na mga bulaklak, bughaw na tubig na umaagos sa isang maganda't malinis na fountain, mga batang naglalaro, iba't ibang sinasakyan ng mga bata, swings, slide, at iba pa, mga nagbebenta ng ice cream at cotton candy, mga nagbebenta ng balloons at kite.

Ang ganda.

Pero nafocus ako sa dalawang bata na bigla nalang nag agawan sa isang teddy bear.

Lalapitan ko sana nang bigla nalang dumilim ang paligid at lalo akong napalayo sakanila.

May naririnig akong tumatawag saking pangalan, mga natataranta, pero wala dito.

Dumilim ang paligid, tila nawalan ng kulay.

At nag iba na din ang paligid.

Nakita kong lumakad papalayo ang batang lalaki at pumasok sa isang itim na kotse, tapos umiiyak lang ang batang babae habang nakaupo.

Napaluha din ako. Bakit... B-Bakit parang—

*Broom!*

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon