Hi hi hiiii!!!
Meet a new character!
Pansamantala lang naman siya...
(Parang kayo?)
Hehe! Juk lungs!
Basta may bagong dating na Character dito!
Byutipul girl siya!
Let's Start!
—AyumiSenpai <3
Ayah's POV
Kakapasok ko pa lang ng school ngayon.
Ang weird ni Nathan kahapon no?
'Nakain nun???
My ghad! Ayoko munang isipin yun!
Jusko! Gutom na ako eh! Hayst! Nag mamadaling umalis kase ako kaninang umaga, iniiwasan ko si Halimaw kahit alam kong hindi ko yun maiiwasan. Grrr! Ginugulo na niya talaga buhay ko! Pisting pugi!
Papunta na sana ako ng cafeteria kaso naalala ko yung Halimaw na Baliw na yun eh! Dun yun nakain eh!
Dalawa kase kainan dito sa academy na ito,
Cafeteria para sa mga sosyalen.
Canteen para sa mga katulad ko.
Nah! Maka punta na nga lang sa Canteen.
---
"Ah yung chicken adobo na may kanin nalang po. Ay! Tapos juice po..."
"Ah. Ito oh. Bale ₱45.00 lamang ang bayad." Sabi ng tindera.
Yeah. Nasa Canteen ako, ayaw ko kasing makita yung... Yung baliw na gwapong na halimaw kong amo.
Hmmm? Saan kaya ako pwepwesto?
Pinuntahan ko yung table na walang katao tao, nasa tabi ito ng table ng mga classmate kong simple lang ang buhay.
Ayokong pumwesto sa may bintana, may makita pa akong Halimaw na naglalakad dun eh.
*BRAG*
"Whassup mga Looozers! Haha!"
Ayan nanaman! Manggugulo nanaman yung mga mayayabang na bullies dito sa Canteen namin, Pano ba naman, diring diri samin, kaya ginugulo yung kainan namin.
Sarap kaltukan eh! Grr!
"Ayan nanaman sila..." Malungkot na pagkakasabi nung isang tindera. Naaawa ako sa kanila. Hayst.
'Gosh. Pogi oh! Hihi!'
'Okay lang na may manggulo dito... Basta yung mga katulad nilang pogi'
'Hihi! Kyah kyah! Pemlab mo!'
'Pogi oh! Akin na lang you kyah!'
Literal na napairap ako sa mga pinagsasabi nila. Nanggugulo na nga sila tapos mga kalandian nila ang inuuna nila? Eh ano na bayad nila, sayang kaya pagkain! Puro kalandian lang eh!
*CLANK!*
Nagulat nalang ako nung yung tropa ng bullies ay tinapon yung dala dalang tray nung babae.
Umiiyak siya ngayon habang nakayuko. Argh! Namimihasa na sila ah!
"HAHAHAHA!" Tawa nila.
"HOY!"
Sigaw ko, great! Nakuha ko na yung attention ng lahat, which is ayaw ko.
"Hmm? Anong maipaglilingkod namin sa'yo magandang dalaga?" Nakangising Pag mamang-maangan nung lider nila.
Great. Medyo kinakabahan ako.
"Ligpitin niyo yan!" Sigaw ko ulit.
"Ang Alin?" Sabi nung kasamahan niya.
"Wag kayong mag kunwari na para bang di niyo alam yung ginawa niyo! Sino ba kayo para manggulo sa Canteen! Tapos ang dahilan niya ay dahil sa nandidiri kayo samin?! Eh mga wala lang naman kayong magawa eh! Mas parang squater pa kayo eh! Nakakahiya kayo kase nasa magandang school kayo tapos ganito ugali niyo!" Mahabang wika ko habang dinuduro ko sila.
"Ligpitin niyo yan!" Dagdag ko pa.
"So?" Sabi nung mayabang na lider nila.
*SPLASH!*
Aba't! Walangya 'to ah! Tapunan ba naman ako ng spaghetti sa ulo! Mga bastos!
*PUNCH*
Anong ginawa ko? Sinuntok ko lang naman sa mukha yung walangyang lider nila. Huhu! Gawin ba naman akong plato! Nangyan!
"Aray! Ice! Ice!" Sigaw nung sinapak ko.
"Ikaw!" Naiinis na sigaw nung kasamahan niya. Susugurin na sana nila ako nung may humarang sa harapan ko.
"What the hell you think you're doing? Are you gay?" Nangangasar na wika ni...
"Nathan..." Bulong ko.
"What the Fvck?!?!" Naiinis na wika nung kasamahan nung lalaking sinapak ko.
"Why? It's simply because, you were going to hit a girl by slapping its face. Psh. So gay." Nangang aasar na wika ni Nathan.
Argh! Eh anong gusto niya?! Sapakin ako? Abay adik pala ito eh!
"Let's just leave." Wika ng lider nila.
Tumingin muna sakin ito sabay kinindatan ako.
Yuck! Ew! Nangilabot ako dun ah! Ewww!
Hinila ako bigla ni Nathan at kinaladkad Papunta sa di ko alam.
"A-Aray! T-Teka lang! Ansakit!" Ngawa ko. Totoo naman eh!
"BITAW SABI!" Sigaw ko sabay hila ng sarili kong kamay. Success naman ako dun. Pero— Argh! Kahit Kelan hindi ito gentleman eh! Ansakit kaya!
Sinamaan ko ito ng tingin! Bwiset!
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
Teen Fiction' Ayah Jimenez ' Isang cute na dalaga. She was just a normal student, na tahimik ang buhay. Behind all of her bad and miserable memories, she was a jolly, sweet, kind, na minsan ay mataray, Girl. Ulila siya sa Ina, samantalang nawawala ang kanyang...
