Salvation

30 1 0
                                    

"Ma'am, what can I do for you?" tanong ko sa isang babaeng umupo sa aking customer's chair.

Masaya na ako ngayon sapagkat nakamit ko na ang pangarap ko na maging doktora sa mga bata- Pediatrician.

Akay-akay ng nakangiting ginang ang isang sanggol na sa tantya ko ay bagong silang pa lamang. 

"Ipapacheck up ko lang sana ang anak ko doc." sabi nito at ipinakarga sa akin ang anak niya.

Napangiti ako nang makita kong nakapikit na nakangiti rin ang bata at para itong anghel.

Siguro ako na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo.

Mayroon akong kasintahan na palaging nandiyan para sa akin, may mga magulang na hindi ako iniwan kahit kelan at may mga kaibigang na hindi ako pinabayaan sa ere.

Napangiti ulit ako ng mapatingin sa ginang. Mapagmahal itong magulang. Swerte ang sanggol na ito sa kanyang nanay.

Napatingin ako sa labas ng opisina kong de-kristal. Nandoon sina inay at itay na nakangiti sa akin at kumakaway. Hindi man lang sila pumasok. Ang kasintahan ko naman ay nakaupo sa isang upuan dito sa loob at nakatingin sa ginagawa ko.

"Ano nga ulit ang pangalan ng baby, misis?" tanong ko dito habang ingat na ingat sa paghawak ng bata. 

"Ah, Ang pangalan niya ay Jenny,


Jennelyn Salvacion." Nakakatuwa. Saan ko nga ba ulit narinig ang pangalan na iyan? Napangiti na lang ulit ako sa kawalan.

SalvationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon