"Hindi na Miguel kaya ko na"
"Jenny babae ka pa naman. Ako na magbubuhat nito."
Kasalukuyan kaming nag-aagawan ni Miguel sa pagbubuhat ng mga kahon na kakailanganin para sa Literary Musical Contest ng paaralan. Magaan lang naman ang laman ng kahon pero kung makipag-agawan ito sa akin ay daig pa ng isa truck yung mga buhat buhat ko.
Hanggang sa tuluyan niya ng nakuha ang kahon kaya hinayaan ko na lang itong magbuhat.
"Ilagay nalang natin yan sa loob ng stock room. Ako na bahala magbukas niyan mamaya." Tumango na lang ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
Nang makarating kami sa stock room ay binuksan ko na agad ang pinto para makapasok ito. Nagpasalamat ito at maingat na nilapag ang mga kahon sa sahig.
"Ano ba yung mga laman niyan?" Tanong nito habang binubuksan na ang kahon. Sa pagkakatanda ko, sinabi ko naman na ako na ang magbubukas diba?
"Designs para sa auditorium." Sagot ko na lang dito at nilapitan na rin siya.
"Jenny, kailan mo ba ako sasagutin?" Nabigla ako ng tanungin niya ako nun. Muntik ko nang makalimutan na nanliligaw pala ito sakin.
Mahigit dalawang buwan na itong nanliligaw sa akin ngunit ngayon lang talaga nito nabanggit ang tungkol dun. Hindi naman kasi ang tipo nito ang nagmamadali o atat.
"A-ah hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa! Hihintayin kita Jen" bawi nito sakin ngunit hinawakan ko nalang ang kamay nito.
"S-sorry! Nawala sa isip ko na nanliligaw ka pala Miguel. Sinasagot na kita."
"Jen promise I'm willing to wait for you. Baka nabibigla ka lang kaya pumayag ka agad." Sabi nito at pinisil ang mga kamay ko.
"Hindi. Gusto rin kita Miguel kaya umoo ako. I am ready to be your girlfriend." Nakangiting sabi dito kaya napayakap agad siya sa akin.
"Ang saya ko Jen!" He exclaimed. Tatalon pa sana ito ngunit pinigilan ko na baka may masira pa ito.
"Sige na. Hayaan na muna natin ito dito." Sabi ko at hinila na siya palabas.
Tamang tama na pagsarado ko ng pintuan sa stock room ay sinandal agad ako nito sa pinto nun. He drew his face near me at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko.
I smiled at him at hawak-kamay kaming umalis sa lugar na yun.
"Jenny!" salubong sa akin ni Vanessa. Malapad ang ngiti nito habang papalapit sa akin.
Nandito ako ngayon sa classroom at hinihintay ang guro namin. Kanina lang ay nakatayo sa may pinto si Miguel at hinihintay na dumating yung guro namin ngunit hindi ko na ito maaninag.
Binaling ko ulit ang atensiyon ko kay Vanessa na wagas makangiti sa harap ko.
"Oh my Jen! You won't believe what I'm gonna tell you!" Sabi nito habang inaalog alog ang braso ko.
"Relax relax! Hindi ka naman excited no?" I smilingly told her kaya napatawa muna ito bago magsalita ulit.
"Jenny! Ka--" naputol ang sinasabi nito nang pumasok na ang guro namin. Dali-dali na lang itong bumalik sa upuan at sinenyasan na lang ako na itutuloy niya ang sasabihin mamaya.
Tinanguan ko na lang ito at nakinig sa guro. Napatingin ako kay Luke sa kabilang dulo nang maalala ko ang kaso ni Lemery.
Paano kung siya nga talaga yung pumatay kay Lemery?
Hindi. Hindi Jen. Huwag kang maging judgemental sa iba. Masama yan.
Naramdaman ata nitong may nakatingin sa kanya kaya napalingon naman ito sa akin. Napaiwas agad ako ng tingin at nagkunwaring nakikinig sa harapan. Sinulyapan ko pa ito ulit bago pinokus yung atensiyon ko pisara.
"J-jenny!" Mabilis akong napapiksi nang hinawakan ako bigla ni Luke sa braso. Katatapos lang ng klase namin at hindi ko namalayang nakalapit na ito sakin.
Pinauna ko na lang si Vanessa at sumenyas na bukas na lang kami mag-usap. Nag-okay sign lang ito at umalis na.
"B-bakit?" Naiilang na tanong ko dito. Nakatingin sa amin ang mga natitirang kaklase namin na may halong pagtataka.
"Naniniwala ka ba sa sinasabi nila?" Parang nagmamakaawa ang mata nito habang tinatanong sa akin iyon. Sa hindi malamang dahilan ay nawala lahat ng pagdududa ko sa klase ng pagtingin niya.
Nanatili akong tahimik at nakatingin lamang sa kanya. Parang natataranta ito ngunit hinintay pa rin nitong makaalis ang lahat ng tao sa loob maliban sa aming dalawa.
"Isang babae Jen" saad nito at nahahaluan ng takot ang boses nito. "Isang babae ang pumatay sa kanya" dugtong nito.
"Pano mo nasabi? Nandun ka ba nang pinatay siya?" Nakakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"Wala. Pero may nakasalubong akong babaeng nakahood at nakadisposable mask habang papalabas ng school. Siya lang ang maaaring gumawa nito."
"Bakit mo sinasabi sakin lahat ng ito?" Mariin na hinawakan ako nito sa aking pulsohan kaya napangiwi ako.
"Alam kong maniniwala ka sakin Jen. Hindi ko sinabi sa council o kahit kanino. Mas manganganib lang tayo. Isang estudyante sa paaralan natin iyon Jen. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos" Hihigitin ko sana ang kamay ko ngunit pinigilan nito iyon.
"B-bitiwan mo ko Luke. M-masakit" sabi ko dito kaya napatingin naman ito sa kamay kong hawak niya at parang natauhan. Mabilis nitong tinaas ang dalawang kamay niya.
"Sorry. H-hindi ko namalayan." Tumango na lang ako habang hinahaplos ng marahan ang parte ng hinawakan nito.
"Kahit na. Sana sinabi mo pa rin yun sa kanila. Linisin mo ang pangalan mo Luke. Sabihin mo sa kanila na hindi ikaw iyon. Mas manganganib tayong lahat dito dahil wala silang ideya kung sino. Pero ikaw, meron kang alam. Makakatulong yan Luke." Pagpapatuloy ko sa naudlot nitong pagpapaliwanag.
"Pero Jen-" aapila pa sana ito pero pinutol ko ang sasabihin niya.
"Walang pero pero Luke. Tapos! Kung hindi ka magsasalita ako mismo ang magsasabi sa kanila." Pinal na sabi ko pero umiling lang ito.
"Si Nika!" Biglang sambit nito.
"Hindi porket nag-away sila, si Nika na agad Luke. Tandaan mo, nagbreak rin kayo." Hindi makapaniwalang nakatingin ito sa akin.
"So pinagdududahan mo nga ako?!" Singhal nito at napaigtad ako.
"Hindi sa ganun Luke. Ang sinasabi ko lang wag tayong magconclude agad. Dahil kung ganun lang naman, mas malala ang nangyari sa inyo ni Lem kesa sa away nila ni Nika." Pagpapaliwanag ko dito at napahilamos na lamang ito sa sariling mukha nito.
Walang nagsalita at nanatili kaming nakatingin sa isa't isa. Pagkatapos ng ilang minuto ay umiling ito at tinungo na ang bag niya.
"Uwi na ko" Pagpapaalam niya bago tuluyang lumabas ng classroom.
Napabuntong-hinga na lang ako at tinungo na rin ang sariling bag ko.
BINABASA MO ANG
Salvation
Mystery / ThrillerKahit sino gugustuhing mailigtas. Ngunit pareho lamang sa isang laro, may mananalo at may matatalo. Sino ang papanalunin mo? Sino ang ililigtas mo? Ang kaibigan mo? Ang pamilya mo? Ang taong mahal mo? O ang sarili mo? Taglish | Mature Content Star...