"What do you think, Jen?" pukaw ni Miguel sa akin na nagpabalik sa akin sa katawang lupa ko.
"H-ha?" maang na tanong ko dito. Nag-aalalang tiningnan ako nito at sinapo ang mukha ko.
"Are you alright? Natutulala ka."
"I'm fine. Iniisip ko lang si Vanessa. Ano ulit ang sinasabi mo?" nginitian ko lang siya at tiningnan ito na parang humihingi ng tawad. Nginitian niya na lang ulit ako na parang naiintindihan ako nito at sumagot.
"I was asking if I can come with you when you visit Van later?"
"Why?" nagtatakang tanong ko dito ngunit natawa ito sa akin at napapailing na tinanggal ang mga palad na sapo ang pisngi ko.
"Anong why? Of course she is your friend. I want to be there for you when you see her." tumango na lang ako dito at nagpasalamat.
Ilang araw na rin pagkatapos ng mangyari iyon. Ngayong araw ay pinahintulutan kami ng kanyang mga magulang na bisitahin ito sa ospital kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.
Napatingin ako sa paligid at hinanap si Luke sa loob ng canteen ngunit hindi ko ito makita. Napag-alaman kong nagsalita na ito matapos ng gabing iyon. May bumangon na kaba sa aking dibdib dahil baka nasa panganib ito.
"Locker room muna ako Miguel" pagpapaalam ko dito at sinimula nang kunin ang mga gamit ko.
"Wait. Samahan na kita Jen." binilisan pa nito ang pagsubo at dali daling tumayo. Inilapit ko na lang dito ang tubig na agad naman niyang ininom.
Hindi talaga ako nito iniwang mag-isa simula nang isugod sa ospital si Van. Hatid sundo rin ako nito at tiyak na bantay-sarado.
Akmang papasok rin ito ngunit pinigilan ko ito. Napanguso na lang siya at nangingiting tinapik ko ang bibig niya. Tumingin ako sa paligid at nang masiguradong wala ay mabilis ko itong hinalikan sa labi.
Nagulat ito sa kapangahasan ko at ang kaninang nakangusong labi nito ay unti-unti nagiging ngisi. Hinapit ako nito sa bewang at mariin akong hinalikan. Tinugon ko rin iyon sa ganong paraan.
Nang bitiwan namin ang isa't isa ay kapwa kaming habol ang hininga. Mahina kong pinalo ang dibdib nito at pumasok na sa locker room.
"Wow" nagulat ako nang marinig ang boses na iyon. Kinabahan ako nang makita ang isang babaeng nakapalda at nakahood. Nakayuko ito habang naglalakad palapit sa akin kaya napaatras ako.
"Sino ka?" tinapangan ko ang boses ko at sinalubong nito ang mukha ko. Napahinga ako ng maluwag nang tinanggal nito ang hood niya at inirapan ako.
"Grabe ka ha. Pagkamalan mo ba naman akong killer?" sabi ni Nika at nameywang sa harap ko.
"Di ah! Pano mo naman nasabi?" tanggi ko dito at binuksan na ang locker ko.
"Yung reaction mo kasi parang kakatayin kita." tinanggal na nito ang jacket na suot at inayos ang nalukot na damit.
"Eh bakit ka ba kasi nakaganyan?"
"Umuulan po. Tingnan mo." sagot nito at tinuro ang bintanang nakasiwang. Umuulan nga at hindi ko napansing basa rin ang buhok nito. Ginawa nitong pamunas ang sariling jacket.
"Una na ko" sabi nito at lumabas na. Nagbuntong-hininga ako at sinarado na ang sariling locker at lumabas.
Nakangiting inilahad ni Miguel ang isang kamay niya at tinanggap ko naman iyon. Sabay namin tinungo ang classroom ko nang magkahawak kamay.
Kinatok ni Miguel ang pintuan kung saan naka-admit si Vanessa bago iyon buksan. Nasilayan kong napangiti ito ngunit agad rin iyon nawala. Nilapitan ko na ito at tumabi dito.
"Ayos ka na ba?" pigil ang luhang tanong ko dito. Tumango lang ito bilang sagot at hinawakan ang kamay ko.
"Pinag-alala ba kita Jen?" malambing na tanong nito sa akin. Bakas pa rin ang mga pasa at sugat nito ngunit hindi na ganun kalala nung ko iyon makita.
"Sobra" at tumango tango ako. Nag-usap pa kami at ibinigay ko sa kanya ang mga notes na nakuha sa klase. Nanatiling nakatingin lang si Miguel sa amin habang nakaupo sa maliit na sofa sa may pinto.
"Van" agaw pansin ko dito kaya napatingin ito sa akin at tinigil ang pagbuklat ng notebook ko.
"Hmm?"
"Nevermind" nilakihan ako nito ng mata ngunit umiling na lang ako.
Nais ko sanang tanungin ito tungkol sa nangyari sa kanya ngunit hindi pa ito ang tamang oras. Kagagaling niya lang doon at ayokong maalala niya ang karanasang iyon.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpaalam na kami ni Miguel dito at hinatid na ako ni Miguel ngunit nanatili kami sa loob ng sasakyan.
"Baba na ko." paalam ko dito ngunit hinawakan nito ang siko ko.
"Dito ka muna. Mamaya ka na bumaba." sinunod ko na lang ito at nanatili kami sa loob nun.
"Gusto mong pumasok sa loob?" paanyaya ko dito ngunit umiling lang ito.
"Dito na muna. Nahihiya ako." naiiling itong inabot ang kamay ko at pinaglaruan iyon.
"How do you feel?"
"Ayos na ko kahit papaano. Thank you for always being there for me." sinserong saad ko dito. Niyakap niya lang ako bilang sagot.
"My pleasure Jen." ngiting-aso akong bumaba sa sasakyan nito. Kinawayan ko muna ito bago tumalikod at pumasok na sa gate.
Isasarado ko na sana ito ngunit may pumigil nun at nakita ko si Luke. Mas malala ang kalagayan nito kesa sa huling araw na nakausap ko siya. Halatang walang tulog dahil medyo namumula ang mata nito at halata ang itim sa ilalim nun. Magulo rin ang buhok niya.
"Anong nangyari sa'yo Luke?" Hinila ako nito at maya maya ay binatawan na rin ako at tahimik na naglakad palabas sa gilid ng kalsada.
"Nasabi ko na" Panimula ni Luke at tumango ako.
"Alam ko. Kalat na rin sa school iyon. Salamat Luke."
"Ngayon malamang ay mas magdodoble ingat 'yung babaeng iyon." huna nito nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Sinenyesan ko muna itong tumahimik nang makita ang pangalan ng mama ni Vanessa. "Hello tita?"
"Hello po?" nakakunot amg noong ulit ko pa dito ngunit nanataling tahimik pa rin ang kabilang linya.
Biglang namatay ang linya nun at nagtatakang tiningnan ko ang screen.
"Ano daw?" nakaabang na tanong sakin ni Luke nang isinilid ko na ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko.
Nagkibit-balikat ako. "Baka nagkamali lang."
BINABASA MO ANG
Salvation
Mystery / ThrillerKahit sino gugustuhing mailigtas. Ngunit pareho lamang sa isang laro, may mananalo at may matatalo. Sino ang papanalunin mo? Sino ang ililigtas mo? Ang kaibigan mo? Ang pamilya mo? Ang taong mahal mo? O ang sarili mo? Taglish | Mature Content Star...