"Jenny!" hingal na tawag ni Vanessa sa pangalan ko habang sinasalubong ako sa entrance ng parke malapit sa school.
Sabado na ngayon kaya't walang pasok. Katulad lamang ng aming nakasanayan, namamasyal kami kapag bakante ang oras namin. At ngayon, parke ang aming naging destinasyon.
"Oh? mukha kang hinahabol ng sampung kabayo diyan ah" komento ko ng magkaharapan na kami ngunit parang wala lang ito narinig at nagpatuloy sa pagsasalita kahit utal utal. Binigyan ko na lang siya ng baon kong tubig na tinanggap naman nito at nagsalita na ulit.
"Punta tayong school." paanyaya nito sakin na ipinagtaka ko naman.
"Hala? sabado ngayon at walang klase ah? atsaka kelan ka pa nagsipag mag-aral?" nasobrahan ba siya sa gamot? o kaya nama'y na amnesia at nakalimutang walang klase ngayon?
"Baliw! Alam ko yan. Hindi mo ba narinig ang balita?" tanong nito sakin
"Anong balita? Kompletuhin mong sumagot. Tatamaan ka sakin." Umirap lang siya at nagpatuloy na pagsalita.
"Si Lemery, wala na." umakto pa itong nanginginig at iniyakap pa ang magkabilang braso kahit hindi naman malamig.
"Eh? Kelan lang ba siya nagtransfer? parang kahapon lang nag-away pa sila ni Nika." tanong ko naman dito dahil sa pagkabigla
"Tungeks hindi yan! Patay na si Lemery. Natagpuan ang katawan niya kaninang umaga sa locker room. Lasog lasog at parang tinorture nga eh! Gunting ata ang ginamit pampatay. Wala na yung mata at wala ring buhok. Tapos ilang beses itong sinaksak at mukhang inipit pa ang katawan nito ng killer. Yung gunting naman ay iniwang naksaksak sa uluhan nito. Treseng naglalakihang saksak ng kutsilyo sa iba't ibang parte ng katawan. Merong sa bibig, lalamunan, puso ah basta! " Naluluha pa na pagsabi nito sa akin. Ikaw ba nama'y makakita ng gunting na nakasaksak sa uluhan ng tao.
"Paano mo nalaman ang tungkol diyan? Nakita mo ba ang labi ni Lem?" nag-aalalang tanong ko dito. Maloko nga si Lemery ngunit naging kaibigan ko rin ito kahit papaano.
"Hindi, pero ayon sa janitress na nakakita kay Lem. Nakasiksik ang katawan nito na pilit pinagkasya sa loob ng isang bukas na locker, and guess what kung kaninong locker." nanlalaki pa ang mata nito habang sinasabi ang mga salitang yan.
"Kanino?" naninigas na ako sa kinauupuan ko habang pinag-uusapan ang bagay na yan. Ngunit sa kagustuhan ko pang malaman ay kahit parang mamumutla na ako sa takot, inuungkat ko pa rin ang pangyayari.
"Sa locker ni Luke. Iniimbestigahan pa lang daw kung may kinalaman nga ba si Luke sa pangyayari. Atsaka walang nakuhang cctv footage ang pagpatay dahil natakpan ang camera ng locker room ng varsity. Wala naman daw nakapasok na kahina-hinalang tao kaya malamang ay nasa loob ng paaralan ang suspect. Either teacher, student o kaya'y parent. Kaya naku naku! doble ingat tayo" sabi pa nito habang hawak ang magkabilang braso ko kaya napatango na lang ako bilang tugon sa lahat ng mga sinabi niya.
Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa, Lemery.
"Ano ang sabi ng mga magulang niya?" tanong ko dito pagkatapos ko mag-alay ng maikling dasal para sa namatay na kaklase
"Ayon, hindi nila matanggap na wala na si Lem. Hustisya daw. Mamaya baka ibabalita ito sa tv, nood tayo sa bahay niyo, gusto mo?" paanyaya nito sakin kaya bago makalusot ay inangalan ko na ito.
"Aba, baka nakalimutan mo iha, park ngayon ang papasyalan natin? Magkakalat ka lang dun sa bahay" napanguso na lang ito at maya-maya'y natawa rin.
Naglakad-lakad na kami at pumunta sa mga malalapit na malls upang mamasyal at kumain. Humupa na rin ang kaba at takot na naramdaman namin kanina dahil sa pagkamatay ni Lemery kaya medyo naging masaya rin ang aming pagliliwaliw. Pasado alas singko nang nagpasya na kaming umuwi at magpahinga kaya sinundo na ito, habang ako naman ay nagcommute.
Hindi man naging maganda ang pakiramdam namin dahil sa pagkamatay ng isang taong malapit ang loob sa amin, pilit pa rin namin pinapasaya ang araw upang kahit papaano, hindi na mag-alala sa amin ang maloko at mapagbirong si Lemery.
Maagang pinatawag si Luke ng principal kanina at nandito naman kami ni Vanessa sa canteen. Bulong-bulungan nga ang naganap kay Lemery at Luke. Sa dinarami-daming lockers, bakit kay Luke pa?
Kung saan ang bigong pag-ibig ni Lemery?
Hindi kami malapit ni Luke sa isa't isa kahit magkaklase kami ngunit sa pagkakakilala ko sa kanya, bad boy type ang taong to na makikita niyo sa telebisyon. May mga bisyo rin itong pagyoyosi at pag-iinom ngunit sana hindi pa nakaabot sa puntong nagdadrugs. Pasalamat na lang ako minsan na napagsasabihan ko pa siya sa mga kabulastugan na ginagawa niya kahit alam kong pinapatay niya ako sa sa kanyang isipan sa sobrang sama ng tingin niya.
"May gagawin pa ba tayo pagkatapos ng klase?" pagbasag ko sa katahimikan namin ni Van. Kanina pa itong walang kibo habang patuloy na iniikot ang spaghetti sa tinidor niya.
"H-ha?"
"Anong ha? Okay ka lang ba? Tulala ka eh" pagpuna ko dito habang nakatingin sa kanya na bahagyang gulat pa.
"A-ah eh oo. Okay lang ako hahaha. Medyo di pa ko nakamove on sa nangyari kay Lemery" saad nito sabay kuha ng bag nito at naunang umalis.
Anong nangyari dun? Dali-dali ko na ring kinuha ang mga gamit ko at sumunod sa kanya. Sayang pa naman yung pagkaing natira.
Nang maabutan ko siya ay napalingon naman siya sa akin at napangiti kaya napataas ang kilay ko. Nababaliw na 'ata ang kaibigan ko.
"Jen" pagtawag pansin niya habang naglalakad kami papuntang classroom.
"Oh?" tamad na sabi ko habang nasa daan ang atensyon ko.
"Anong gagawin mo kapag nagkasala ako sa'yo?" tanong nito sakin. Napatigil naman ako sa sinabi niya at napalingon dito na nakahinto na pala. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso para ipagpatuloy ang paglalakad.
"What do you mean? "
"Ah wala wala" sabay wasiwas niya ng kamay niya na parang sinasabi na wag na lang pansinin yun. At bago kami makapasok sa loob ng silid-aralan, may hindi inaasahang tanong pa ang sinunod niya.
"May gagawin pa ba tayo pagkatapos ng klase?" binatukan ko siya. Kanina ko pa kaya yan tinatanong sa kanya. Hanggang matapos ang klase tanong pa rin ito ng tanong sa pagbatok ko pero di ko pa rin siya sinasagot.
Mababaliw 'ata ako dito.
BINABASA MO ANG
Salvation
Mystery / ThrillerKahit sino gugustuhing mailigtas. Ngunit pareho lamang sa isang laro, may mananalo at may matatalo. Sino ang papanalunin mo? Sino ang ililigtas mo? Ang kaibigan mo? Ang pamilya mo? Ang taong mahal mo? O ang sarili mo? Taglish | Mature Content Star...