"Van! Wake up! Please. Wag kang susuko." Sabi ko dito kahit hindi ko alam kung naririnig niya iyon o hindi.
Puno ng luha ang mukha ko habang nakatingin sa duguang katawan ni Van. Tadtad ito ng pasa sa katawan putok rin ang mukha nito. Umaagos pa ang dugo nito sa tigiliran at braso. Punit punit rin ang kanyang uniporme na may bahid na rin ng dugo.
Niyakap ako ni Miguel ng mahigpit galing sa aking likuran upang paatahanin ako at pigilang makasakay sa loob ng ambulansya. Pilit akong kumakawala sa yakap nito.
"Bitiwan mo ko Miguel! Sasama ako!" Ginamit ko ang lahat ng lakas ko upang makawala dito. Pinagsusuntok ko ito sa dibdib pero nanatili itong bato at mas hinigpitan ang yakap sakin.
"Shh shh tumahan ka Jen. Hindi ka makakatulong kung sasama ka na ganyan ang sitwasyon mo." Pagpapatahan pa rin nito sakin at inilapit ang ulo ko sa dibdib nito. Hinahaplos haplos pa nito ang buhok ko kaya naiyak na lamang ako.
"S-si Vanessa M-miguel" paputol kong saad. "Miguel si Vanessa! Kelangan niya ko ngayon! Di ko makakayang may mangyaring masama sa kaibigan ko M-miguel!" Lalo akong pumalahaw at nakaalalay lamang ito sa akin.
"Iuuwi muna kita. Vanessa would be fine. You need to rest Jen. Susunduin kita bukas. Pupuntahan natin si Vanessa." Tumango na lang ako at hindi na umangal pa. Habol ang tingin ko sa papalayong ambulansya.
Inalalayan ako ni Miguel at nang makarating sa parking lot ay pinapasok na ako nito sa sasakyan niya pero bago umalis ang sasakyan namin ay nahagilap ng mata ko si Luke na tutok at matamang nakatingin sa amin.
Matalim ang titig nito at hanggang sa makaalis kami ay hindi ito umalis sa kaniyang kinatatayuan.
Nanatili akong tulala at nang maramdaman ko ang ginagawang pagsulyap ni Miguel sa akin ay nagsalita ako.
"Ayos lang ako" pinilit kong ngumiti ngunit nagmukhang ngiwi iyon. Hinawakan lang nito ang kamay ko at dinala sa labi niya bilang tugon
"Everything would be fine Jen" sabi niya pagkatapos halikan ang likod ng palad ko.
Nanatili kaming tahimik at magkahawak-kamay sa buong byahe.
Nang makarating sa harap ng bahay ay dali-dali akong nagpasalamat bago
bumaba at hindi lumilingong pumasok sa loob ng bahay.Nang makarating sa sarili kong kwarto ay tumulo agad ang naipon kong luha ngunit nanatiling walang reaksyon ang mukha ko.
Pinaghalong pagod, takot at sakit ang nararamdaman ko ngunit nanatili akong tuod. Mahirap makita na ang tanging taong halos ituri ko na kapatid ko ay nasa ganong kalagayan.
"Jen, una na kayo sa gym. Bihis lang ako ng P.E. uniform." Saad ni Van nang makasalubong namin siya sa daan patungong gym
"Samahan kita Van?" Paanyaya ko ngunit umiling lang ito bilang sagot.
"Mauna ka na. Strikto pa naman si sir. Ikaw rin, di ka pa naman marunong magdahilan." Panunudyo nito sakin na inirapan ko lang. Ngumiti lang ito ng matamis bago lagpasan kami.
Nang makarating sa gym ay hinanap ng mata ko si Luke ngunit kahit anino nito ay hindi ko nakita.
Nasabi na kaya nito iyon? Seryoso ako na ako mismo ang magsasalita kapag hindi siya umayos.
Naghintay pa ako ngunit hindi pa rin nakasunod si Van kaya ay walang pahintulot akong bumalik sa classroom namin.
Akmang pipihitin ko ang seradura ng makarinig ako ng impit na tinig.
Kinatok ko ang pinto ng tatlong beses at nawala ang mga kaluskos at ang tinig na iyon. Kumatok ulit ako.
"Bilisan mo diyan Van! Magsisimula na ang activity" tawag ko dito mula sa labas ngunit wala akong natanggap na sagot.
Napakamot na lang ako sa noo ko at pumasok na lang muna sa cr upang maghugas ng kamay ngunit bumungad sa akin ang duguang katawan ni Van.
Nakahiga ito sa sahig at nang makita ko ito ay tinakbo ko ang pagitan namin at nagsimulang tumulo ang luha ko.
"Shit! Van van!!! Anong nangyari?!" Natataranta ako at hindi ko alam kung saan ito hahawakan. Pinilit nitong ibuka ang bibig niya ngunit walang salitang lumalabas.
"TULONG! TULUNGAN NIYO POOO KAMII!!" Todo sigaw ko sa loob ngunit walang nakarinig. Tumakbo agad ako sa labas at humingi ng tulong sa kahiy sinong taong nakakasalubong ko.
Tumalima naman agad sila at nang makita ang katawan ni Van ay tumawag agad yung isa ng ambulansya at yung iba naman ay pinigilan ang ibang estudyante sa pakikiusyo.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, nasuspend ang klase at pinauwi ang mga estudyante.
Tama! Si Luke! Nasaan siya nun? Kelangan ko siyang makausap. Siya lang ang mas nakakaalam tungkol dito!
Nagbihis agad ako ng komportableng damit at hindi na ako nagpaalam kay inay bago lumabas.
Pinuntahan ko ang lahat ng pwede nitong puntahan. Bar o kaya ay bahay nila ngunit wala ito doon.Padilim na nang magdesisyon akong pumunta sa paaralan. Naalala kong naiwan ko pala ang mga gamit ko sa loob sa sobrang niyerbyos at pagkataranta.
"Bakit ka pa nandito Jen?" Salubong sa akin ni Manong Bong, ang security guard ng pinapasukan naming university.
"May naiwan lang po ako sa classroom. Kukunin ko lang po at aalis rin ako agad manong" pagpapaalam ko dito bago tumuloy sa loob.
Tahimik na ang buong hallway ngunit wala akong maramdamang pangamba. Tuloy-tuloy akong naglakad at nang makarating sa harap ng classroom ay maingat kong pinihit ang doorknob.
Habang papasok ay nakarinig ulit ako ng impit na boses. Sa pagkakataong iyon ay palakas ng palakas iyon at naging hagulhol. Dumako ang paningin ko kung saan iyon nagmula.
"Luke?" Mahina lamang iyon ngunit parang umabot sa pandinig niya kaya napaangat ang tingin nito at tumuon iyon sa akin.
"Ba't nandito ka pa?" Walang emosyong saad nito at patagong pinunasan ang luha niya.
"Hinanap kita." Mahinang sagot ko sa tanong nito. Nagsimula siyang tumawa ng may halong insulto ngunit natigil rin iyon ng dugtungan ko ang sinabi ko. "Pinuntahan kita sa bahay niyo ngunit hindi ka pa daw nakakauwi. Gumawi rin ako sa bar na madalas mong tambayan wala ka rin daw doon."
"Si Vanessa, Luke..."
Kinagat nito ang labi at pinipigilang maluha habang papalapit sa akin. Tinuwid agad nito ang pagitan namin at niyakap ako ng mahigpit.
"I'm afraid" basag na ang boses nito. Hinayaan ko lang itong umiyak sa balikat ko habang nakapulupot ang dalawang braso nito sa bewang ko.
Naramdaman kong basa na ang kanang balikat ko ngunit hindi ako umangal at nanatiling nakatayo ng tuwid.
"I don't know what to do anymore Jen. I'm so scared." Umaalog na rin ang balikat nito sa tindi ng pag-iyak.
Kusang tumulo ang luha ko habang nagngingitngit ang aking kalooban para sa halimaw na nanakit sa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Salvation
Mystery / ThrillerKahit sino gugustuhing mailigtas. Ngunit pareho lamang sa isang laro, may mananalo at may matatalo. Sino ang papanalunin mo? Sino ang ililigtas mo? Ang kaibigan mo? Ang pamilya mo? Ang taong mahal mo? O ang sarili mo? Taglish | Mature Content Star...