Dos

18 0 1
                                    

"Tiya? gabi na po at naparito pa kayo?" nagtatakang tanong ko sa isang hindi katandaang ginang na nadatnan ko sa labas ng bahay.

"Jenny, bago ko sagutin yan iha, pwede bang papasukin mo ako?" nahiya naman ako kaya nilakihan ko ang bukas ng gate. Pinaupo ko agad siya sa sofa at inalukan ng pagkain ngunit tubig na lang ang hiningi ni tiya. Maya-maya'y nagsalita siya.

"Iha, pumunta lang ako dito para mangumusta sa'yo. Ilang buwan na rin ata tayong hindi nagkita" pabirong saad sa akin ni Tiya Rose.

"Eh, yan lang ba tiya? okay lang naman po ako dito pero gabi na ah? baka mapano kayo sa daan niyan kapag umuwi pa kayo mamaya?" nag-aalalang sabi ko naman dito ngunit ngumiti lang si tiya

"Aba Jenny, baka sila pa ang matakot sa akin eh hahaha! Tapos ang laki na ng pinagbago mo. Mas naging blooming ka 'ata ngayon! anong sikreto mo iha?" natawa na lang ako kay tiya sapagkat lumipas na ang kabataan nito ngunit parang ka-edarahan ko lang ito kung makitungo sakin.

Si tiya ay nakababatang kapatid ni inay. May asawa na ito at dalawang anak. Yung panganay nila ay tatlong taon na mas bata sakin, at yung bunso naman ay siyam na taong gulang pa lang.

Makikita na rin ang katandaan nito dahil na rin sa mamuti-muti na ang ibang hibla ng buhok nito at tinubuan na rin ito ng wrinkles. Ngunit kahit ganun, kapansin-pansin pa rin ang taglay na kagandahan ni tiya kahit lumipas na ang panahon niya.

Nagpatuloy na kami sa kwentuhan at ayon sa kanya,  balak na pala nilang lumipat ng tirahan sa Maynila sa makalawa. Mausok man at makitid doon ngunit sa kadahilanang iyon ang sentral ng trabaho sa bansa, kaya kelangan talaga nilang lumisan sa lugar namin.

"Iha, dis oras na pala ng gabi! Aalis na ako. Isasama ko na lang dito ang mga pinsan mo kapag may oras kaming makabisita ulit. Mag-iingat ka ha?" saad ni tiya at niyakap ako ng mahigpit. Napayakap rin ako sa kanya pabalik at hinatid na siya sa may gate.

"Sige po tiya, mag-ingat rin po kayo diyan. Bago ko po pala makalimutan, di man lang kayo nakapag-usap ni inay hahaha. Tawagin ko po ba siya?" tanong ko dito ng malingunan ko si inay na nakatanaw sa bintana ng bahay. Hindi man lang sila nagbatian ni tiya simula ng dumating si tiya.

"Ikaw talagang bata ka hahaha! siguradong masaya na ang inay mo ngayon iha." malungkot na saad nito habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Ang drama mo tiya hahaha! naku naku sige ka! Madali kang tatanda niyan." tukso ko sa kanya kaya napatawa na lang siya.

"Totoo naman eh, nagkaroon ba naman ng isang anak na kagaya mo." nakangiting saad nito sakin. Napangiti na lang ako sa tinuran ni Tiya kasi parang siya na ang ikalawang nanay ko.

"Bueno, alis na ako. Ikandado mo ang gate ha? Wag kang magpapasok ng kahit sino!" Huling habilin nito sakin bago tuluyang umalis. 


Maaga pa akong nagising kinabukasan sapagkat may meeting pa kami sa paaralan.

Isa ako sa mga opisyales na mataas ang posisyon kaya nama'y hindi sa nagmamayabang, lubos na ginagalang ako doon at marami rin akong kaibigan ngunit isa lang talaga ang best, si Vanessa Ocampo. 

Simula ng tumuntong ako sa highschool, siya na talaga ang naging pinakamalapit sakin. Marami rin kaming pagkakaiba hindi lamang sa estado ng pamumuhay kundi pati na rin sa katangian pero hindi naman naging hadlang iyon sa aming pagkakaibigan. 

Matangkad ito, maputi, mayaman at mabait kaya hangad ito ng mga kalalakihan. Marami na rin itong naging karelasyon pero pawang laro laro lang daw. Nag-iisang anak lang ito pero hindi naman nito inaabuso ang kayamanan nila. Sa katotohanan nga ay napakatipid nitong tao pero hindi naman sobrang kuripot.

"Boo!" 

"Wahhh!" napasigaw ako bigla nang may lapastangang gumulat sakin. Sinamaan ko agad ng tingin si Lemery, ang maloko kong kaklase.

Seryoso naman ito pagdating sa kanyang pag-aaral ngunit maloko talaga kaya minsan hindi mo alam kung ano nga ba ang totoo sa pinagsasabi niya.

"Wahahaha! Nagulat ka ba?" natatawang tanong nito sakin kahit sobrang halata ng sagot dito.

"Ano sa tingin mo?" sarkastikong saad ko dito. Hinarap ako nito at binulungan.

"Jenny, may kaluluwang sumusunod sa'yo" nanigas ako sa sinabi niya. Kaluluwa? napatingin ako dito at napansin ko nagpipigil ito ng tawa kaya inirapan ko na lang siya at umalis.

Sa pagiging maloko nito ay marami na itong naging kaaway sa paaralan. Hindi ko na lang ito pinansin ngunit dahil sa kanyang mga sinabi, parang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso. Nagpatuloy na lang ako sa pakikinig sa guro.

"Niks! patahimikin mo na 'yang multong kasama mo! Kanina pa siya nakatayo at nagsisigaw!" nagulat ng biglang sumigaw si Lemery kay Nika. Mabuti na lang at nagcr si teacher kundi mapapagalitan ito.

"Ano na namang kalokohan yan Lem? Hindi ka nakakatuwa" seryosong saad ni Nika dito at nagpatuloy na ulit sa pagsusulat.

"Hindi ka ba naniniwala?! Ayan siya oh! Kinakawayan ka niya. Sabi nga daw niya kasama mo siya." sabi pa nito sabay turo sa likuran. Kapansin pansin na mayroong nahihintakutan sa mga pinagsasabi niya. Mayroon ring binabalewala ito, at meron ring naiinis, isa na doon si Nika.

"Lemery tumahimik ka nga! Nakakainis! Pwede ba? Hindi mo kelangan kaming takutin to distract us. Kung ayaw mong malamangan sa academics, wag puro biro ang atupagin mo! Can't you see na busy kami dito?" Nayayamot na sabi ni Nika dito. Napatayo naman si Lemery at dinuro si Nika.

"Ano tingin mo sakin?! Naiinggit sayo! Tanga nito. Sineryoso mo agad ang biro ko? Tss! Nakakabwesit ka! Makaalis na nga! Panira ka ng araw." galit na sabi nito. Kinuha niya ang sariling bag at mabilis na lumabas ng classroom.

"Ayan! Magwalk out ka, pikon!" pahabol na sigaw ni Nika dito. Narinig naman ata ito ni Lemery kaya sumigaw rin ito galing sa labas.

"Mamatay ka sana tanga!" at naglakad na ito paalis hanggang sa hindi na marinig ang mga yapak nito.

Napailing na lang kami sa inasta nito at pinagpatuloy na ulit ang pagkopya ng sariling notes.

SalvationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon