Uno

23 0 0
                                    

"Isang babaeng natagpuang patay sa --" pinatay ko agad ang tv ng makita ko ang balita.

Kung hindi pampolitika, patayan naman? Hindi pa ba sila nasanay sa araw araw na nangyayaring patayan dito sa bansa?

"Nay, una na po ako! malelate na ko eh" nagmamadaling paalam ko kay nanay nang makapunta ako sa kwarto niya. Nakahiga lang siya sa kanyang kama at tumango sakin bilang tugon kaya lumabas at umalis na agad ako.

Simple lang naman ang bahay namin. Isang palapag lang ito ngunit dahil malaki ang lote kaya nagkakasya ang dalawang kwarto, cr, kusina at sala. Sa isang kwarto natutulog sina nanay at tatay at ang ikalawa naman ay akin. Meron rin kaming tamang-tamang balkonahe para magpahangin. Presko nga ang hangin sapagkat malapit lang ang bahay namin sa palayan.

Mahigit kumulang kinse minuto ay nakarating agad ako sa paaralan. Limang minuto na akong nahuli kaya agad akong tumakbo papunta sa classroom. Nang makapasok ako ay sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Vanessa. 

"Ano ba Van! Di ako makahinga!" pilit na saad ko dito kaya dali dali niya akong binitawan at nagpeace sign na lang. Pabirong inirapan ko siya at dumiretso na sa upuan ko.

"Jen, kwento dali!" excited na sabi niya sakin sabay upo sa katabing upuan ko.

"Luh? Wala naman akong ikukwento" sagot ko sa kanya

"Anong wala? uy! akala mo di ko alam na nagkakamabutihan na kayo ni Miguel?!" sinabayan niya ng taas- baba ng kanyang kilay na waring nanunukso pa.

Si Miguel ay kabatch namin ngunit nasa ikalawang seksyon. Matalino siya ngunit dahil sa mas inuna niya ang pagbabasketball kaya minsan nawawalan siya ng oras sa pag-aaral. Varsity rin siya at kapansin-pansin rin sa mga kababaihan ang angkin nitong kagwapuhan at kakisigan.

Ayon sa kanya, hindi naman siya nagsisi na mas inuna niya ang gusto niya kasi mas naging masaya naman siya.

Hindi ko itatanggi na isa rin ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya dahil na rin sa mabait ito at maalalahanin. Hindi rin ito hambog kaya ang swerte ko dahil ako ang nagustuhan nito. 

"Saan mo naman nalaman yan?" nagtatakang tanong ko dito.

"Like duh? I have my sources kaya hahaha" sabay waksi pa ng buhok niya

"Ah, kdot" sabi ko lang dito. May sasabihin pa sana siya kaya lang dumating na rin ang teacher naming late rin kaya padabog siyang bumalik sa upuan niya. Napailing na lang ako at nakinig na sa guro.

Pagkatapos ng ilang oras, tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang mga pang-umagang klase. Lunch na kaya sabay na kaming pumunta sa canteen ni Van. 

Habang naglalakad ay nakasalubong pa namin ang grupo nina Miguel kaya tinunguan siya ni Van habang ako naman ay napayuko. 

"Ayiee! nahihiya siya oh" tukso nito sakin kaya mas lalong namula ang pisngi ko

"H-hindi ah!" magkandautal utal na pagtatanggol ko sa sarili. Hindi kaya!

"Okay friend, sabi mo eh!" saad niya ngunit halata naman sa tono nitong nanunukso pa rin. Napanguso na lang ako sa kawalan.


"Sigurado ka bang hindi ka na sasabay sakin pauwi?" nag-aalalang tanong sakin ni Van habang naghihintay kami sa kanyang sundo sa may gate ng paaralan.

"Hindi na sus! Madali lang naman makasakay dito eh" sabi ko dito sabay ngiti

Maya-maya'y dumating na ang sundo niya kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. Ngumiti pa ito ng alangan sakin bago sumakay sa loob na parang sinisigurado na hindi ba talaga ako sasabay. Inilingan ko na lang ito at naglakad na agad paalis. Ayoko namang maistorbo pa siya. Nakakahiya sa kanila.

Agad akong pumara ng isang jeep kaya siksikan akong nakikasya sa mga pasahero sapagkat rush hour na rin.

"Jennelyn?" napatingin agad ako sa kanan ko ng marinig kong tinawag nito ang pangalan ko.

"Oh, Miguel? Ikaw pala yan, himala at sumakay ka sa jeep ah" pabirong bati ko dito kaya napatawa rin siya.

"Oo nga eh, nabutas kasi yung gulong ng sasakyan ko kaya nakitry na rin akong magjeep" paliwanag nito sabay ngiti sakin

"Ganun ba? ibig mo bang sabihin, first time mo toh?" namamanghang tanong ko dito.

"Haha hindi naman, kaya lang minsan pa sa minsan akong makasakay ng jeep dahil may sarili na akong sasakyan." napatango na lang ako dito at tumingin na ulit sa harapan.

"Uhm ikaw? pareho lang pala ang daan natin. Saan ka nakatira? Malay mo next time hatid na kita." masayang paanyaya nito sakin kaya nanigas ako sa kinauupuan ko.

"A-ako? sa Alta lang ako eh atsaka nakakahiya naman kung ihahatid mo ko hahaha!" nakakahiya! namumula ata ako.

"Hindi yan, basta! ayaw mo nun? libre ang pamasahe?" natawa na rin ako sa mga banat niya kaya nagtuloy tuloy na rin ang kwentuhan namin hanggang sa nakarating na ko sa lugar namin.

"Sige Miguel, una nako! Aanyayahan mo na lang ako kapag naayos na yang sasakyan mo" natatawang sabi ko dito. Napakamot na lang siya sa batok niya at nang makababa ako, nagthumbs up pa ang loko sabay ngisi.

Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko agad si nanay na nakaupo sa sala at nanonood ng tv. Hinalikan ko agad siya sa pisngi at niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik at hinaplos ang buhok ko.

"Nay, balita naman yan eh! Ito mas maganda oh!" nilipat ko agad ang channel sa isang cartoon network kaya napatawa nalang kami ni nanay.

Wala dito ngayon si tatay sapagkat umuwi pa siya sa ancestral house namin sa Bacolod. Binisita pa ata niya si lola dahil may sakit na rin yun. Hindi nga kami ni nanay nakasama sapagkat may klase pa ako kaya dito na lang muna kami sa bahay.

Tumayo agad si nanay na akmang dideretso sa kusina ngunit pinigilan ko siya. 

"Ako na magluluto nay hahaha! pambawi ko sa inyo" ngiting ngiting sambit ko dito at mabilis na tumakbo patungong kusina. Hindi ko na hinintay na sumagot siya kasi matatawa lang ako sa sasabihin nun.

Nagluto na agad ako ng ulam at nagsaing. Pagkatapos ay tinawag ko na si nanay upang kumain. 

"Ayaw mo ba ng ulam nay? bakit hindi mo man lang pinakialaman yang pagkain mo?" nalulungkot na tanong ko dito ngunit may biglang nagdoorbell kaya tumayo agad ako upang pagbuksan ang di-inaasahang bisita.

SalvationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon