Panimula

349 8 0
                                    

Panimula

Sa mundo ng mga bampira,maririnig ang hakbang ng isang makapangyarihan prinsipe na nakapulang kasuotan. Natatakpan ang mukha nito gamit ang hood na nakatakip sa ulo nito. Tanging sinag ng buwan, bituwin at  mga kandila sa paligid ang nagbibigay ng liwanag sa kapaligiran. Napatigil sya ng marating nya na ang dulo ng napakalaking pinto. Kusa itong bumukas.

"Ito na ang tamang oras aming kamahalan "May galang na sambit ng nakayukong matandang babae.

Unting-unting bumukas ang napakalaking pinto,mula roon makikita ang kwarto na punongpuno ng kandila at sa gitna nito ay isang malaking banga na may lamang tubig. Dahang-dahang humakbang ang prinsipe papasok mayamaya pa ay umalingawngaw ang tunog ng malaking dambana sa labas ng palasyo hudyat na oras na. Katahimikan ang namayani sa paligid. Dahang dahang tinanggal ng prinsipe ang kanyang hood at makikita mo ang isang gwapong nilalang. Pulang-pula ang mata, matangos na ilong, mapupulang labi at may ekis sa kanyang kanan mata na nagbibigay pa ito ng kagwapuhan. Kinuha nito ang isang patalim na katabi ng malaking banga at agad sinugatan ang kanyang palad.

"THE POWER OF THE DARKNESS SHOW ME MY ONE AND ONLY SOUL MATE."

Natakpan ng pulang  ulap ang bilog na bilog na buwan, lumakas ang simoy ng hangin. Ang kandila naman ay lalong lumakas ang apoy. Pinatulo ng prinsipe ang kanyang dugo sa malinis na tubig mayamaya pa'y naging purong dugo ang tubig mabilis na kumalat ang dugo sa malinis na tubig at doon lumabas ang isang babae na may matamis na ngiti.

"Napakaganda nya dalaga" Manghang-mangha ang mga mapupulang mata ng prinsipe sa isang dalagang matamis na nakangiti.

Pinakatitigan nya itong mabuti. Ang kanyang mata ay kakaiba ang kulay ng mata nito ay asul na asul na nagbabagay sa maputla nyang mga balat, ang matangos na ilong nito at ang manipis at mapupulang labi.

"Ayon sa aking banga, ang pangalan niya ay si Sabrina ." Pagpapakilala ng matandang babae.

Sumilay ang isang ngiti sa mapupulang labi ng prinsipe. Lahat ng nilalang sa loob ng kaharian ay nagulat sa nasaksihan. 'Ang prinsipe ay matamis na nakangiti.'

"Siya na nga ang matagal ko ng hinihintay. Maghanda kayo at hanapin siya. Sa oras na mahanap nyo sya, ipaalam sakin." Kasabay nito ang paglaho ng prinsipe.

"Narinig ninyo ang sinabi ng prinsipe?! Hanapin ang babae! Ngayon na!" Sigaw ng guwardya at agad naman nila itong sinunod.


The Vampire's Wife. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon