Kabanata 2

221 6 0
                                    


"Valeen! " Napatingin sya kay Will na Nakangiting palapit sa kanya. Nginitian nya din ito. Umupo ito sa harapan nya at inilapag ang tray na hawak-hawak nya.

"May boyfriend kana?"

Bigla nabilaukan sya sa tanong nya.Kumakain kasi ito ng sandwich ng itanong ito. Nangaasar ba sya? Mukha ba syang may Boyfriend? Isang NBSB si Valeen. Kaya imposible meron itong boyfriend

"Uy Valeen! Tinatanong ka ni Will"Natauhan sya sa pag siko sa kanya ni Sam kaya sinamaan nya na lang ng tingin si Sam na nakangisi lang sa kanya.

"Ano Valeen?" Ngiting ngiting tanong ulit ni Will sa kanya. Sasagot na sana sya ng biglang lumakas ang ihip ng hangin sa likuran nya, dahil don nakaramdam sya ng lamig.. 'A-Ano yun?' tanong nito sa kaniyang isip

Napalingon sya sa likuran nya ngunit walang tao. Napailing na lang sya. Sa kakaisip nya hindi nya namalayan na kinakausap sya ni Will

"Valeen..."

"Ay Meron!" Naisigaw nya. "Shucks! Nakakahiya!' sabi nya sa isip nya at Napatakip agad sya ng bibig. Hindi nya alam kung bakit yun din ang sagot nya "Gosh! Nababaliw kana Valeen! Nababaliw kana!" suway nya sa kaniyang sarili

"Huh?" Laglag panga nilang dalawa, sa sinagot nya kaya napayuko sya at napakagat sa labi Kasi miski sya hindi nya alam kung bakit ganon ang sagot nya..

Gusto nyang sanang sabihin na wala pero bakit yun ang nasagot nya? Meron kasi sa loob-looban nya na kulang nga sya.. Na hindi sya mabubuo.. At alam nyang hindi si Will ang bubuo non.. Dahil wala nga syang nararamdaman para sa kanya. Ni wala nga spark kanilang dalawa.

"Valeen? Seriously?! Sino?!" Napatingin sya kay Sam na nakataas ang kilay at taimtim syang tumitig sa kanya kaya napaiwas sya ng tingin sa kanya.

"E-Ewan" nakayukong sagot nya.. Kasi nga hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya

"A-Anong... Anak ka ng nanay mo! May Boyfriend kana?! Ohmygod!" Napanguso sya sa Ka Oa-yan ni Sam Alam naman nyang wala bakit naniniwala sya?!

"Ganun ba?" Napalingon sya kay Will na may malungkot na ngiti. Kaya napangiti lang din ako..

Patawarin mo ko Will hindi ko alam kung deserve ko ang pagmamahal mo.

Nakauwi na kami ni Sam sa tinutuluyan naming Apartment, kanina pa sya nangungulit kung sino daw ang boyfriend nya at kanina nya pa din sya sinasagot na wala nga! Ang kulit kulit ng lahi nya!

"Valeen!!! Sabihin muna please! Bakit ka naglilihim sakin?! Sino Sya Valeen?! Yieeee! Kaya pala parang wala kang amor kay Will ah! Ikaw ah! Naglilihim kana!" Nakangusong sambit nya sa kanya. Napairap naman sya sa kanya, duh! Alam naman
nya na wala syang boyfriend! Halos years na kaming magkasama sa isang bubong noh.

"Wala nga Sam!" Naiiritang sambit nya at pabagsak na umupo sya sa sofa at napasandal.. Grabe hindi nya kinaya ang dami ng project namin.

"Weeeeee?~ Yieeeee! Mas gwapo ba sya kay Ace craige darling ko? Kay Stephan my'loves? Kay Deib my heart? Ano Valeen?! Gwapo ba sya?!" masiglang tanong ni Sam sa kanya habang nagtitimpla ng kape.. "Tsk. Ang kulit!" sa isip nya

At sino naman si Stephan at Deib?!

Umirap naman sya . bampira bampira bla bla! Jusko tong babaeng to baliw na baliw sa mga yun! Hindi naman mga totoo yun! Inis na sambit nito sa isip

"Baliw. Hindi totoo ang mga bampira" nakasimangot na sambit nya. Napairap naman sya pero umupo parin sa harap nya.

"Valeen! May mga nabasa ako sa libro! Totoo daw na may nabubuhay na nilalang dito sa mundo naging totoo sila ngunit hindi sila sa mga ma-tao! Like duh! Basa basa rin pag
may time!"

Napatigil sya sa sinabi nya at biglang tumibok ng mabilis ang puso nya.. Tama kaya sya? Na may nabubuhay nga na mga nilalang dito? Katulad ng mga bampira? Paano nga kung totoo? Pero paano din kung hindi?

Pinilig nya ang ulo nya baka nababaliw nga lang talaga sya! Alam naman natin na imahinasyon lang natin ang mga yon! Walang lobo , bampira o kung ano ano pa.. Hindi ako naniniwala sa mga ganon.

"Valeen, sama ka sakin sa gubat ah? Ayokong magisa!" Magsasalita na sana sya ng pigilan siya "Oppps! Bawal tumanggi! " Nakangising sambit nya. Napabuntong hininga na lang sya.. Ano pa nga bang magagawa ko? May choice bako? Napabuga sya ng hangin

"Oh sya! Aakyat nako! Ilock mo ng mabuti ang pintuan! Baka may makapasok!" Sambit nya at tumakbo papunta sa kwarto nya habang kumakanta sya ng theme song ng fool again

Tumayo sya para isarado ang bintana nang may mahagip sya.. At bigla syang kinabahan.. Isang lalaking Naka hoodie at ang kanyang pulang mata lang ang nakikita nya..
Napapikit sya at dumilat muli at tinignan kung nandon paba yung lalaki pero wala na don.. Sino yun? tanong nya sa kanyang isip

Nakahiga na sya sa kama pero iniisip parin nya kung sino ang taong iyon.. Pakiramdam nya may koneksyon sya sa kanya.. Pinilit nyang matulog.. Ngunit kapag sya'y pipikit ang imahe ng lalaki ang nakikita nya

Ipinikit nya muli ang kaniyang mata at naramdaman nyang lumakas ang ihip ng hangin.

"I love you..."

Napabangon sya ng marinig ang salitang iyon.

The Vampire's Wife. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon