Kabanata 6

104 7 0
                                    

Naisipan ni Valeen umuwi kasi gabi narin naman. Pagdating nya ng Apartment na tinitiraan nila ni Sam. Wala pa si Sam siguro'y busing-busy ito dahil sa pinapagawa ng guro nya. Kapag kasi hindi niya ito gawin tiyak syang babagsak siya. Matalino si Sam. Siya ay seksyon A na kung saan mga matatalinong istudyante ang naroon.

Nag tungo muna sya ng kusina at uminom ng tubig.

Nauuhaw na rin kasi siya.

Napalingon sya sa may bintana at may nakita syang  uwak roon , nagulat pa nga sya kaya naibuga nya yong tubig na iniinom nya.

Ikaw ba namang umiinom ng tubig tapos biglang magugulat sa uwak.

Nagtaka siya.

Paanong nagkaroon ng uwak roon?

Siguro'y napadaan lang iyon uwak na iyon.

Pansin nya ang mala ginto nyang pakpak tapos kulay silver yong mga paa nya , kakaiba sya sa ibang uwak nakita nya na dati.

Ang uwak ay itim hindi tulad ng uwak na nakikita ni Valeen na kakaiba.

Lumapit si Valeen sa Uwak at akmang hahawakan nya ang Uwak ng bigla  syang tukain sa braso at lumipad na palayo.

Napahawak naman sya sa braso nya na ngayon ay dumudugo na dahil sa kagagawa nong uwak.

Agad syang nag tungo ng kwarto nya at nilinis yong sugat , habang nililinis nya ito ay nagulat siya bigla .

"Ano to ?" Naitanong nya sa kanyang sarili habang tinitingnan ang sugat nya , ang kaninang sugat na natamo nya galing sa Uwak ay naging tatoo na hugis korona at may apoy sa ilalim , nag madali syang kumuha ng pantakip dito.

Naupo sya sa upuan sa harap ng study table nya at may kinuha syang libro , actually matagal na sa kanya iyon. At ngayon nya nalang ulit matitingnan kasi naman , wala syang nakasulat , as in blanko lang talaga.

Inilapag nya ito sa mesa at kita nyang kumikinang ito at ganon din ang kanyang braso kaya inalis nya ang pinantapal nya rito.

Nang magsalubong ang liwanang ng libro at ng tatoo ay nagbukas ang pahina ng libro ng mismo sa gitna at nagkaron ng larawan at sulat.

Isang Palasyo? Kulay pula ito at may nakasulat na bayan ng mga bampira.

Binuklat nya ang susunod na pahina at may imahe rin doon ng anim na pabilog at parang may dalawang triangle na nag dudugtong sa anim , pero isa palang yong may kulay na bilog at yong kulay pula palang ?




May kumatok sa pintuan kaya napalingon sya doon at nag salita.


Tinabi niya muna ang libro.


" Valeen, iiwan ko nalang  rito yong ibinilin mo " Sabi ni Sam

"Sige, Sam iwan mo na riyan alam kung pagod ka na. Mabuti'y magpahinga ka na" Saad nya rito

Nang tuluyang ng nailagay ni Sam ang ibinilin nya. Ay agad itong nag-unat at napahikab na nagsasabing inaantok na ito.

"Mauna na ko, Valeen " Saad nito mula sa pinto.

Tinanguan nya ito na nagsasabing sige. At tuluyan na itong isinarado ang pinto.

Ibaling muli ni Valeen ang paningin nya sa libro napansin nyang  di na ito umiilaw pero nandon parin yong imahe.

Tinago nya na iyon at kinuha ang bag nya.

__

Nagising sya ng biglang tumunog ang alarm nya kaya kinapa kapa nya ito at inoff...


Naka amoy sya ng parang nasusunog kaya iminulat nya ang kanyang mata at nakita nya ang alarm clock nya na nasusunog kaya agad nya itong hinawakan at nawala ang apoy nito.



Napabuntong hininga nalamang sya at tiningnan ang kamay nya. Tumayo na sya at nag tungo ng banyo at nag ayos.


Matapos iyon ay sinuot nya na ang gloves nya na ibinili nya kahapon.



Bumaba na sya dala ang kanyang bag at naabutan nya don si Sam .


" Oh, bakit ang aga mo magising hindi ba't pang hapon ka? "  Tanong nya kay Sam



" Di ba sinabi ko sayo na sasama ako?" Tanong nya

"Ang ano ?" Tanong nya ng may halong pagtataka

" Valeen , ako ang sasama sayo papunta sa lumang bahay na iyon " Sagot  nito

"W-wait , that means" Sabi nya sabay turo kay Sam


" Yeah , Gusto kong sumama kasama ka" Sabi niya.

Tumango na lamang si Valeen.

__

Kasalukuyang nasa loob kami ng sasakyan.

Kanina pa sila nagbi-byahe.

Halos ilang oras na.

"Bakit mo na isipan sumama, Sam?" Tanong nya bigla


"Naisip ko na kapag ako lang ang mag-isa roon ay ang boring. Kaya na isip kong sumama. Besides wala ka naman kasama." Sabi nito at nagpatuloy sa pagmaneho.


Tumango ito at napatingin sa bintana ng kotse.

Pansin nya rin na iilang kabahayan lang ang nakatayo dito.

Karamihan bahay-kubo.


" Teka nakocurious ako kung bakit tayo pupunta roon?"  Napalingon sya kay Sam na nakunot ang noo habang nagbi-byahe.



"May gusto lang akong malaman...."




Napa-ahh naman si Sam at hindi na nagtanong batid ni Sam na hindi sya nakuntento sa sagot ni Valeen pero isinawalang bahala niya iyon.

---


Makalipas ang mga limang oras ay tumigil na ang sasakyan nila sa tapat ng malaking bato at bumaba na sila.



"Seryoso ? Ito nayon? "Sabi ni Sam. Tinignan ni Valeen at sinuri ang bato maganda ang pagkaka desinyo nito at magugustuhan ng bibisita rito, isa lang namang bato ang nandito bukod sa nag lalakihang medyo may pagkatandang puno.



"Sa mahigit limang oras natin pag biyahe ito lang pala ang ipinunta natin rito." Napangisi nalaman si Valeen sabay tapik sa balikat ni Sam.



"Sa tingin ko , mas di mo magugustuhan kapag di ka pa umalis dyan " Sabi ni Valeen

"Bakit naman - Shhhhh" Dinig nilang dalawa tunog ng ahas



"May ahas sa likuran ko no ?" Patanong na sabi ni Sam. Agad naman tumango si Valeen.


Lumingon si Sam don at halos mapaupo sya ng di lang simpleng ahas yon kundi isang dambuhalang parang anakunda.


"Maligayang araw sayo Manong, Gwardya, Maari ba kaming pumasok o pwede mo ba kaming papasukin " Seryoso tanong ni Valeen



Napatanong si Sam "Seryoso? Kinakausap talaga ang ahas , as if naman sasagot yan diba?" tanong ni Sam sa sarili



" Maligayang araw din mga hija" Bati rin ng lalaking ahas


"Shems ! Nag sasalita nga ?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Sam sa sarili


" Sino tong kasama mo ?" Tanong ng ahas habang naka tingin kay Sam.


" Sya po ang aking ka isa-isang matalik na kaibigan, isa po syang mabait na tao" Sagot ni Valeen kaya gumilid naman ang ahas at may lumitaw na maliwanag na kulay violet na pabilog.


Nag simula ng mag lakad ang  dalawa kaya.

Pumasok na silang dalawa.

The Vampire's Wife. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon