Kabanata 4

109 6 0
                                    

Flashback


Hingal na hingal na sya. Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Hindi nya alam kung saan sya pinupunta ng kanyang mga paa.


Takbo lang sya nang takbo na tila may isang masamang taong humahabol sa kanya hanggang sa kusa nalang tumigil ang kanyang mga paa sa isang bahay na nasusunog at may mga nakapalibot na mga bata na umiiiyak.


Hindi nya alam ang kanyang gagawin dahil ang bahay na nasusunog ay ang kanyang bahay, bahay na kung saan ako lumaki, ang bahay ampunan.


Kusa nalang syang tumakbo papunta sa nasusunog na bahay at dun nya naabutan si nanay luzy na walang malay sa sahig. Agad nya siyang nilapitan at hindi nya namalayan na umiiyak na pala sya.


"Nay *sob* nay gising! gumising ka *sob* huwag mo akong iwan!"  paulit ulit nyang sabi tinapik nya ito ng ilang beses at sa hindi inaasahan nagkamalay si nanay.



"V-valeen...mahal na mahal kita anak, pasensya na iiwan na kita...makikita ko na ang anak kong si Niki...hindi ka ordinaryong bata Valeen kakaiba ka sa lahat...ipagpatuloy mo lang ang buhay mo anak at doon masasagot ang lahat ng tanong sa isip mo" sabi ni nanay


"Huwag mo pong isipin yan nay *sob*, mabubuhay ka pa *sob*.ilalabas pa kita dito----"


Hindi nya na natuloy ang sinasabi nya nang gumuho na ang ibang parte ng gusali at parang may paparating na tao


" Iwan mo na ako anak hindi ko na kaya umalis kana"saad ni nanay pero hindi sya nakinig



"VALEEN UMALIS KANA!" sigaw ni nanay sa kanya kaya napilitan nalang syang lisanin kung nasaan si Nanay Luzy, habang tumatakbo ay mas lalong lumalakas ang kanyang pag-iyak, muli nyang sinulyapan si Nanay Luzy na sana hindi nya na ginawa dahil nakita ng mismong dalawang mata nya kung paano pinatay ng dalawang nakaitim na lalaki ang kanyang Nanay. Hindi nya makita ang kanilang mukha dahil sa pag-iyak.

"Hindi *sob* hindi nagyayari ito" paulit ulit nyang sabi. "HINDI ITO TOTOO!" sigaw nya.




The Vampire's Wife. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon