Kabanata 5

110 5 0
                                    





Inoobserbahan ni Valeen ang paligid. Ang paligid ay tahimik. Ang paligid ay nakakatakot!





"Wahh! Ayoko na dito! Baka mamaya bumangon 'yang mga patay dyan eh!" Inis na sambit nya sa kanyang sarili




Paano ba kasi sya napunta dito?




Ang lugar na ito ay nakakatakot.



Madilim.




Tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag.




May mga puno at sa tingin ni Valeen ay may katandaan na iyon.




Isa lang masasabi ni Valeen.




Nasa Sementeryo sya.



Pagagtak ang pawis ni Valeen.




Ang init!



Hindi alam ni Valeen kung bakit kusang lumakad ang paa nya. Naiinis sya. Feeling nya may kumokontrol sa kanya. Pilit nyang pigilan ang paglalakad ng kanyang paa subalit sadyang malakas ito. Ang weird.



Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Hinahatak lang sya ng kanyang paa. At hindi kalaunan ay pinabayaan nya ang kanyang paa kung saan man sya makakarating.



Hanggang sa tumigil sa paglalakad ang kanyang paa.



Napatingin sya sa paligid.



Ang ihip ng hangin ay parang sumasayaw.




Kinilatis ni Valeen ang paligid.



'Nasaan ako?' tanong nya sa kanyang sarili



Naiiyak sya sa mga oras na 'yun.



Naramdaman nya ang init ng luha nya na wari'y papatak na iyon sa kanyang pisngi.



"Nasan ako? Anong lugar ito? Natatakot ako!" Saad nya sabay hikbi.



Nagulat sya ng biglang lumitaw ang gitna na may malaking krus.




Napa atras sya. Naguguluhang sya sa mga oras na ito.




'Imposible! ' Saad nito sa kanyang sarili.



"P-paanong at b-bakit?" Utal nyang saad.




Paano nga bang biglang lumitaw ang napakalaking krus.





Kapansin-pansin ang mga itim na kandila sa paligid ng napakalaking krus




"Ba-bakit m-maraming i-itim na k-kandila d-dito?" Ang dami nyang tanong sa kanyang sarli pero ni-isa wala man lang nasagot.Aalis na sana sya nang may biglang lumitaw na nilalang sa harapan nya.




"Magandang gabi binibini, nangangailangan ka ba ng tulong?"tanong niya. Napasinghap sya sa gulat.




"P-paano---- "





' Bakit?Bakit hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin? Parang may kumukontrol sa akin.Hindi ko maiwasang kabahan.Parang lalabas na ang puso ko sa takot ' saad nya sa kanyang sarili




"'Wag kang matakot binibini." Hahawakan na niya si Valeen ngunit umatras sya ng kaunti.




'Natatakot ako! ' saad ni Valeen sa kanyang sarili




"H-huwag k-kang l-lumapit! " Naiinis sya. Bakit sya laging nauutal?



Napangisi siya sa inasal ni Valeen.




'Bakit sya ngumingisi?' Tanong ni Valeen sa kanyang sarili



"Tsk. Nagmamagandang loob lang naman ako binibini.Okay lang din kung ayaw mo.Mauna na ako ( Ngumiti sya ).Mag-iingat ka binibini."tumalikod na siya at biglang nawala.
Nanlambot ang tuhod ni Valeen kaya napaluhod sya.




Hindi nya inaasahan ang susunod namangyayari.




May nilalang na naman ang lumitaw sa kanyang harapan .




Tiningnan ni Valeen ang kabuuan niya.Hindi siya yung lalaki kanina.




Gwapo,emotionless,red eyes,may mga pangil,maputla at nakakatakot ang aura niya.Mas dumoble ang kabang kanyang nararamdaman.Suminghot-singhot siya bago nagsalita.





"We meet again, Sweety." ngumisi siya ng ikinainis ni Valeen.





Tila nag yelo sya sa kinakatayuan nya. Gusto nyang tumakbo subalit paano sya tatakbo kung nanginginig ang tuhod nya?




Naiiyak na sya.





"Dont cry, Sweety."





Ang kanyang tinig ay ang lamig. Na wari'y kumakanta. Ang tinig nito ay masarap pakinggan. Ngunit ang kanyang tinig ay nakakatakot.




Kahit nanginginig ang buo nyang katawan sinubukan nya pa ring tumayo at tumakbo.



Kung hindi nya ginawa ang pagtakbo siguradong may masamang mangyayari sa kanya.




Sa pagtatakbo nya. Hindi nya napansin ang ugat ng puno na sya naman ng patigil sa kanya sa pagtakbo.




Naipit sya.



Tiyak syang mahahabol sya ng istrangherong lalaki.


' Bakit nangyayari sa kin ito bakit? ' Umiyak na sya dahil sa iniindang sakit.



May humawak sa braso nya. Alam niyang siya ito.



Napatili sya ng mabilis nyang winasak ang nakaipit na ugat ng puno sa paa nya. Wari'y galit na galit ito. Makikita mo ang kanyang matang pulang-pula.




"Next time, Sweety. Be careful."




Unti-unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata at pagkatapos non nilamon na sya ng kadiliman.



Napabangon siya. Pawis na pawis si Valeen.




Napailing sya.




Isang panaginip.



Hindi lang isang panaginip isang bangungot.



"Bakit? Bakit ko 'yun napaginipan? Sino sya?" Tanong nya sa sarili.



Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.



Napahawak ito sa dibdib.



"Ano ba itong nangyayari sa kin?" Tanong nya ulit sa sarili.



Isa lang ang masasabi nya.




"Kung gayon. Kailangan kong mag-ingat sa posibilidad na mangyari sa kin"



Kailangan kong tanggapin.



May naalala ako.



May sumasagi sa isip ko.


Na tila isa itong dating sya.


















"Ako ang nawawalang Reyna."

The Vampire's Wife. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon