Unang Pasilip: Video Game

119 7 0
                                    

---

Naupo tayo sa dating pwesto. 

Dun sa sulok, sa may dulo. 

At nakita mo na naman yung remote, yung laruan na may mga buton ng A, B, X at Y. 

Dali-dali mo ’tong kinuha sabay bukas ng TV. 

Pagkabukas na pagkabukas ng kwadradong panooran parang puso ko ay bumukas.

Ang isip ko ay maaaring sumabog ngayon anumang oras. 

Walang anumang letra o salita ang nais umalpas. 

Parang isang sirang plaka, uulit nang uulit sa pagkumpas. 

Nagbabalik na naman ang mga alaala. 

Eh bago pa man ako makapagsalita, nakapili ka na ng video game na lalaruin. 

Up, up, down, down 
Left, right, left, right. 

Mabilis na mabilis kang nagpipindot, kitang-kita ko yung apoy sa mga mata mo. 

Parang n’ong dati lang, ganyan
yung pagka-excite mo tuwing yayayain kitang lumabas para kumain tayo. 

At sa paglihis ng iyong mga daliri at karakter sa bawat direksyon, ay ang paglilihis ng landas na tinatahak ng mga karakter ng ating istorya.

Hindi ko namalayan, panglimang game na pala yang nilalaro mo. 

Ang bilis mo kasing magsawa. 

Dito sa larong ’to nagpasimula at nagpaugat ang ating buong istorya- 

Sa larong pinamagatang..
"Super Mario Brothers" 

Tandang-tanda ko pa rin.. 

Dalawa lang tayong naiwan dito sa sala noon. 

Nagbabasa-basa akong mga libro, habang ikaw naglalaro. 

Tahimik n’on at sadyang napakadilim. 

Mistulang may umiihip sa paligid na masamang hangin. 

Nang bigla mong ibinuka.. ang iyong bibig. 

Naglapat sa aking tenga, at ika’y nagaya.. para maglaro. 

Magandang ideya! Bakit nga ba hindi natin simulan ang larong ito? 

Kahit mahina ako sa mga video games na ganyan eh napaibik na rin akong sumali.

Tutal noon pa man, gusto na talaga kita.. makalaro. 

Ang karakter na ito ay may makapal na bigote habang suot-suot ang kanyang pulang sumbrero. 

Isang tubero. 

Isip PasilipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon