Ikapitong Pasilip: Bahaghari

18 3 0
                                    

Hindi sa tala sa langit.

Hindi sa ulap na nakasilip.

Hindi sa buwang nakadungaw sa gitna ng gabi.

Kung hindi sa puso ng isang taong, pag-ibig at pagtanggap lamang ang hanap.

Ako si Sharon.

Isang simpleng babae, binibini ngunit ang tinitibok ng puso ay sa mason! Gaya ng sa lalake!

Pano ko nasabi?

Blue jeans at white shirt lang sa Pasko, ayos na ko!

Hindi ko trip yang mga lipstick at makeup na yan na pangmodelo.

O headband at pukishirt ni Angela, kasi cap lang na may tatak ng Adidas at short na maong solve na ang pagkabarako ko.

Hindi ko na rin kailangan ng sangkaterbang Afficionado para bumango, sa patalastas lang na Downy ni Pia Wurtsbach na bulaklak na humahalimuyak, magkakandarapa lahat ng tiyak.

Pero kahit ga'no pa man kagara ng suot ko, hindi pa rin mawala-mawala yubg mga matatalim na mata ng mga tao.

"I gave love, but I received pain"

Ano bang masama sa'kin?

Oo tomboy ako! Oo lesbian ako! Oo inaamin ko! Pero tao pa din ako!

Hindi gaya niyo, tao nga pero bato.

Ako meron akong puso.

May puso.

Mga walang puso!

Buti na nga lang nandiyan ka e.

To all of those share mo lang in this world, ikaw 'yung TML, "sige pa, TULOY MO LANG"

Ikaw yung bestfriend ko na laging nandiyan 'pag ka pinagkukumpulan na ko ng mga matutulis na dila at mapanghusgang tingin ng mga tao.

Ikaw 'yung bestfriend ko na, human diary ko na rin, na alam lahat ng happy at sad moments nitong buhay kong walang kabuluhan.

Ikaw 'yung bestfriend kong nagawang talikuran lahat n'ong tinalikuran na ko ng mundo para lang mayro'n akong sasandalan at likuran.

Ikaw si Angela.. 'yung bestfriend ko.

Ikaw 'yung gusto ko.

Kung alam mo lang.

Nakaupo tayo ngayon, magkatabi dito sa may bench dito sa park, sa bandang dulo.

Nakamasid ako sa bawat galaw mo.

Na para bang katumbas nito ang paggalaw at pagkumpas sa axis nitong aking mundo.

Gusto kong hawakan ng mahigpit yang kamay mo, na para bang tayo lang ang tao sa mundo.

Kaso lang, hindi p'pwede.

Babae ka, babae rin ako.

Baka kung anong masabi niyang mga tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isip PasilipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon