Ikalawang Pasilip: Habagat

60 4 0
                                    

---

Pagmasdan mo ang kalangitan 

Siya’y nagbabadya na naman 

Maghanda na sa pagkapit 

O mamatay ng mata’y ’di naipikit 


Pumatak nang muli si ulan 

Pati si luhang ayaw patahan 

Hindi na maaninag ang sulyap 

Mga matang dati’y ginto ang kislap 


Sa entablado ng paligsahan ng mundo 

Baka ka masiuntando, madulas at mabigo 

Subalit ang tunay na hinuna ng pagwawagi 

Magbalik tangan ang matamis na ngiti sa labi 


Si Ulan ginagalingan naman masyado 

’Wag mo namang ilagay sa’yong kamay ang kapalaran nitong si Toto

Teka sandali, nandirito ako aagapay si Juan

Handang magsilbing kabalyero ng iyong digmaan 


Ikulong man sa preso 

At balutin ng lumbay 

Matapos ang matinding bagyo 

Bahaghari’y muling kakaway, ika’y magbigay kulay 


Heto na, bubuksan ko na aking payong 

Ano pa ang iyong hinihintay, tara na! Sukob na! 

Humawak sa aking kamay, maghanda sa paglusong 

Isa, dalawa, tatlo takbo! Habang pakpak ay binabandila.
-

--

Isip PasilipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon