Ikalimang Pasilip: Kababata

44 2 0
                                    

Gabi no'n, nasa labas ako at nakasandal sa isang tabi.

Tulala, at unti-unting nanlalamig ang kaninang mainit na kape.

Tanging ang buwan lamang ang nagtanghal na kandilang nakasindi.

Nang pinukaw ako ng isang bulalakaw na dumungaw sa 'sang mabilis na sandali.

Kung iisipin, ilang libong taon pa kaya ang pinanggalingan nila?

Ilang libong mga tala't kometa kaya ang dinaanan nila sa napakalawak na espasyong punla

Kaya biglang sumagi sa isipan ko tuloy 'yung panahon dati.

'yung panahon kung kailan, ang usong porma pa ay shirt na maluwag at jeans na naka-tacked in.

Na 'pag lalabas ka ng bahay niyo, tutuligsahin ang bawat kanto ng tenga mo ng mga kantang puros drama ng Silent Sanctuary.

Ngayon sa hapon, ang tawag na kasi Kapamilya Gold, 'pagka bubuksan mo yung TV niyo, ang tanging maririnig mo lang ay lagapak ng mga sampalan.

Na dati-rati lagapak ng wantusawang sampalan ng mga suntok at sipa mula kay San Goku at Friza.

'di ko malilimutan 'yung pagka bubuksan ko 'yung TV tuwing hapon, lagi-lagi 'yung mamang unggoy na basketbolero ang naabutan ko.

At yung simpleng dunk lang n'ya, inaabot ng 1 week ang episodes!

Naalala ko pa, dati magpa-load ka lang sa tindahan ng kinse pesos, solve na.

Just type "L-A-N-D-E" and send to crush, okey na buong araw mo.

Valid for 3 days pa yon.

Diba't , ikaw lagi nilo-load-an ko n'on.

Nakakatawa tuloy isipin na, naaalala na naman kita.

Tipong, 'pagka gigising ako sa umaga ang bubungad sa phone ko ay GM.

Hindi 'yung group message ng tropa kong jeje.

Kundi, good morning message mo.

"Good morning! Bangon na jan, kain ka na."

Hindi ba nakakatuwa na ang simpleng "Good morning" ay natatapos sa isang "Goodnight!" with pahabol na "Sweet dreams" pa.

Shet, sarap sa eardrums.

Na kinabukasan, expired na load mo kaya ikaw na mismo ang pupunta sa bahay.

Wala, magdamag lang tayo magkikwentuhan, maghaharutan.

At 'pag naubos na ang enerhiya nating dalawa, sabay tayong iidlip.

Habang 'yung ulo mo nakapatong dito sa'king t'yan.

'pag natripan, pupunta sa sikretong hideout at maglalaro ng tagu-taguan.

Na dumidiretso na rin kung minsan sa paborito nating larong bahay-bahayan.

Maga-acting na para bang, ako 'yung prinsipe mo at ikaw ang prinsesa ng aking kaharian.

Kaso, ayaw mong pumayag.

Isip PasilipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon