Prologue

7K 154 23
                                    

Prologue


"Alden... Alden, please... Maniwala ka... Hindi ko ginusto 'yun... P-please..." pakiusap ko sa harap ni Alden.

Nandito kami ngayong dalawa sa school grounds at maraming estudyante ang nakapalibot sa aming pwesto. Wala akong pakialam kung ano ang isipin at sabihin nila sa akin. Dahil sa oras na ito, mas mahalagang makapagpaliwanag ako kay Alden.

"Shut up, bitch" malamig na sabi ni Alden ngunit ang mga mata nito ay nanlilisik.

Bitch? He called me a bitch...

Ang sakit. Ang sakit- sakit... Pero alam kong mas nasasaktan. Mas nasasaktan siya...

"Duh! Why you are crying like you didn't want what happened between you and Kris? You had sex with him! Gosh! You are really a bitch! You cheated on Kaizer! Malandi ka!" sigaw ni Clarice habang siya ay nakalingkis sa braso ni Alden.

Isinigaw niya ang kanyang sinasabi upang ipahiya ako sa buong school. Mapahiya man ako ay wala akong pakialam. Atleast ginawa ko ang makakaya kong magpaliwanag sa kanya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay, "Alden... Alden... Let us talk... In private... Please... Let me explain..." pakiusap ko rito.

Pero tila parang hindi niya ko nakikita, tila hindi niya ko naririnig. Na para lamang akong hangin. Nakatingin lang siya saken. Ang kanyang mga matang gustung- gusto kong tingnan dahil sa tuwing tinitingnan niya ako ay puno ito ng pagmamahal. Pero ngayon? Wala na. Ang dating kanyang mga matang puno ng pagmamahal kung tumingin saken ngayon ay mga matang puno ng pandidiri at galit.

Marahas na tinanggal ni Clarice ang pagkakahawak ko sa kamay ni Alden, "For what?! To make him believe all your lies! Gosh, I cannot believe this. Bakit gusto mo bang matikman din si Kaizer?! Ha?! Ang landi mo! You had sex with Kris. Then now, you want Kaizer too? Ganyan ka ba kakati? Sabi na eh, nasa loob talaga ang kulo. Kunwaring inosenteng anghel. Huh, such a desperate fvckin whore" mapanuyang sabi pa niya. Alam ko, alam kong siya ang may kagagawan nito. Alam kong siya ang may dahilan kung bakit nangyari sa akin iyon.

Nagbubulung- bulungan na ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin at kung ano- ano na ang mga masasakit na salita ang sinabi nila sa akin.

Hindi ko akalain na gagawin ko ito sa harap ni Alden. Buong buhay ko ay hindi ako nagmaka- awa. Dahil sa buong buhay ko minahal ako ng mga tao sa aming bayan, sa aming lugar. Minahal at ginagalang nila ako. Hindi katulad dito sa Maynila na hinuhusgahan ka nila base sa kanilang nakikita o sa kanilang maririnig tungkol sa iyo.

"Kaizer Alden... Alden, please... Nagmamakaawa ako... Makinig ka muna sa akin... Magpapaliwanag ako... Hindi ko ginusto ang nangyari... Mahal kita... Alam mo naman 'yun diba? Alden, makinig ka sa akin... 'Wag kang maniwala sa kanya..." pakikiusap ko sa kanya habang ako ay nakaluhod sa kanyang harapan, yakap- yakap ang kanyang dalawang hita at walang tapos na pag- agos ng mga luha sa aking mukha. Luha ng dahil sa sakit.

"How dare you cheat on me? Sana pala naniwala na lang ako kay Clarice na sa una pa lang ay niloloko mo ako. Ang kapal ng mukha mo. Ang landi mo..." mariin ngunit malamig na sabi ni Alden. Napalayo ako sa kanya. Tumayo ako nang dahan- dahan at kitang- kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata ng dahil sa galit.

"TANGNA MO! TANGNA LANG TALAGA! PUTA KA BA? TOTOO SIGURO NA BAYARAN KANG BABAE NA MULA SA PROBINSYA! ANG DAMI NG NAGSABI NA NATIKMAN KA NA NILA! PUTA KA! SANA SINABI MO NA LANG NA GUSTO MO NG PERA PARA BINAYARAN NA LANG KITA! HINDI YUNG NIRERESPETO PA KITA KASI AKALA KO MALINIS KA! NAPAKALANDI MO PUTA KA! MADUMI KANG BABAE! NAGKAMALI AKO NG MINAHAL! NAGMAHAL PALA AKO NG ISANG BAYARANG PUTA! ANO?! KUNWARI HINDI MO GINUSTO?! GANUN BA! NAPAKAPUTA MO! NAPAKADUMI MO!" tuloy- tuloy nitong sigaw at nagtataas- baba ang kanyang dibdib sa sobrang galit.

His Greatest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon