Chapter 4

3.9K 87 22
                                    

Chapter 4


"Z, sa secret place natin. Lunch time. Take care, baby! Mwa! HAHAHA!

- K"

Natatawang napailing na lang ako sa sticky note na idinikit ni Alden sa notebook ko na hiniram niya nung isang araw.

Napapangiti na lang ako tuwing naaalala ko ang mga pangungulit at kalokohan niya araw- araw. Ilang buwan na ba ang nakalipas mula nung pumasok ako? Anim na buwan na. Tama, anim na buwan na. At sa anim na buwan na 'yun eh kasama ko ang makulit na Alden.

Sanay na rin ako sa mga masasamang tingin ng mga babae sa akin ng dahil kay Alden.

Marami na din ang nagbago. Tulad ng nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan. Naging active na ko sa klase.

Pero may isang pagbabago na ayaw ko man eh wala akong magawa...

"Oh, you are here! Hahahaha!" mapang- asar na sambit ni Kris na nasa aking harapan. Hindi ko alam kung bakit siya nandito.

Papunta na ko sa secret place namin ni Alden ng makasalubong ko siya. At sabihin man na medyo nasasanay na ko na kinakausap niya, iba pa rin 'yung may mga nakapaligid sa aming tao. Ngayon lang nangyari na ako at siya lang ang nasa lugar kung kaya't grabe ang panginginig at panlalamig ko.

"K- kris..." nanginginig kong sabi.

"Bakit mag- isa ang prinsesa?" nakangisi niyang tanong habang palapit sa akin.

Paatras naman ako ng paatras hanggang sa maramdaman ko na lang na napasandal na lang ako sa isang puno.

"K- kris... G- get away from me..." natatakot kong sabi at pilit na tinutulak siya dahil nasa harapan ko na siya.

Ngumiti siya ng nakakakilabot na nagpadagdag lalo sa aking takot.

"Eh paano kung ayoko? May magagawa ka ba?"

Gusto ko man umiyak nang dahil sa takot na aking nararamdaman ngunit kailan ko munang isipin na makatakas dito kay Kris.

"A- ano ba kailangan mo sa akin, Kris?" lakas loob kong tanong.

"Ikaw mismo. Katawan mo." kalmado niyang sagot na akala mo ay simple ang kanyang hinihingi. Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi at biglang nag- init ang aking ulo.

Bastos! Walang modo!

"Tigilan mo na ako! Tigilan mo na kami!" pagsigaw ko. Tiningnan niya ko ng masama kung kaya't napaatras ako.

"Tigilan? Huh, you wish. Hindi ako titigil hanggang hindi ko nasisira si Kaizer at hanggang hindi pa kita nakukuha. Pero pwede pa naman nating pag- usapan. Ikaw, kapalit ng kalayaan ni Kaizer. Ganun lang," sabi niya at iniwan ako ng nanghihina at takot na takot.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa panginginig at ang sobrang bilisna pagtibok ng puso ko. Gusto kong umiyak sa sobrang kaba at takot.

Lumakad na ako papunta sa secret place namin kahit ramdam ko pa rin ang sobrang takot sa aking dibdib.

"Z! Tagal mo naman eh! Sumakit na ang pwet ko kakahintay- Anong nangyari?! Bakit ka umiiyak?!" kita ko ang pag- aalala sa mga mata ni Alden.

Nagtataka ko siyang tiningnan at pinunasan ko ang aking mukha. Ramdam ko ngang basa ang aking pisngi. Doon ko lang napansin na patuloy sa pag- agos ng aking luha.

Hinawakan ni Alden ang aking magkabilang balikat at pilit pinagtatagpo ang aming mga mata.

"Z, why are you crying? Ano ba ang nangyari?" natataranta ng sabi ni Alden dahil sa walang hintong pag- iyak ko.

"FVCKIN' SHIT NAMAN Z! ANO BA ANG INIIYAK MO?!" frustrated na sigaw ni Alden at kita ko ang paggulo niya sa kanyang buhok.

Mas lalo akong napaiyak sa nangyayari. Hindi dahil sa nakikita ko sa reaksyon ni Alden kundi natatakot akong sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyari. Wala akong lakas ng loob.

"I- I'm sorry... I'm sorry Z... Hindi ko lang talaga kung ano ang dahilan ng pag- iyak mo..." mahinahon ng sambit ni Alden at niyakap ako ng mahigpit ng makita niyang mas napahagulgol ako.

Natatakot ako Alden... Takot na takot... Hindi lang para sa akin pero kundi para din sayo...

Iniyak ko lang ng iniyak habang yakap ako ni Alden.

Nagising ako ng may naramdaman akong humahaplos sa aking buhok.

At nakita ko si Alden na katabi ko na tila tulala. Nakaunan ako sa kanyang dibdib habang siya ay nakaakbay sa akin.

"Alden..." tawag pansin ko sa kanya.

"Hey, how's your sleep? Are you okay now?" kita ko pa rin ang pag- aalala sa kanyang mga mata ngunit binigyan niya pa rin ako ng isang pilit na ngiti.

Tumango na ako at ningitian siya.

"A- anong oras na pala?" tiningnan ko ang wrist watch ko at napansing dalawanh oras na ang nakalipas pagkatapos ng aming lunch time, "Hala, late na tayo!"

Tatayo na sana ako ng mas hinigpitan ni Alden ang pagkakakbay niya sa akin, "Alden! Baka pagalitan tayo!"

"Nakapagpaalam na ko. I texted my team na sabihin sa mga professors natin na hindi tayo makakapasom," sabi niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

Ramdam ko ang pag- init ng aking mukha sa kanyang ginawa.

Damn this sweet guy!

"A- Alden..." bulong ko.

"If you want to go home, just tell me.  Nandito na 'yung bag natin," masuyong tanong niya.

"Can we?"

"Yes, come on. At makapagpahinga ka na," yaya niya at tinulungan niya kong tumayo.

"You slept for almost 2 hours after you cried," basag niya sa katahimikan.

"I'm sorry... Naabala tuloy kita. Umabsent ka pa tuloy dahil sa akin," nahihiyang sagot ko.

Tumingin siya saken saglit at ibinalik niya din ang kanyang tingin sa daan, "Z, kahit kailan hindi ka naging abala sa akin. I can turn my back on something just for you."

"Thank you Alden," masuyong sabi ko.

"You don't have to thank me. The first time I laid my eyes on you is also the time that you became my responsibility," sabi niya at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at idinala niya iyon sa tapat ng kanyang dibdib.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na akala mo ay may karerahan ng kabayo na nagaganap.

"Baby..." malambing na sabi nito.

"Alden!" suway ko rito.

"Hahahaha! Okay!" natatawang sabi nito at nakita ko na muli ang saya sa kanyang mga mata.

"Ano ba 'yun?" tanong ko ng matapos siyang tumawa.

"Why did you cry? I mean, is there any problem? Family problem? Or financial problem? I can help you, Z. Just let me," seryosong sagot niya at tiningnan ako diretso sa aking mga mata.

Hindi ko napansin na hininto niya pala ang kotse sa gilid ng kalsada dahil masyadong malalim ang aking iniisip.

Iniwas ko ang aking pagtingin sa kanya at tumingin na lang sa labas ng bintana.

"Z..."

"Pwede bang sa akin muna ang problema ko?"

"Z, why can't you tell it to me?"

"Please Alden? Sa akin muna... I'm begging you..." sabi ko at sinulyapan siya.

Bumuntong hininga siya, "Okay."

I'm sorry Alden. But as long as I can protect you, gagawin ko... Just to save you. Even if I have to risk my life.

His Greatest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon