Chapter 3

2.8K 68 11
                                    

Chapter 3


"Sorry na nga Z! Promise! Hindi na mauulit!" hinging patawad ni Alden habang sinusundan ako papunta sa Canteen.

Binilisan ko pa lalo ang aking paglalakad upang hindi niya ko maabutan. Pinagtitinginan na din kami ng mga estudyante sa mga bawat madadaanan namin papunta sa Canteen. Nakita ko ding pinagbubulungan na din kami ng iba.

Kanina pa niya ko kinukulit. Mula nung umaga pa.

Nakarating na ko sa Canteen at dali- daling humanap ng table para mapag- pwestuhan. Napili ko ang nasa pinakadulong table ng Canteen kaya medyo tago din ako.

Kinuha ko ang aking lunch box sa lalagyanan nito at inilabas doon ang aking hinandang lunch box at sinimulang kainin 'yun.

Hindi dahil dito ako sa tagong table kumakain eh ibig sabihin 'nun ay nahihiya akong may makakita sa akin na nagbabaon ako. Kundi nandito ako dahil sa halos ilang buwan ko na dito eh wala pa rin akong kaibigan.

Hindi daw ako belong sa university na ito, sabi ng mga kababaihan sa akin. Umiiwas din ako dahil ayokong mapagtulungan nila. Alam mo 'yun? 'Yung ibu- bully nila 'yung mga ayaw nilang tao. At ayaw kong maranasan 'yon. Dati, ang dahilan nila ay isang probinsyana at mahirap daw ako. Ngunit sa kinatagal- tagal, unting- unting mas nag- alab ang galit nila sa akin. Ang dahilan? Si Alden. Simula nung araw na nag- umpisa si Alden na kausapin ako o kulitin, inakala nilang nilalandi ko si Alden. Bakit namang hindi? Halos lahat ng babae dito sa university ay halos sambahin na si Alden.

Si Kaizer Alden Dela Vega ay isang sikat na estudyante dito sa university. Isa din siyang sikat na basketball player at siya din ang captain ball. Presidente din siya ng students organization at ng iba pang mga clubs sa university.

Maraming babae din ang nahuhumaling at naghahabol sa kanya. O sabihin nating halos lahat ng babae dito sa university ang mga iyon.

Gusto ko mang itanggi ngunit totoo naman ang mga sinasabi ng mga kababaihan. Gwapo si Alden, at kapag sinabi kong gwapo, hindi lang siya basta gwapo. Napakagwapo niya.

Ang magandang kulay ng kanyang mga mata, ang kanyang medyo makakapal na kilay, ang matangos niyang ilong, ang maninipis at mapupulang niyang labi, ang kanyang panga, at ang kanyang matipunong katawan. Idagdag mo pa na sobrang tangkad nito.

Halata mo rin ang hindi pagiging purong Pilipino nito katulad ko.

Sa itsura niyang 'yun, sino ba ang hindi mahuhumaling sa kanya?

Syempre, maliban sa akin. Ayokong mahumaling sa taong wala naman akong mapapala. At ayoko din dahil ayokong humantong na lalagpas pa sa pagkahumaling ang nararamdaman ko.

Napatigil ako sa aking pagsubo ng aking kutsarang may nakalagay ng kanin at ulam nang may narinig akong nagbubulungan malapit sa aking pwesto.

"Ang gwapo talaga ni Kaizer 'no?"

"Sobra! Like omg! Tapos ang hot pa!"

"Hottie at yummy!"

Napa- iling na lang ako sa aking narinig. Isinubo ko na lang ang kutsara at ninamnam ang aking pagkain. Ang sarap kaya ng ulam ko. Monggo, isa sa paborito kong ulam.

Napatingin ako sa mga babaeng tumitili habang nakatingin sa pinto ng Canteen.

"Kyaaaahhhhh! Si Kaizer!"

"Juicekelerd! Kay gwapo!

"Oh my goodness! May hinahanap ata!"

Kasabay ng kanilang pagtili ang pagsigaw ni Alden na lumilinga- linga pa tila may hinahanap dito sa loob ng Canteen at ang kanyang paghingal na akala mo ay tumakbo ng ilang kilometrong layo.

His Greatest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon