Chapter 2
Naalimpungatan ako ng may narinig akong kaluskos sa labas ng aking kwarto at amoy sunog na ewan. Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan ang orasan sa aking gilid. At halos lumuwa ang aking nga mata! 9:18 a.m na!
Dali- dali akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at dumiretso agad sa kusina upang maghanap ng makakain. Ngunit, mukhang hindi na kailangan iyon nang dahil sa aking naabutan.
"Shit naman oh! Bakit ba palaging sunog?! Tangnang itlog na 'to! Makisama ka naman! Baka magising na siya eh wala pang nakahain! Bwisit!" rinig kong sunod- sunod na reklamo niya habang abala siya sa kanyang pagluluto.
Nanlaki ang aking mga mata ng mapatingin ako sa kanyang katawan at napansing wala pala siyang damit pantaas at naka- pajamang black lang siya na ipinahiram ko pa kagabi!
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay parang uminit sa aking lugar. Pinahidan ko ang aking noo dahil akala ko ay may pawis doon ng dahil sa init ngunit wala naman.
Ano ba ang nangyayari sa akin?!
Napalunok ako ng sunod- sunod nang gumalaw ang kanyang muscles sa likod ng dahil sa kanyang pagkilos. Maganda ang kanyang katawan. Ngunit hindi sagwa itong tingnan. Hindi katulad ng iba na masyadong maumbok. Napansin ko din ang kanyang maputi at mamula- mulang kutis.
Buti na lang at nakatalikod siya mula sa aking pwesto kung kaya't natitingnan ko siya ng ganito. Buti na lang din ay nadala ko ang pajama ng aking pinsang lalaki na hiniram ko pa sa kanya noon pa. Halos magkasinglaki at magkasingtangkad lang naman ang pinsan ko at si Alden kaya okay lang.
"Fvck! Just fvckin shit! Sunog na naman!" inis na sabi nito. Tinapon nito ang sunog na naman na itlog sa lababo at nagsimulang magprito na naman.
"Tangna lang talaga! Shit! Shit! Shit! Kahit isang itlog lang para makakain ang prinsesa ko!" sigaw na naman nito at tinapon na naman ang sunog na itlog sa lababo.
Napangiti ako ng lihim ng tawagin niya akong prinsesa. Prinsesa? Sa aking pagkakarinig nun ay may kung anong kiliti at haplos nito sa aking puso.
Oo, prinsesa talaga ako. Ngunit ayaw kong maranasan muna 'yun. Gusto kong maranasan ang normal na buhay. Ang buhay na gusto ko dati pa.
Napapailing ako habang hindi mawala ang aking ngiti sa labi at dahan- dahang lumapit sa kanyang likod.
Kahit side view lang, kita ko ang pagkapula ng kanyang mukha at pag- igting ng kanyang panga ng dahil siguro sa inis.
"Ubos na ata ang itlog ko" sabi ko habang nakatingin sa itlog na tinatapon niya sa lababo.
"HOLY SHIT!" gulat na sigaw nito at nabitawan pa ang hawak na kawali sa lababo.
Hindi ko napigilan ang kamay kong tampalin ang kanyang bibig nang dahil sa pagmumura niya, "Ang bibig mo nga!" saway ko rito at tiningnan pa siya ng masama.
Hindi kasi ako sanay na makarinig ng mura.
"Babe este Z!" alanganing bati nito sa akin at natatarantang kinuha ang kawali kaya hindi niya namalayan na hindi na hawakan ng kawali ang nahawakan niya kung kaya't napaso siya, "Aray!"
"Ano ba 'yan!" sabi ko at hinawakan ang napaso niyang kamay.
I checked his hands at medyo namumula iyon.
"Dahan- dahan kasi!" inis kong sambit dito. Binuksan ko ang gripo at tinapat ang kanyang namumulang kamay.
"Cold compress lang natin 'yan, okay?" sabi ko rito pagkatapos kong basain.
Iniwan ko muna siya saglit sa kanyang kinatatayuan at pumunta sa ref para makakuha ng yelo. Pagkakuha ko ng yelo ay dali- dali akong pumunta sa kwarto para kumuha ng malinis na face towel. Ibinalot ko ang yelo sa face towel at lumapit na muli sa kanya.
Idinampi ko ang yelo sa kanyang kamay, "Babe naman!" reklamo nito ng diniinan ko ang pagdampi at nilayo sa akin ang kanyang kamay.
"Anong 'babe' ka dyan!" kinuha ko ulit ang kanyang kamay at sinuri ito, "Magdahan- dahan kasi!" dagdag ko pa.
"Eh di honey na lang kung ayaw mo ng babe" sabi nito habang ako naman ay abala sa kanyang paso.
"Honey!" nasaktang sabi nito ng mas diniinan ko ang pagdampi.
"Magtigil ka nga dyan Kaizer Alden!" suway ko sa kanya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, "Eh di 'wag na lang honey at babe. Gusto mo- "
"Isa pa Dela Vega! Malilintikan ka na talaga sa akin!"
"Oo na po! Sorry po!" parang batang sabi nito at pinahaba pa ang nguso. Nagpacute pa ang loko!
"Ikaw muna bahala dyan sa paso mo at ako na lang ang magluluto. Masunog mo pa ang kusina ko. Tsaka gutom na din ako eh" sabi ko at tinalikuran siya. Pumunta ako sa ref at kumuha ng hotdog at tocino.
Niligpit ko muna ang mga shells ng mga itlog na niluto niyang tila naging uling sa pagkakasunog nito. Tinapon ko ang mga iyon sa basurahan. Napansin ko din ang tray ng itlog na kakabili ko lamang nung isang araw na wala ng laman.
"Inubos mo na yung itlog" sabi ko rito nang mapansin kong nasa gilid ko pa rin naman siya at nakatayo.
"Sorry" hinging paumanhin niya.
Hindi na lang ako nagsalita pa at nagsimula na ring magluto.
Natapos ko ng iluto ang hotdog at tocino kaya inihain ko na iyon sa lamesa kung saan nakaupo na si Alden.
Isinasangag ko ang kanin ng mapansin ko si Alden na namamapak ng ulam.
"Alden!" saway ko rito.
"Hehe. Sorry, sarap kasi eh" at nagpa- cute pa ang loko!
Natapos ko ng lutuin ang sinangag na kanin kaya inilipat ko na iyon sa isang plato at inihain na din sa lamesa.
"Ouch naman, Z!" reklamo ni Alden ng tampalin ko ang kamay niyang kumukuha ng tocino.
"Pray muna, pwede?"
"Yess boss!"
"Ang sarap! Salamat Lord! Salamat babe!" masayang sabi ni Alden pagkatapos naming kumain.
Hindi ko akalain halimaw pala kumain itong kumag na 'to!
"Alden... Ano kasi... Magbihis ka na at umuwi sa inyo kasi papasok pa ako eh. Kahit mag- half day lang ako okay na" sabi ko rito.
Anong oras na din eh 8:00 am ang start ng klase ko.
"You don't need that. Nagpaalam na ko sa mga professors natin to excuse us because we are sick," ngumunguyang paliwanag nito.
"Ha?! Papaano yung mga- "
"Chill. They let us na rin naman. Tsaka kung may mga lectures at quizzes na we need to take, ako na ang bahala."
At sa huli, pumayag na lang din akong um- absent.
"Thanks" sabi ko nang nasa tapat na kami ng gate ng apartment ko.
Gabi na din nang makuwi kami mula sa mall dahil nag- grocery kami. Konting pasyal, kainan, kwentuhan at tumuloy na din kami sa grocery.
Pinalitan niya din yung inubos niyang itlog kanina.
"My pleasure, Z" nakangiting sambit nito.
Kinalas ko ang pagkakasakbit ng aking seatbelt at binuksan na ang pinto ng kotse.
Lalabas na sana ako ng mapahinto ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. Halos kalahati ng aking katawan ay nasa labas na ng kotse at para lang akong nakayuko.
"Zoey" tawag niya sa akin.
Nabigla ako sa kanyang ginawa pagkalingon ko at napalayo ako sa kanya kaya tuluyan na akong nasa labas ng kotse.
"Goodnight, my princess!" masayang sigaw niya at pinatakbo ng matulin ang kanyang kotse.
Did he.. Did he kissed me?! Arghhh! That's my first kiss!!
BINABASA MO ANG
His Greatest Regret
General Fiction"One day, I hope you realize you hurt the one girl who would never hurt you. You walked out on the one girl who would never have walked out on you. You left a girl who never leave you. You let a girl go who only wants to be with you. And you don't t...