Chapter 1
"Ano ba?! Nakakainis ka na, ha!" inis kong sigaw sa isang lalaki na kanina pa ako inaasar. Well, let's say mula nung pumasok ako dito ay palagi niya nang sinisira ang araw ko.
Pangatlong buwan ko na dito sa unibersidad na ito. At tatlong buwan na din ako bwini- bwisit ng lalaking 'to.
"Ang sungit mo naman Nic- hole!" nakangiti nitong sabi. Biglang nagdilim ang aking paningin sa kanya nang banggitin niya ang aking pangalan. Araw- araw na lang niya bang pagtritripan ang pangalan ko, lalo na ko?!
"Bwist ka! Bwisit! Nakakainis ka!" inis kong sigaw habang pinaghahampas siya sa kanyang dibdib.
Hindi ko tinigilan ang paghampas sa kanyang dibdib sa sobrang inis ko sa kanya. Ni hindi ko na ininda ang pagsakit ng kamay ko dahil sa paghampas ko sa kanya.
Nagulat ako nang yakapin niya ako at napasubsob ang mukha ko sa kanyang matigas na dibdib, "U-uy... S-sorry na... Joke lang naman 'yun eh. T-tahan na... Hush now..." natatarantang sabi nito at hinahagod ang aking likod. Hindi ko na pala namalayan na umiiyak na ako sa sobrang inis sa kanya.
"Bwisit ka. Inaano ba kita? Sabihin mo lang naman na ayaw mo sa akin, aalis ako eh" hikbi kong sabi at hinayaan ko na lang siyang yakapin ako. Buti nandito kami ngayon sa likod ng unibersidad.
Maganda ang likod ng unibersidad. Mapuno, mahangin at tahimik. Kaya nang makita ko ito ay dito na lang ako tumatambay lagi. Hindi ko nga alam kung paano nalaman ng lalaking ito kung nasaan ako ngayon eh.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, nilayo niya ako mula sa pagkakayakap niya sa akin at tumingin ng diretso sa aking mga mata, "Gusto ko lang naman kasi maging close sa'yo. Hindi ba halata? Mula nang dumating ka dito ay kinukulit na kita. I want to know everything about you, or just give me some info about you."
I wiped away my tears at tiningnan din siya pabalik sa kanyang mga mata, "A-ano ba ang gusto mong malaman?"
"Hmm... Tutal hindi ka naman nagpakilala nung unang araw ng pasukan at yung mga professors lang natin ang mahilig tawagin kang Nichole. Let's introduce ourselves" sabi nito na may matamis na ngiti sa labi.
"Okay lang ba 'yun?" tanong niya nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanya.
Tumango ako bilang pagsang- ayon. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinatak siya paupo sa tabi ko. Umupo kami sa may ilalim ng puno ng narra na nasa gitna ng likod ng unibersidad.
"Ask me" sabi ko at tumingin sa langit. Kitang- kita ko kung paano nagsisimulang magkulay kahel ang kalangitan.
"Full name mo?"
"Zoey Nichole Fuentabella" sabi ko at tiningnan siya saglit.
"Hindi mo ba tatanungin ang pangala- "
Pinutol ko ang kanyang sasabihin, "Ikaw si Kaizer Alden Dela Vega."
Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng kanyang mga mata na tila'y nagulat kung bakit ko siya kilala.
Who doesn't know him in this school? Kung sa araw- araw na pumapasok ako ay laging pangalan niya ang bukambibig ng mga estudyante at ng mga teachers.
Nagulat ako ng siya ay biglang tumayo at sumigaw, "ALAM MO ANG PANGALAN KO! KILALA MO KO?! DAMN! WHOO!!!"
Kitang- kita ko sa kanyang mukha lalo na sa kanyang mata ang sobrang kasiyahan habang sinisigaw niya 'yun. But what is the big deal for him to be that happy after knowing that I knew him?
"Ssshhh! 'Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa kaingayan mo!" natatawang saway ko sa kanya at hinatak siya paupo, pabalik sa kanina niyang pwesto. "Tsaka papaanong hindi kita makikilala eh palagi mong sinasabi sa akin ang pangalan mo every time na nakikita mo ako" natatawa kong saad.
BINABASA MO ANG
His Greatest Regret
Narrativa generale"One day, I hope you realize you hurt the one girl who would never hurt you. You walked out on the one girl who would never have walked out on you. You left a girl who never leave you. You let a girl go who only wants to be with you. And you don't t...