Chapter 5
"Oh, my heart hurts so good... I love you, babe... So bad, so bad..." mahinang kanta ko habang tinitipa ang chords sa gitara. Nandito lang ako likod ng school kung saan ako lagi tumatambay. Wala kaming professor ngayon dahil may biglaang meeting daw sila. Ayoko namang umuwi agad dahil 1pm pa lang naman. Wala na rin naman akong gagawin sa bahay kung uuwi ako ng maaga dahil nakapaglinis na ako kahapon at nakapaglaba na din naman ako ng mga maruruming damit.
Lunes na lunes pero wala agad klase. Nagiging busy na kase ang mga professors dahil sa susunod na buwan na ang Foundation Week. Sunod- sunod na meetings ang meron ngayon para pag- usapan na ng mga professors ang mga magiging activities sa Foundation Week at kailangan ng mga mas magagandang plano dahil ika- 100 na taon na ng unibersidad. Open for all ang plano ng unibersidad para sa mga magiging activities. Kaya dapat bongga at hindi papalpak.
"Z!" malakas na sigaw ni Alden. Nakita ko siyang nakangiting tumatakbo papunta sa akin.
Nang makalapit siya ay tinabi ko na agad sa gilid ko ang aking gitara at tinuon na kay Alden na hinihingal na nasa harapan ko.
Nakatingala ako sa kanya at medyo nasilaw dulot ng sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata. Napansin ata iyon ni Alden kung kaya't umupo siya aking tabi.
"Z, grabe grabeee," pakantang sabi ni Alden saken. Kitang- kita ko ang sobrang kasiyahan sa kanya.
Kaizer Alden is like a sunshine. He can easily light up your dark world. He brings light and can give you happiness. Sa mga nakalipas na buwan mula ng mag- aral ako dito, siya lang ang masasabi kong hinayaan kong pumasok sa mundo ko.
Nahawa ako sa kasiyahan niya kung kaya't di ko napigilan ang sarili kong matawa lalo na at ginaya niya pang kantahin ang kantang sumisikat ngayong panahon.
"Mukha kang ewan, Alden. Ano ba nangyari at sobrang saya mo ata?" natatawang tanong ko pa rin sa kanya.
Napakamot siya ng ulo at tila ba ay nahihiya siya sa ginawa niya, "Mukha ba akong ewan? Hehehe"
Napangiti ako. Ang cute niya talaga kapag nahihiya siya ng ganto! Para siyang bata na biglang nahiya kase nasa harapan niya ang crush niya.
"Bakit ba? Sobrang saya mo naman ata?"
"Naging top 1 kase ako sa Math sa exam sa buong 1st year. Pinagpuyatan ko talaga ang pag- aaral dun!" may pagmamalaking sabi niya.
"Oh, tapos? Tsaka legit ba 'yan? Baka fake news lang 'yan ha?" pigil ngiti kong sabi.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Huh, what's wrong with what I have said? I am just asking, okay! Hahaha!
"Z! Ang jugder mo, grabe grabeee!" umakto siya na para bang nasaktan talaga siya sa sinabi ko, "Z, I studied so hard just to have that position! I studied so hard just for you!"
"Huh? Why would you do that? Anong kinalaman ko sa pag- aaral mo kuno para maging top 1? Care to tell me? Hmm? And also how would I know if you really did not cheat, aber?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
Aba, parang lumalabas pa eh utang na loob ko na naging top 1 siya!
Napatitig siya saken at kita mo na bumalatay sa kanyang mga mata ang sakit sa sinabi ko. Nabigla ako dun at hindi ko alam kung bakit siya nasaktan. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita na pwede kong sabihin sa kanya.
Am I being too much? Am I too harsh? I was just kidding!
"K- Kaizer..."
"Z, I really did study. It seems you forgot our deal, eh?" confusion is written all over my face because of what he said. Deal?
BINABASA MO ANG
His Greatest Regret
Fiction générale"One day, I hope you realize you hurt the one girl who would never hurt you. You walked out on the one girl who would never have walked out on you. You left a girl who never leave you. You let a girl go who only wants to be with you. And you don't t...