Chapter 1

49 2 0
                                    

Amnesia

White ceiling. White walls. Unti-unti kong iginalaw at ikinurap ang aking mga mata. May malaking aparato sa gilid ko. Naririnig ko ang beating sound na nanggagaling doon.

I tried to move my body but it felt like there was a big boulder of rock pinning me on my spot.

Ako ang nakaratay sa kama at hindi ko maigalaw ang katawan ko maging ang mga daliri ko sa kamay. I tried to make a sound. Para sa akin hiyaw nang maituturing ang ginawa ko ngunit ang totoo, mahinang piyok ang tanging lumabas sa bibig ko.

Wala akong kasama sa loob ng kwarto. Ramdam ko rin ang lamig na nanggagaling sa centralized aircon ng ospital.

Why am I here? Ano'ng nangyari sa kin?

God..Mom...Dad where are you?

Pinipilit kong alalahanin sa isip ko ang naging sanhi kung bakit ako nandito. Hindi naman ako naoospital dati. Ngayon lang.

Ngunit agad akong sinalakay ng matinding sakit ng ulo sanhi nang muli kong pagpikit.

Sa puntong iyon ay bumukas ang pinto. Isang nurse ang pumasok at nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Dali-dali nitong kinuha ang phone na nakasabit sa isang pader at mabilis na nagdial.

"Doc, gising na po ang pasyente sa Room 403..yes po..ok po..magisa lang po siya dito. Umalis po yung asawa niya kanina pero alam ko po babalik din agad si Mr. Cabrera...copy doc."

Wala pang dalawang minuto ko naididilat ang mga mata ko, pakiramdam ko ay hapong hapo na ako. Hindi ko napigilan kaya't muli akong napapikit at hinayaang hilahin muli ng antok.

Nang muli akong magising ay hindi na ako nag-iisa. Namulatan ko ang
makakapal at salubong na mga kilay, at isang pares ng mga matang puno ng pagaalala.

That face...kilala ko ang mukhang to.

Ano'ng ginagawa ni River Augustus dito at bakit ganito siya kung makatingin?

Iniwas ko ang aking mga mata sa kanya. Naguguluhan ako at nalilito.

Dumako ang mga mata ko sa dalawang tao na naroon din sa loob ng silid. Si Mommy at Daddy.

Umiiyak ang Mommy ko at hinawakan ang aking kamay.

"Oh my God...finally you're awake, Nix. I'm so worried." sabi niya.

Pinilit kong magsalita at sa puntong iyon ay napagtagumpayan ko naman.

"M-mommy...ano'ng nangyari sa kin?"

"Naaksidente ka anak. Bumangga yung sinasakyan mong kotse sa truck."

Bumalatay ang pagkagulat sa mukha ko. Pilit kong hinahagilap sa utak ko ang nangyari pero wala along matandaan tungkol sa nangyaring aksidente. Nagsimulang pumintig ang magkabilang sentido ko. It's painful but bearable.

"Mabuti na lang at nakasunod sa iyo ang kotse ng asawa mo. Agad kang naisugod sa ospital." sabi naman ng kanyang Daddy na lumapit sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi.

"A-asawa?"naguguluhan kong tanong.

Nagkatinginn ang mga magulang niya.

"Oo Nix. River was tailing you that night."

"P-paano nangyaring m-may asawa ako?"

Namalayan ko ang isang presensya sa aking gilid nang lumundo ang kama.

Napatingin ako kay River na ngayon ay titig na titig sa aking mukha. Akmang itataas nito ang kamay ihaplos sa pisngi ko ngunit agad akong umiwas.

"B-bakit ka nandito River? We're not close. And..you aged a lot."

Don't Let Me Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon