Chapter 5

24 0 0
                                    

Economics

Mabilis na lumipas ang mga buwan. Buo na rin ang pasya ko sa kukunin kong kurso. I'm going to take Fashion and the Arts.

Since my parents were both Blue Eagles by heart, they also wanted me to study at Ateneo. Wala namang kaso sa akin iyon. In fact, I already attended an open orientation for interested freshman applicants last week. Kasama ko si Red. Ang usapan namin ay walang iwanan. Kung saan ako magkokolehiyo ay doon din siya.

Interior Designing naman ang kukunin ni Red. Though imposible kaming maging magkaklase, at least same school pa rin ang papasukan namin.

When graduation came, nasungkit ko ang Leadership Award. Proud ako habang isinasabit sa akin ni Daddy ang malaking medalya ko.

Philip and Diana Reynaldo, owners of CrestPoint International which is a chain of hotels and resorts in the country, were beaming with pride as they witnessed their only daughter received one of the most prestigious awards.

"You just made us so proud Nixi." Daddy said as he kissed my forehead.

After the program, we dined at a first class restaurant inside one of our hotels. That same summer, my family went on a Carribean cruise as part of my graduation gift from my parents.
On top of that, my Dad gave me a premier camera that I can use for my vlogs.

Bininyagan ko ang camera sa Cruise ship while reviewing the food and amenities. Doon ko nalaman na may talent pala akong gumawa ng food reviews and more.

I edited my video and uploaded it in my vlog. After a week, I received an email from the cruise ship company thanking me for my good reviews and they said that they're going to post it on their site. I was also given two full-expense paid cruise trip valid until such time I use it.

Maybe in the future isasama ko naman si Red.

Nang sumapit ang pasukan ay sinorpresa ako ni Red nang idrive niya mismo ang brand new red convertible niya. Iyon naman ang regalo sa kanya ng Daddy niya. Kaya pala missing in action ang bruha, nagenrol sa driving lessons buong summer.

"Red talaga bang nakapasa ka sa driving lessons mo ha? Preno ka ng preno saka masyado kang nakatutok doon sa nasa unahan natin."

"Trust me, Nix. Bwisit lang itong nasa unahan natin. Ayaw magpasingit samantalang kanina ko pa siya iniilawan."

Sa buong durasyon ng biyahe ay halos magrosaryo na yata ako dahil sa bilis magpatakbo nitong si Red. Nang makapagovertake siya sa nasa unahan namin ay halos humarurot sa bilis. Kay yabang magdrive.

"Red mamamatay ako nang maaga sa iyo!"

"Palibhasa ayaw mo ng thrill!"

"Baliw!"

Sa wakas ay dumating kami sa aming destinasyon ng buo pa naman.

On the first day of classes, I wore a peach poloshirt, dark blue pants and sneakers. Hinayaan kong nakaponytail ang mahaba kong buhok. Dinala ko ang backpack instead na shoulder bag.

Ang isa pang sorpresa ni Red sa akin ay ang pixie haircut niya. It looked good on her. Tinotoo nga niya ang pagpapagupit nang maiksi. Don't get me wrong. Hindi tomboy ang kaibigan ko kahit pa nga pareho kami ng style. Sadyang boyish lang talaga siya. Katunayan ay mas malandi pa ito sa akin.

"Grabe Nix, madaming gwapo dito. Sobrang iba ng atmosphere sa bago nating school kaysa sa St. Therese's. Sa bawat lingon ko, may nakikita akong lalaki."

Napailing na lamang ako habang naglalakad sa College of Arts. Same kami ng building ni Red, magkaiba nga lang ng classmates.

Pagpasok ko sa classroom ay medyo marami nang naroon. Block section kami kaya sila pa rin ang magiging classmates ko hanggang fourth year. Mostly ay girls ang naroon.

Don't Let Me Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon