Chapter 24

3 2 0
                                    

Nakarating kami sa dalampasigan ng tahimik. Kasi pinatahan niya muna ako bago kami bumalik.  Habang dadaong na kami nag aabang si mang Ben. 

"sir! Buti naman po at naka alis na kayo sa dagat bago mag hightide" sabi niya at tinulungan niya si Lei  makababa.

"oo nga manong" sabi niya at hinatak nilang dalawa ang bangka para mapunta sa pang pang

Iniabot ni Lei ang kamay niya sakin upang makababa ako.  Alam kong curious siya bat ako ganun umiyak pero sa ngayon ayoko munang sabihin.  Inabot ko na rin ang kamay niya siya ka ako ngumiti sa kaniya at ganun din ginawa niya. 

"ay ma'am  kumusta naman po ang dagat? " masayang tanung ni manong ben. 

"maganda po at nakakarelax ang paligid" ngiting sabi ko.

"naku po mamaya balik po kayo dito sa dalampasigan maganda pag magtatakipsilim na po" sabi niya at inayos ang bangka.

"tara maligo kana at ng makakain tayo" sabi ni Lei.

Nakita ko ang lungkot niya sa mata ngayon. Siguro ay nagaalala siya sakin kung bakit ako umiyak.

"aahhmm Lei" tawag ko sa kanya

"ano yun"

"gusto ko mag sorry sa kanina" sabi ko at yumuko

"sorry din" sabi niya

Pero nabigla ako bat siya nag sosorry

"bakit ka nag sosorry? " tanung ko

"kasi hinalikan kita baka dahil doon kaya ka umiyak pwede mo naman akong itulak kung ayaw mo eh hindi kita pinipilit Max" malungkot na sabi niya

Naku po napatapik nalang ako sa noo ko. 

"Lei  nagkakamali ka hindi yung halik ang dahilan kung bakit ako umiyak" pagpapaliwanag ko

"talaga ba? Baka nasasabi mo lang yan para hindi ako masaktan" sabi niya at tumalikod
Tumakbo ako para yakapin siya. 

"Lei, hindi promise iba ang dahilan hindi ko man masabi ngayon pero sana maintindihan mo," sabi ko habang yakap ko siya

Niluwagan ko ang yakap kaya napa harap siya at tinignan niya ako hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha.

"mabuti naman kala ko kasi doon, pero naiintindihan kita" sabi niya

Nagkatitigan kami at....

Crowwwwlllll~~~~

Nakangiti na siya

"halika na nga gutom na alaga mo" sabi niya sakin at pinisil ang ilong ko

"te-tekaaa hindi ako yun ahh!! " sabi ko ng pagpapadyak ng paa. 

Tumawa lang siya ng tumawa. Kaya natawa narin ako ngayon magkahawak na ang kamay namin......

---------

"hoy babae! " sabi ni hanna

"Po" sabi ko habang nag bloblower

"anong nangyari? " tanung niya

"anong anong nangyari? " takang tanung ko

"wag ka nga pagdating niyong dalawa ang sweet niyo tapos sa hapag kainan sinusubuan ka niya so kayo nilalanggam habang ako inaamag" mataray na sabi niya

Natawa ako naman ako sa inaamag siya

"haha wala maganda kasi yung tanawin bakit kasi hindi ka sumama namiss mo tuloy ang nature" sabi ko at nag suklay

"bukod sa nature may iba pa ba? " naningkit ang mata niya habang tinatanung yan

"wa-wa-wala na aa-aahh nag swimming Oo yun lang " sabi ko aiissshhh alam ko nahalata niya na kilala niya ako eh

"Max di mo ko mauuto, mag kwekwento kaba or hindi? " sabi niya at naka cross armed. 

"hmm pag isipan ko" sabi ko pero inaasar ko lang siya

"Maaaaxxxx!!?!!" sigaw niya ganyan yan pag frustrated.

"so ganito yan kasi..... " panimula ko

Oo kwenento ko sa kaniya lahat alam nita naman kasi nangyayari sa buhay ko

"pak-kinikilig ako ang ganda ng scene niyo" sabi niya at dumapa sa kama

"hindi ko naman ineexpect yun eh" sabi ko at umupo sa kama

"pero Max  di ba hindi siya ang first kiss mo? " sabi ni hanna

"kilala mo naman kung sino di ba" sabi ko at lumingon sa kaniya lumingon din siya sakin

"alam na ba ni Lei? " tanung niya at seryoso

"hindi sasabihin ko sa kaniya pag okay na ako pag nahanap ko na sarili ko" sabi ko kay hana at napabuga ng hangin

"bakit Max may pag mamahal ka pa ba sa kaniya? "

"ewan ko hanna naguguluhan ang sarili ko.  Pero gusto kong magmahal ng buo ulit pero gusto ko walang sabit. " sabi ko at binagsak ko ang katawan sa kama

"mahirap ba, tingin ko kasi Max binabalikan ka ng nakaraan mo kasi palagi mong tinatakbuhan" sabi niya at umayos siya ng higa

"kaya nga dapat ko ng harapin, kaso hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang hirap intindihin parang may kakaiba kasi pag nakikita ko siya" paliwanag ko

"eh paano yung isa ano nararamdaman mo dun" tanung niya

"masaya ako. Pero bago man ang lahat aalamin ko muna tong nararamdaman ko" sabi ko

"perp dahil sa ginagawa mo alam mo meron at merong masasaktan" sabi niya

"alam ko hanna,  at pag dumating ang araw na yun sana sana talaga nahanap ko na rin ang sarili ko" sabi ko

Pareho kaming napabuntong hininga.  Alam niya na mahirap ang situation pero ayoko rin naman na magmadali kasi masasayang lahat. 

Sigurado ako darating ang araw na pag nahanap ko ang tunay na nararamdaman ko magiging okay din ang lahat.

It's  Not The Same AnymoreWhere stories live. Discover now