(1) What is a Plot Formula?

334 33 69
                                    

◆Plot Formula◆

Sino rito ang nasubukan na umpisahan ang matagal nang pinapangarap na novel?

Sino rito ang hindi natapos ang matagal nang pinapangarap na novel?

I feel you guys! 

Hindi biro ang struggle para umpisahan ang isang kwento pero mas malaking struggle kung paano mo siya tatapusin. Ano ba ang mga dahilan bakit marami ng orphaned stories?

📌Para sa'kin,  ito ang iilan sa mga nakita kong dahilan:

•Tinamad ka na

•Masyado ka nang busy

•Hindi mo na alam kung paano siya pipagpapatuloy

•Nawalan ka ng gana dahil sa tingin mo walang nagbabasa

•Nawalan ka ng gana dahil sa mga harsh comments at critique sa kwento mo

•Matagal ka naging inactive at ngayon ay hindi mo na nga maalala ang mismong plot na nais mo

Minsan naman mayroon kang sobrang gandang idea at sobrang tagal mo na siya gustong bigyan ng buhay kaso hindi mo alam paano isusulat.

So paano nga ba uumpisahan ang kwento mo?

For me, writing a plot outline should be above anything else. May tendency kasi na hindi mo matapos ang kwento dahil in the first place wala kang target na outline at kung meron man ay minsan na lilihis ka.

You should start with a working BME,  your beginning,middle and end.  Example lang ang ah.

📌Feel free to use this prompt just don't forget to acknowledge me.

Beginning:

Isa si Julia sa mga mutated metahumans kung saan pinanganak siya na may kakayahang makita ang damdamin ng mga tao sa paligid niya. Nagawa niyang mabuhay gaya ng mga normal na tao ngunit may nawawala siyang alala na halos isang taon noong 12-13 siya.

Middle:

Buong buhay niya ay tinago niya ang kakayahang ito dahil sa takot na kunin siya ng gobyerno at ikulong dahil sa anti-metahuman project. Pero nakilala niya si Damien at aksidenteng nadiskubre ng lalaki ang kakayahan niya. Hindi si Damien katulad ng ibang tao dahil ang damdamin niya lang ang bukod tanging hindi makita ni Julia.

Ending:

Nahulog ang loob ni Julia sa binata at magkasama silang tumakas sa pwersa ng gobyerno na naghahanap kay Julia. Sa huli ay madidiskubre ni Julia na isang normal na tao si Damien at hindi siya metahuman. Isa siya sa mga scientists na pinag-aralan ang kondisyon ni Julia. Isa siya sa mga tao sa nawawalang alala ni Julia.

Ngayon kung nakabuo ka na ng plot outline mo mas magiging madali ang mga susunod na bahagi ng mga updates. Kailangan mo na lang isulat in detail ang conflict at character build up nila. Mostly likely rin na hindi mo maiiwan sa ere ang kwento kapag may vision ka ng ending niya. Kasi sayang na 'di ba.

📌Pero kapag mahirap pa rin bumuo ng BME, ito ang iilang karagdagang tips:

Start writing
Seryoso. Umpisahan mo. Kahit ano pa ka obscure o vague ang idea mo, take time to sit down and start writing. Kapag may main goal ka mas madali na mag-improve at magdagdag.

•Be different
Don't be afraid to make your own brand. Sa mundo ng wattpad kung saan laspag na laspag na ang "ganster", "billionare" , "playboy", "academy", huwag kang matakot na mag introduce ng bago. Malay mo ikaw na ang next big trend!

Know what sells
This could be a bit contradicting to my previous remark, 'be different' but hear me out.

Alamin mo ang target audience mo. Alamin mo ang patok at angkop sa panahon. This will help you have a fixed audience. Pero hindi naman ibig sabihin na kokopyahin mo na lahat ng may million-million na reads. Use it as a study material. Observe. Learn. Innovate.

Be Systematic
Medyo mahirap ang part na 'to. It requires dedication and discipline but once you make it a habit, update will be so much easier. Ugaliin mo na isulat ang mga ideya mo. Even the random ones, just put them into document. Schedule a time of the day or week when you dedicate that time to writing and writing alone. Medyo mahirap talaga siya umpisahan pero kapag systematize ka mas mabilis ang flow ng ideas.

Ako, minsanan na lang din mag-update dahil may pasok na at lahat- lahat. What I do when I have free time, if I can't think of a new scene for an update, I go back to read my previous works. Minsan ini-edit ko na lang ang mga lumang chapters. Paunti-unti lang pero kahit papaano ay may nagawa kang productive sa kwento. Kaya naman make it a habit! Writing is a lifestyle.

•Commit!
- Ayon eh!  Ito talaga ang hirap mag-commit. Kasi minsan sa kalagitnaan ka pa lang susuko ka na. Charot lang!  Naghugot pa talaga ako eh. Pero seryoso na.

Commitment talaga ang key para mabigyan ng buhay lahat ng mga ideya na palutang-lutang lang sa imahinasyon mo. Umpisahan mo na magsulat ngayon. Magsulat ka para sa sarili mo. Magsulat ka dahil mahal mo ang sining mo. Kapag mahal mo kasi ang isang bagay kahit minsan mahirap na, hindi mo pa rin kaya sukuan. Kaya naman isulat mo lang. 'Di na bale ang sasabihin ng iba o kung iilan pa lang ang nagbabasa. One day your creation will finally see the light of day. You just have to commit!

I hope this update has been helpful. Let me know what you think about it in the comments.

May mga katanungan ba kayo o mga topic na nais ma-discuss sa guide book na 'to?

Comment inline your suggestions and questions right here ⏩⏩⏩

SALAMAT!

~Love,

DYOSA

How, What, Why Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon